NOAH'S POV
Pinagmamasdan ko siyang kumain. Simula nang lumabas siya sa kwarto niya ay hindi siya nagsasalita.
Ngayong araw, kaming dalawa lang ang natira ngayon at hindi ako makapanteng makasama siya lalo pa't hindi ako sigurado kung siya na nga ba talaga ang kaharap ko o nagpapanggap lang.
Napansin na niyang nakatingin ako.
"Bakit hindi ka kumakain? Sawa ka na ba sa ramen? Akin nalang kung ayaw-----"
"No. This is mine."
Nagsimula akong kumain pero hindi nawawala ang tingin ko sakanya.
Hindi ko alam kung anong oras siya nagkaroon ng malay nung inakyat siya sa kwarto ni Kuya Laurent.
Hindi ko rin siya nabantayan ng maayos dahil kinailangan kong mag-aral. Baka mapansin rin ni Mama na wala ako sa kwarto ko.
I don't want her to find out that she's unconcious yesterday.
"Ilang araw nalang, Christmas party na ng school." sabi niya.
"Do you have a dress to wear?" I asked.
"Hindi ba nakabili na tayo ng susuotin natin? Nakalimutan mo na?"
'No. Just checking.'
"Everything will be alright, Noah."
Napatitig ako sakanya. Pinakiramdaman ko kung may mali ba pero mukhang wala naman. Matamis siyang ngumiti at mabilis na dinampot ang nag-iisang fried egg sa platito.
"That's not fair!" reklamo ko.
"Early bird gets early worm!"
"Kadiri ka!"
"HAHAHAHAHA bagal mo eh!" halakhak niya.
Sinimulan niyang hatiin ang itlog at kainin ang kalahati. Napanguso nalang ako nang walang matirang ulam sa harapan ko.
"Bakit? May ramen ka na. May nilaga diyan. Nilagyan ko."
"Iba ang steamed egg sa fried egg. Ang takaw mo lang talaga!"
Hindi siya tumugon kaya nagtaka ako. May ugali talaga siyang bigla-bigla nalang mananahimik. Nakaugalian niya na rin 'to pero minsan hindi ko maiwasang mag-alala.
Lalo pang may problema talaga sakanya.
"N-namimiss ko si Lola." biglang sabi niya.
Nangunot ang noo ko dahil nagsimulang pumatak ang luha niya. Tumayo ako't nilapitan siya. Niyakap ko ang ulo niya at sinimulang patahanin.
Siya ang nakasama niya ng matagal. Doon siya lumaki at hindi ko siya masisisi kung bigla nalang siyang maging emosiyonal. Buwan lang ang itinagal na nakasama ko si Lola pero masakit din naman saakin na wala na siya.
Pero ang makitang umiyak si Ate nang dahil doon ang kinakamasakit na makita. Wala na yung taong nag-aalaga sakanya sa tuwing maysakit siya. Wala na yung taong pinapagalitan siya at pinapalo kapag nagbubulakbol.
Wala na yung taong pinaka-importante sakanya.
"Ate, hindi matutuwa si Lola kapag nakikita ka niyang umiiyak." sabi ko.
"N-namimiss k-k-ko na s'ya....h-hindi man lang ako n-nakapagpaalam." sabi niya habang panay ang hikbi.
Ilang minuto pa siyang naging emosiyonal bago siya tuluyang kumalma. Sinamahan ko siyang manood ng paborito niyang palabas. Kumain kami at nagmovie marathon.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Novela JuvenilSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
