A/N: Grabe, ang haba ng pahinga ng story na ito. Sorry guys, super busy ako this past few days kaya wala talaga...di makapag-update. But here I am.... Nagbabalik ang manunulat. Lovelots! Thanks for waiting!
CHRISTY'S POV
Katabi kong nakaupo si Cedi habang rinig na rinig ko ang pagkikwentuhan nilang magkakaibigan. Tungkol na naman itong lahat sa nangyari kay Jaz. Sadyang wala ni isa man kasi sa amin ang nakaalam kung ano ba talaga ang nangyayari sakanya.
Masyado rin akong nag-aalala lalo pa't may ideya na si Jaz sa mga pagkatao namin.
Hindi ko na kayang itago.
Nakokonsensiya na ako.
Nilingon ko ang kinaroroonan ni Jared. Tahimik lang siyang nakaupo at nakasandal sa upuan niya. Ganun din si Prian na nakatulala na sa harapan.
'Ano kayang iniisip nila? '
Dahil sa hindi ako mapakali, tumayo ako at nilapitan ang dalawa sa kanilang inuupuan.
Hindi ako nagsalita nang makalapit ako. Tinignan lang nila akong dalawa.
"Habang buhay nalang ba tayong magiging ganito?" may inis sa tono ng pagtatanong ko.
Hindi ko na kasi kaya na manahimik at hayaan nalang ang mga nangyayari sa paligid namin.
"What the hell are you saying?"
"Putcha naman, Jared! You knew what I'm talking about. Ano? Habang buhay nalang ba tayong gagawa ng kalokohan? Marami na ang nasasaktan! Pati sina Jaz ay nadadama----------"
*BLAGGG!!*
Napaatras ako dahil bigla niyang sinipa ang lamesa. Iyun pa ang dahilan ng muntikan kong pagkatumba pero nahawakan ako ni Cedi.
" Jared, problema mo? "
Biglang tumayo si Jared at lumabas.
Pero hindi ko talaga siya pwedeng palagpasin sa mga oras na ito.
HINDI KO NA KAYA!!
" Hindi ka ba nakokonsensiya?! Nasasaktan na natin si Jaz! " Malakas na sigaw ko dahilan ng paghinto niya.
Lalakad na ako nang hawakan ni Cedi ang balikat ko. Preventing me to come near to Jared pero hindi ko siya pinakialaman.
" Jared nakakapagod na itong ginagawa natin. Isa itong krimen!! "
Ilang segundo lang ang nakakalipas. Mabilis na naglakad si Jared palapit sa akin at hinablot ang kwelyuhan ng uniporme ko. Sa higpit nun ay ramdam ko ang pagkasakal.
"Jared, are you crazy? Let go off her!!" Galit na sabi ni Elle.
" What are you trying to say, huh?! "
Halos panggigilan niya ang uniporme ko. Nakarinig ako ng pagpunit nun kaya pumiglas ako at binitawan niya naman. Galit at may halong takot akong nakatingin sakanya.
"Sabihin na natin kay Jaz ang totoo, Jared. Hahayaan mo nalang ba na lumala ang sitwa-------"
"Don't tell me what to do!"
"You don't even know what to do that's why I'm telling you this!"
"I don't need your fvcking help!"
"That is not a help, Jared! Ang tagal ko nang sinabi sayo na tigilan na natin ang kalokohan na ito at sabihin na sakanya ang totoo!"
ELLE'S POV
I didn't know they were stupid like this. Ngayon lang ako nakakita ng away ng dalawang taong walang utak. Kapag narinig ni Jaz ang mga pinag-uusapan nilang dalawa tiyak na lalala lang ang sitwasiyon. Pero tama si Christy. Hangga't nananatiling nakatago ang lahat, mas lalala ang sitwasiyon.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
