JAZ'S POV
"I don't want to ask this but....what just happened to you? Kung hindi ako dumating malamang nasagasaan kana ng malaking truck na yun."
Hindi ko siya pinansin. Nakatulala lang ako sa kung saan at inaalala ang mga nangyari. Kung paano ko sinuntok si Laurent. Kung paano sila mag-away away kanina sa harapan ko. Kung paano sila makapagsabi ng mga bagay na hindi ko pa nalalaman.
Doon ko lang napansin.....
Na talaga ngang may tinatago pa sila,
Na may hindi sila sinasabi saakin,
Pero, ano naman yun?
"Ms. Cooper? Did you turn to statue or something? May kausap pa ba ako rito? Dahil kung wala na...nababaliw na ako."
Pagkasabi niya nun ay tiningnan ko siya. Hindi pa rin ako nagsalita at nakatingin lang sakanya.
"Okay. I won't force to speak. But can you tell me atleast that you're okay? You seems down back there. Ano bang nangyari sayo? Anong oras na pero nasa labas ka pa rin ng school. Ano bang ginagawa mo?"
Hindi ko siya masagot. Wala akong balak sagutin ang mga tanong niya. Napakaraming tanong sa isipan ko.
Bakit.....?
Sa lahat----sa lahat ng tao!
Bakit si Laurent?!
Na itinuring kong......itinuring kong....!
"Ms. Cooper? W-why are you crying? Did I do something bad? A-are you----hey, don't cry. Please!"
Hinawakan ko ng mahigpit ang manggas niya. Sa higpit nun ay halos mapunit ko iyun. Inilabas ko ang mga luhang kanina pa nagbabadya nung mga sandaling yun.
Parang hinahati ng kutsilyo ang puso ko pagkatapos kong malaman ang balitang hindi ko inaasahang malalaman ko. Ayokong paniwalaan lahat pero walang rason para hindi ako maniwala. Sa reaksiyong pinakita saakin ni Laurent....pinamukha niya saaking totoo lahat ng nalaman ko!
Na siya ang pumatay sa Lola ko!
Na siya ang sender na hinahanap namin!
Pero.....
Bakit siya?!
Ano bang ginawa ko sakanya?
May kasalanan ba ako sakanya para ganituhin niya ako?
Bakit niya idinamay si Lola?!
Ang sakit!
Ang sakit sakit!
"Kung ano man yang problema mo. Sana matulungan kita."
Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Julien. Imbis na tumahan ay mas lalo pa akong umiyak. Ganito pala talaga kapag may tao kang maiiyakan. Na parang gusto mo nalang umiyak ng umiyak sa balikat ng taong yun.
Nakakaramdam ako ng comfort,
Pero bakit sakanya?
Hindi ko naman siya kilala,
Hindi ko naman siya kaano-ano..
Yun ay dahil ba sa kaibigan ko siya?
"Ms. Cooper."
Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap at ganun din ako. Tiningnan niya ako ng napakaseryosong reaksiyon kaya bigla akong napatahan sa pag-iyak.
"B-bakit?"
"Are you.....pregnant?"
'A-ano?'
Literal na nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Balak niya pang hawakan ang tiyan ko pero mabilis kong tinapik ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...