JAZ'S POV
"Nandito na po ako!"
Mabilis lang ang oras kaya nakauwi kaagad ako ng bahay. Wala si Laurent kaya wala akong kasabay kanina pag-uwi. Ewan ko ba sa isang 'yun. Bigla nalang siyang hindi pumasok. Baka may sakit. Pero bakit hindi siya nagreply sa text ko kanina? Masyado akong nag-aalala.
"Jazlyn, nand'yan kana pala. Pakitawag na ang kapatid mo para makakain na tayo."
Sabi niya."Kumusta na po si Noah?" tanong ko kay Mama.
Hindi niya ako sinagot pero alam ko na kung bakit. Paniguradong hindi na naman siya lumabas kanina. Simula nang makabalik kami dito sa Manila ay hindi ko pa nakikitang lumabas ng kwarto si Noah. Lagi nalang siyang nakakulong. Hanggang kailan niya gagawin ang bagay na 'yan?
"Opo."
Umakyat ako sa taas at dumiretso sa kwarto para magpalit ng damit. Pagkatapos ay tiningnan ko ang cellphone kung may reply na din galing kay Laurent. Simula din nung makabalik kami dito hindi ko pa nakikita si Laurent. Hindi pa kasi siya pumapasok. Hindi naman sumasagot si Jared sa tuwing tinatanong ko si Laurent sakanya. Ang sabi naman ni Christy baka nagkasakit.
Kung alam ko lang ang bahay niya matagal ko na siyang binisita.
Palabas na ako ng kwarto nang mapatigil ulit ako dahil sa tunog ng cellphone. Kaagad akong bumalik para tingnan.
Message?
From: +639********
To: +639********Yow! Kita tayo :)
Sino naman----Tss! Kilala ko na kung sino 'tong bakulaw na 'to.
Bakit ba niya ako ginugulo? At paano niya nakuha ang number ko? Wala naman akong ideya tungkol sa taong ito pero bakit parang normal lang sakanya na guluhin ako.
Sino ba talaga 'to?
Hindi ako nagdalawang isip na reply-an siya.
To: +639********
From: +639********Ayoko!
Pagkatext ko ay inilapag ko na ang cellphone. Iiwas palang ako ng tingin nang tumunog ulit ito. But this time, it's a call. Tumatawag siya!
Sa inis ko ay wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito. Makulit talaga.
"Bakit mo ba ako tinawagan?" ang unang salitang sinabi ko sa kabilang linya.
[Ayaw mong makipagkita kaya tinawagan nalang kita.]
Hindi ko lubos makilala na siya ang kausap ko pero siya lang ang baliw na tatawag saakin. Bukod pa dun ay walang pangalan ang number niya kaya alam kong siya talaga ang kausap ko.
Si 'Art' raw.
"Bakit ba ginugulo mo 'ko? What do you want from me?"
[Makipagkita ka saakin para malaman mo. Dating location pa rin. See you there.]
![](https://img.wattpad.com/cover/263468062-288-k449161.jpg)
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...