CHAPTER 159

666 30 11
                                        

CEDI'S POV

Ako lang ba?

Ako lang ba ang nagtataka o sadyang ako lang ang natirang mag-isa ngayon dito?

"Oh, iho? Naiwan ka na ng mga kasama mo." sabi ni Tita.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko at naupo sa couch. Nagtatype ako para magsend ng text kay Prian na panay text at tawag saakin.

Daig pa niya ang isang babae kung makatanong kung nasaan si Jared.

'Magjowa ba sila?'

Napasandal ako sa couch. Kumain lang naman ako saglit dahil nagugutom na ako pero ito ang resulta? NAIWAN AKO?!

Iniwan nila ako! Mga loko!

'Ito ba yung sinasabi nilang magkakaibigan? Nang-iiwan?'

At isinama pa nila si Jaz sa pakikipag-away. Paano nalang kung may mangyaring masama sakanya? Lagot kami sa pamilya niya.

Habang nagpapahinga ay nakatanggap ako ng text mula kay Prian.

Nang basahin ko ang text ay napaayos ako ng tayo dahil sa nabasa ko.

To: (Dice)
From: Pre #5

Sabihin mo kay Jared uuwi na ng Pilipinas bukas si Haley.



Nagtaka ako.

'Who's Haley?'



XIA'S POV

"Please, Laurent! Itigil mo na to! Bumalik ka na!" panay ang sigaw ko.

"It's no use! Ayaw niyang makinig saatin!" sabi ni Jaz.

Naiiyak na ako dahil wala na akong maisip na paraan para makumbinsi si Laurent. Nawawalan na rin ako ng pag-asa na makumbinsi pa namin siya.

Sa ganitong sitwasiyon, isang paraan nalang ang pwede kong gawin para subukang kumbinsihin siya.

Pero hindi ko pwedeng gawin yun.

Babalikan niya si Drix.

Ayokong.....magkita silang dalawa.

Baka kung ano ang gawin niya kay Drix sa pagkakataong malaman niya na nagkita kami at tangkain niyang kunin ako. 

Kailangan ko pang malaman kung sino yung mga taong kumuha sakanya.

"Laurent! Watch out!"

Napaangat ako ng tingin sa sigaw ni Jaz. 

Nang makita ko kung ano ang meroon ay napatayo ako't sinigawan siya.

'Someone......behind him!'



JAZ'S POV

Nawawalan na ng pag-asa si Xia at ganun rin ako. Sa pagkakataong ito hindi namin kayang maibalik si Laurent dahil sa katigasan ng ulo niya.  Wala na akong alam na paraan para makumbinsi siya.

Kunot ko siyang tiningnan na nakangisi saamin.

Pero nagbago agad ang reaksiyon ko nang mapansin ang lalakeng unti-unting naglalakad palapit kay Laurent dala ang.....

kutsilyo!

'Balak niyang saktan si Laurent!'

"Laurent! Watch out!" malakas na sigaw ko sakanya.

"Laurent! Behind you!" naging sigaw rin ni Xia.

Tumakbo kami palapit sakanya para pogilan ang mangyayari.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon