LAURENT'S POV
Nagmadali kaming lumabas para hindi na mapansin ni Jared ang ginawa namin. Dinala ko si Xia kung saan nasa likod na parte ng bar ni Julien. Tahimik doon at walang masyadong dumadaan ng ganitong oras.
" So, what's up? " dinig kong tanong niya.
Nanatili akong tahimik. Sa totoo lang, marami akong gustong sabihin sakanya ngayon pero hindi ko alam kung saan magsisimula.
" I'm...sorry, Xi. " ang nasabi ko.
" S-sorry naman saan? "
" Sa lahat. Sa lahat-lahat. "
Ngumiti siya pero may halong lungkot doon.
" Laurent, you don't have to say that. Matagal na kitang pinatawad. " ang sabi niya.
Para bang nabunutan ako ng isang tinik dahil sa sinabi niya.
" H-hindi ka galit sa'kin? Sa lahat ng mga nagawa ko? Sa lahat ng mga pagbabalewala ko sayo----"
Naputol ang pagsasalita nang mabilis siyang lumapit sa'kin at yakapin ako.
Dama ko ang higpit nun na para bang ayaw niyang kumawala.
it's warm. she's warm.
" I'm not mad at you. I will never be. " ang sabi niya dahilan para makaramdam ako ng pagkahina.
" Xi. "
" Kahit ano pang gawin mo, Laurent. Marinig at makita ko lang na nagsisisi ka, I will risk it all just for you to come back to yourself. "
Sabi niya na nagpatulo ng tuluyan sa aking luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na natiis at gumanti na ako ng pagkakayakap.
all along....
all along, akala ko....mag-isa lang ako.
" Thankyou, Xi. Thankyou kasi hindi ka galit sa'kin. Sorry....s-sorry sa mga nagawa ko. " patuloy ang pagbagsak ng luha ko na para bang isang batang nagsusumbong sa lahat ng mga sakit na dala-dala ko.
" Ikaw lang ang hinihintay namin, Laurent. Ikaw lang ang hinihintay naming lahat. "
Kumalas siya sa pagkakayakap kaya doon niya nasiguradong umiiyak ako. Magkahalo ang emosiyon niyang nakatingin sa'kin habang pinupunas ko naman ang luha sa mukha ko.
" Bumalik kana sa Section D. "
Natigilan ako sa sinabi niya. Bakas sa mukha niya ang pagkasabik at pagmamakaawa. Malungkot ko nalang siyang tiningnan dahil alam ko namang matatagalan pa bago ako makabalik doon.
Dahil sa mga ginawa ko, sinabi sa'kin ng School Principal na suspended ako for one week. Hindi pala madali ang umamin sa mga kasalanang alam mo sa sarili mo na kasalanan mo talaga.
I guess ito na ang isa sa mga kabayaran sa kasalanan ko.
I must prepare for something in the future..
" N-nagkakausap pa ba kayo ni Jaz? " tanong ko sakanya.
" Madalas siyang tahimik sa klase. Pero minsan naman nakikisaya siya sa Section natin. "
Ramdam ko ang sakit sa mga sagot niyang 'yon. I know that even she barely smile with our classmates, hindi maaalis sa isipan niya ang mga sakit na naranasan niya dahil sa mga kagagawan namin.
siguro 'yun ang dahilan why I admire her a lot. Is that because she's strong enough to handle the pain despite of all that happens.
" May lakas ng loob ka manlang bang ichat siya or i-text? A-alam kong namimiss ka rin niya kasi may pinagsamahan naman din kayo. " sabi niya dahilan para mapaisip ako.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
