CHAPTER 151

423 26 10
                                    

CHRISTY'S POV

"What's your plan?" tanong ni Kenny kay Jared.

Hindi ito sumagot. Tumayo lang siya at lumabas ng classroom. Wala kaming ideya kung saan siya pupunta pero hindi rin kami nagbalak na sundan siya.

"Anyare dun?"

"Ang baho daw ng hininga mo," sagot ni Elle sa tanong ni Cassius.

"That's so mean, Elle."

"Why do you care? Boyfriend mo ba siya?"

Sinamaan ko sila ng tingin. Puro nalang sila bangayan. Hindi pa nga natatapos ang pagpaplano para mamaya ay dadagdag na naman sila.

"Tumahimik nga kayong dalawa. Puro kayo away,"

"Pagsabihan mo yang kaibigan mo. Maldita eh!"

Nangunot ang noo namin ni Elle sa sinabi ni Catherine.

"SHE'S NOT MY FRIEND!!" sabay pa naming sigaw ni Elle.

"Talaga lang ah?"

Iniwasan ko nalang sila ng tingin at binalingan ng tingin si Jaz na nakayuko lang sa desk niya. Kanina pa siyang ganyan pero hindi namin matanong kung anong dahilan. Mukhang ayaw niya rin pa-istorbo kaya hinahayaan nalang namin.

"GAGO KA!"

Bigla kaming napalingon sa sumigaw. Nataranta kaagad kami nang makitang nagsusuntukan si Gavin at Nine.

"Problema ng mga to?"

"Nine, tama na! Baliw kaba?"

"Let him go, Nine!"

Tinitingnan lang namin sila nina Elle. Hanggang sa matapos ang suntukan nila dahil umawat ang ilan. Galit na galit ang mukha ni Nine at nasa ibaba lang din ang tingin ni Gavin.

"Hey, what's wrong?" tanong ni Mavis.

"Alam ni Gavin kung nasaan si Laurent!"

Bahagya kaming nagulat sa sinabi niya. Lahat ng atensiyon namin ay nailipat kay Gavin. Both Elle and I look at each other. Kailangan namin tong sabihin kay Jared.

"Talaga?"

Lumingon pa kami sa nagsalita. Si Jaz, gising na siya.

"A-alam mo kung nasaan siya?"

'Jaz.'

"Alam ko pero hindi ko pwedeng sabihin," sagot ni Gavin.

"Bakit naman? Hindi mo ba alam ang mangyayari kapag nagpatuloy pa to? We're all worried about him!" ani Cassius.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Habang pinagmamasdan si Gavin ay inis siyang napasinghal at masama kaming tiningnan.

"Worried, my foot!" singhal niya.

Inikot niya ang tingin niya saamin habang galit na galit.

Sabi niya, "Wag nga kayong umarte na parang may concern naman kayo kung nasaan siya. Ni wala ngang nag-abala sainyo na hanapin man lang siya. Kayo pa na kaibigan at matagal na nakasama niya! Wag kayong plastik!"

Saktong pagtapos niyang sabihin yun ay sinuntok siya ni Kerwin. Kaagad silang inawat ng iba pero natahimik lang kami matapos yun. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil wala naman talaga akong concern kung nasaan si Laurent ngayon.

Hindi kami ganun kalapit sa isa't-isa.

"Pero dahil naglihim ka, mas lalong hindi namin nahanap si Laurent." ani Owen.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon