CHAPTER 182: CHRISTMAS PARTY 0.4

612 23 10
                                        

KENNY'S POV

Napakasarap talagang asarin ang mga lalaking nagkakagusto sakanya. Hindi ko akalaing papayag siyang makipagsayaw saakin kahit kumakain pa siya.

Pero masaya akong pumayag siya,

Isang hakbang ay nagkapalitan kami ni Jaz ng pwesto. Sa pwesto niya ay doon ko natanaw si Jared.

He was staring at me like he's eager to kill me.

Gusto kong matawa sa hitsura niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka kapag tumawa ako magtaka si Jaz kung ano ang nangyayari saakin.

Baka isipin niyang nababaliw na ako,

Which is malapit na rin dahil sa mga reaksiyon nila,

Galit na galit ang mga hitsura nila at yun ang nakakatawa.

Hindi talaga ako nagsisisi na inaya ko si Jaz na sumayaw.

"You dance well,"  I complimented her.

Jaz smiled, "Ikaw rin." she said.

Pareho naming nginitian ang isa't-isa.
.
.
.
.
Makaraan ang ilang minuto, habang isinasayaw ko siya ay biglang lumapit saamin ang mga kaklase namin. Napahinto kami sa pagsasayaw at taka silang tiningnan.

"Hawakan yan!" duro saakin ni Christy.

Bigla akong sinunggaban nina Logan at Cassius. Hinawakan nila ako sa magkabilang balikat. Papalag palang ako nang humawak din sa paa ko sina Kerwin at Nine.

Binuhat nila ako!

"Mga g*go! Ibaba niyo ko!" sigaw ko pero nagtatawanan lang sila.

"A-ano---saan niyo dadalhin si Kenny?" dinig kong tanong ni Jaz pero hindi siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad sa kung saan.

"G*go! Ibaba niyo ko!" sigaw ko sakanila pero tinatawanan lang nila ako.

"You stole her!"

"Maling mali ang ginawa mo!"

"You deserve punishment, Del Rosario."

Sabi nila.

Huminto sila sa harap nina Jared at Prian. Nakaupo ang mga ito habang seryosong nakatingin saakin. Gulat ang reaksiyon ni Prian habang kumakain. Samantalang nakatukod naman ang dalawang siko ni Jared sa lamesa habang nakatalikod rito. Nakadekwatro siyang upo habang tinitingnan ako.

"Sige, ikulong yan." sabi ni Gavin.

"Ihulog niyo nalang sa imburnal." suhestiyon ni Prian na bahagyang ngumiti.

Inis ko siyang tiningnan!

"Why not burn him alive?"

Masama ko ding tiningnan ang nagsalita. Nag smirk lang siya saakin kaya mas lalo pa akong nainis.

"Tara, sunugin nalang natin."

"Sige, saan ba?"

"Sa likod nalang ng school para di kita."

"MGA G*GO!" sigaw ko sa mga pinag-uusapan nila.

Mga tarantado talaga tong mga to!

"Ibaba niyo ko! Kapag ako nakawala dito tingnan niyo!" sigaw ko pero ayaw nilang sumunod. Nagtatawanan lang sila.

"Hindi mo dapat ninakaw si Jaz!" sabi ni Nine.

Kumunot ang noo ko,  "I didn't stole her, idiot!"

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon