JAZ'S POV
Malalakas na suntok sa pader ang naririnig ko ngayon. Dahil iyun sa mga suntok na pinapakawalan ni Noah.
I've tried to stop him for doing that but he refused to listen to me. Na para bang mas matanda pa siya kaysa sa akin at wala akong karapatan na pagbawalan siya sa mga ginagawa niya.
"Tangina! Tangina talaga! Bwisit na buhay 'to! Bwisit!" he curses
"Noah, tama na 'ya------"
"Don't fucking tell me what to do!"
"Tapos ano? Babaliin mo ang kamay mo sa kakasuntok diyan? Maaayos ba ang lahat sa ginagawa-------"
"Ito ang sinasabi ko sayo, eh! Diba sabi ko.....diba sabi ko wag kana pumasok sa eskwelahan na ito? Ang tigas kasi ng ulo mo! Ayaw mong magpatalo kaya ganito ang nangyayari!"
"Kasalanan ko bang mga barumbado ang mga tao rito?! Gusto ko ng maayos na buhay pero hindi ito ang inaasaha------"
"Kung pinakinggan mo lang sana ako noon pa.....edi sana nasa mabuting kalalagayan ang buhay mo ngayon! Pero nagmatigas ka!"
"Huwag mo akong sisigawan!"
"Hindi ako sumisigaw!"
"Eh, ano yan?! Gago kaba?!"
"Pinagsasabihan kita, ate kita!"
"At nakakatanda ako sayo! Wala kang karapatan na sigawan ako!"
"Sinisigawan kita kasi matigas ang ulo mo! Gusto ko lang naman maging maayos ang buhay mo. Hindi yung ganito! Hindi yung ganito na nagiging pabigat pa ako sayo!"
Natigilan ako nang mapansin ang pagluha niya sa harapan ko. May kung anong sakit akong naramdaman dahil sa mga sinabi niya.
Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa sakit.
Nang mapansin niya ang ginawa ko ay kaagad siyang lumapit sa akin pero lumayo ako sakanya.
"Ayokong......ayokong nag-aalala ka sa akin, Noah. Kaya ko sarili ko." sabi ko sakanya.
"Akala ko rin kaya mo."
Napatingin ako sakanya,
"Akala ko kaya mo....akala ko lang pala 'yun...pero ang totoo....hindi naman talaga. Ang totoo nahihirapan kana. Ang totoo sawang sawa kana sa mga nangyayari. Na pagod kana. Pagod kana sa akin."
"Noah,"
"Kasi mahina ako. Mahina akong nilalang. Hindi kita kayang protektahan sa ganitong sitwasiyon. Na hindi kita kayang pigilan sa mga ginagawa mo. S-sorry....k-kung duwag ak------"
Hindi ko na siya pinatapos at mahigpit ko siyang niyakap. Rinig ko ang simula ng kanyang paghagulgol.
Nasasaktan ako. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito kundi ang manatili sa tabi ni Noah. Alam kong nasasaktan siya pero hindi ko alam kung bakit mas nasasaktan ako.
"Pagod na ako, ate..."
"H-huwag mong sabihin 'yan."
"Gusto ko nang magpahinga,"
Tiningnan ko si Noah. Hindi ko matanggap ang mga sinasabi niya ngayon sa akin. May kung ano sa mga sinasabi niya na kakaiba ang kahulugan niyon.
"Ate.....pagod na pagod na akong mabuhay."
"Noah naman.....gumising ka. Wag mong sabihin 'yan."
"Pero....ayokong iwanan ka. Ayokong...iwan ka na nagi-isa. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag iniwanan kita."
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...