CHAPTER 157

437 24 10
                                    

XIA'S POV

"May kinalaman ka ba sa pagkawala niya?" tanong ko kay Laurent.

Hindi niya ako sinagot. Uminom lang siya ng beer hanggang sa maubos iyun saka siya tumingin saakin.
Kanina ko pa siya kinakausap pero nanatili lang siyang tahimik.

"Pati ba naman ikaw pinagbibintangan ako?"

Nagkibit balikat ako. Bakit ko nga pala siya tinatanong? Alam ko namang wala siyang kinalaman kay Drix. Alam ng lahat na minsan hindi maayos ang pag-iisip ni Drix kaya nakakagawa ito ng padalos-dalos na desisiyon.

"Pero ayos na ang ganito. Malayo siya sayo. He won't hurt you anymore, Xia."

My eyebrows creased as I heard those words. "How can you say that?!" inis na sabi ko, "Drix is missing, Laurent! My boyfriend is missing! Hindi pwedeng ganito. Gusto kong makalaya sa pagmamahal niya pero hindi sa paraang ganito. What if something happened to him?"

Inilapag ni Laurent ang baso. Nagulat pa ako dahil sa lakas niyon.

"If you want to get away from him, then why did you gave him a second chance? If you really want to do it, you should've do it in the first place!" sabi niya na nagpahinto saakin.

'What am I even doing?'

"I just want to know if he's going to change! Masama ba yun? Everybody deserves a second chance, kahit na ayaw mong ibigay....ibibigay mo nalang kasi mahal mo siya. At umaasa akong balang araw, magbabago siya."

"Did he? No. Everybody deserves a second chance, but if that person really loves you. He wouldn't have wasted the first chance to get the second one."

Tumingin ako sakanya, "Lahat ng tao nagkakamali, Laurent."

"Tama ka. Pero ang kagustuhan ay hindi masasabing pagkakamali. Ginusto niyang mangharas ng ibang babae, at hindi siya nagkamali. Ang nagkamali ay hindi sinasadya. At ang gumawa ng mali ay alam niyang mali yun pero ginawa pa rin niya." sabi niya.

Nagbaba lang ako ng tingin. Minsan, hindi ko gaanong maintindihan ang mga sinasabi saakin ni Laurent. Hindi kaya ng utak ko na unawain lahat ng sinasabi niya. O sadyang wala lang akong pang-unawa doon?

*END OF FLASHBACK*



"Mula nun, hindi ko na siya nakita pa. Walang nakapagsabi kung saan siya nagpunta. Hindi ko na rin siya nagawang hanapin dahil ayaw ni Laurent." sabi ko.

Nakatingin ako sakanilang lahat. Pansin kong pare-pareho silang hindi makapaniwala sa kwentong sinabi ko.

"So, are you saying baliw na talaga siya una palang?" tanong ni Christy.

Umiling ako, "Hindi ko masasabing baliw siya. Pero may problema ng kaunti ang pag-iisip niya. Nakakapag-isip pa siya ng maayos noon pero lumala ngayon. H-hindi ko alam kung......"

"NARIRITO KALANG PALA!"

Nataranta kami sa sumigaw. Nanlalaki ang mga mata namin nang makitang naglalakad na si Drix palapit at may dala-dala siyang malaking kahoy!

'Anong gagawin niya?'

"This is bad!"

"W-wag natin siyang sasaktan. Baka magwala siya dito." sambit ni Jaz.

"Pero anong gagawin natin?"

"P-patulugin nalang siguro o di kaya itumba. Tama si Jaz. Wag natin siyang sasaktan." aniko.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon