CHRISTY'S POV
Pabalik na ako sa hospital para bisitahin ulit si Laurent. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari sakanya. Pero mas hindi ako naniniwala sa taong may gawa nun sakanya.
Yun ang dahilan bakit nagkagulo nanaman kami pag alis ni Jaz.
Katatapos lang ng klase namin kaya mas minabuti kong mauna kaysa sa mga kaklase ko na pumunta doon. Ayokong mauna silang pumunta sa hospital lalo pa't walang ibang nagbabantay kay Laurent.
Jaz is also planning to go pero ang sabi niya may pupuntahan muna siya. Hindi ko na binalak na itanong dahil nagmamadali na rin ako.
Jarred is also planning to go with Jaz pero wala rin siyang nagawa kundi ang pumirmi nalamang sa bahay nila.
May kanya-kanya kaming lakad at planong gawin, at walang nakakaalam nun kundi kami lang.
Kahit gusto kong malaman ay may mahalaga din akong pupuntahan.
" Himala, sumama ka ngayon. Hindi ba galit ka sa kaibigan mo? "
bumaling ang atensiyon ko kina Elle at Xia na nag-uusap sa gilid. Nanatiling kay Xia ang tingin ko kung ano ang isasagot niya pero hindi lang ito kumibo.
Feel ko naman may lungkot sa kanya dahil sa nangyari pero masakit at the same time dahil sa issue ni Laurent kay Jaz.
Hindi rin naman namin matanggap ang ginawa niya pero mas lalong hindi namin matatanggap kung mawawala siya sa section namin.
Laurent is part of our Section. He has a big part on Section D.
" Nalaman na ba kung sinong may gawa nun sakanya? " mahinang tanong ni Xia.
Maski ako magugulat pag malaman ko kung sino ang may gawa nun sakanya. Kahit nung nalaman ko ay hindi rin ako makapaniwala kasi alam kong malapit sakanya ang may gawa nun, that makes me mad even more.
At wala man lang kaming kaalam-alam na matagal na nilang ginagawa kay Laurent 'yun.
' What the hell is happening? Parang hindi na sila mga tao. '
Knowing na mas malakas sila kay Laurent makes me think paano nalang nakayanan ni Laurent 'yun araw-araw na suntok at bugbog ang nararanasan niya?
' What the hell is wrong with them?! They're so cruel! '
"Eh, si Jaz? Saan nga pala siya pupunta? " dinig kong tanong din Mavis.
" Who knows? Hindi rin naman niya sinabi? " sagot ni Owen.
" Wala man lang siyang pinagsabihan? Baka mamaya sugurin nanaman siya nung mga baliw na babae sa Section A. "
Kahit ako ay walang nasagot sa tanong niya. Totoo naman kasing walang sinabi si Jaz sa amin kung saan nga ba siya pupunta. Malapit na rin lumubog ang araw.
Mamaya kung ano pa ang mangyari sa kanya.
" Siguro naman pwede naman niyang hindi sabihin sa atin, diba? Besides, hindi naman siya dapat bantayan. " ang sabi ni Xia.
" You're right, but knowing that they have a big part sa Section D makes me think of her more and her brother. "
Parang may dumaang anghel sa gitna namin nang bigla itong manahimik. Pare-pareho kaming nagkatinginan. Alam ng bawat isa kung ano nga ba ang tinutukoy niya patungkol sa magkapatid at iyun ang hinding-hindi namin pwedeng iwaglit sa aming isipan.
ang gulong pinasok namin.
gulong sa tingin ko'y napakahirap nang takasan.
lalo't nandito na rin si Jaz at masaklap ay kasama pa namin sa iisang Section.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...