CHAPTER 147

711 34 4
                                        

JAZ'S POV

Tahimik kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Nahagip ng mata ko ang kwintas na suot ko. Magmula nang sabihin ni Art ang tungkol sa kwintas na ito hindi na natahimik ang isipan ko.

At ang sinabi niya tungkol sa nakaukit dito.

"...and I think si Jared ang isa pang J."

Hindi na mawala sa isip ko ang sinabi niya. Pakiramdam ko may problema sa'kin o baka may problema sakanya. But it makes sense...lahat ng pangalan namin ay nagsisimula sa J at hindi rin naman imposible na si Jared nga ang isa pang J. Pero....bakit siya?

Hindi ko naman siya naging kaibigan. Ngayon ko lang siya nakilala. At wala akong kilalang Vince. Oo, pamilyar siya saakin pero hindi ko matandaan kung saan. Napakaraming Vince sa mundo.

*KNOCK! KNOCK!*

Npaiwas ako ng tingin nang makarinig ako ng katok sa labas. Pinagbuksan ko kung sino yun at si Noah ang nakita ko.

"May tao sa labas." sabi niya at umalis na.

Nagtaka man ay nilabas ko nalang. Baka isa lang sa mga kaklase ko o baka si Prian. Ewan.

Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan kong binuksan na ni Mama ang pinto at pumasok sa Kenny. Seryoso ang reaksiyon niya pero ngumiti nang makita ako.

"Sorry kung napadalaw ako."

Umiling ako, "Ayos lang. Bakit ka nga pala nandito?"

"Our classmates wants to know if you're okay."

Tumango-tango naman ako. "Ayos lang naman ako." tipid kong sagot.

Pareho kaming naupo sa sofa. Iniwan kami ni Mama para magdala ng pagkain pero hindi na pumayag si Kenny dahil sabi niya hindi naman daw siya magtatagal. Hinayaan ko nalang dahil wala akong ideya kung ano ang pinunta niya rito.

"Kumusta na si Noah? A-ayos naba ang sugat niya?" tanong niya.

"Magaling na siya. Pwede ko na siyang papasukin next week."

"Mas mabuting magpahinga na muna siya rito kung sakali. Hindi pa maayos ang kaso kay Jacob. Wala pang nakukuhang detalye mula sa witness at...."

'Hindi pa ako nakakausap ng School Principal.'

"Pupunta ako sa Dean's office bukas para makausap siya. Bahala na kung may punishment man ako."

"Are you kidding? Alam ng lahat na wala kang kasalanan. It's all because of Jacob. Siya naman ang nagsimula."

I doubt na paniwalaan nila ako kung sasabihin ko ang bagay na yun sakanila. Mayaman ang backer ni Jacob at kakampi pa niya si Julian na mayaman rin. Wala akong laban kung magmamatigas man ako.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon