JAZ'S POV
Nang magkaroon ako ulit ng malay ay iginalaw galaw ko ang aking katawan. Napahinto ako sandali nang marinig ang ilang boses ng mga kaklase ko.
"The Princess is awake!" boses ni Julian.
Bakit ang lamig? Nasaan ako? Bakit parang....
H-huwag mong sabihing.....! Kingina!
"MMM! MMM!"
Nahihirapan akong makasigaw. Pinilit kong kumalas sa pagkakatali pero nahihirapan ako. Damang dama ko rin kung paano dumaloy ang dugo saakin. Bukod sa hindi ko alam kung nasaan ako ay masakit din ang tiyan ko. Kanina pa ako nanghihina pero wala akong magawa kundi ang piliting makawala.
"We're here, De Lavin. Let her go!"
Sigaw ng kung sino.'Prian?'
"As you wish!"
"HUWAG!"
"JAZLYN!"
Parang humiwalay ang kaluluwa ko nang maramdaman kong nahuhulog ako. Napasigaw ako hanggang sa bumagsak ako sa isang napakalambot na bagay.
"Jaz!" sigaw ng kung sino.
Nakarinig ako ng mga taong papalapit saakin kaya pinilit kong kumawala. Hanggang sa may mga humawak na saakin kaya nataranta ako.
"It's okay, It's okay. Kami ito."
"We're here to save you."
Unti-unti akong kumalma pero ang katawan at tuhod ko ay nanginginig pa. Hinintay ko silang makalagan ako hanggang sa maalis nila pati ang piring saakin.
"Jaz! Thank goodness you're okay!" masayang yakap saakin ni Mavis.
Tumingala ako sa itaas. Nakadungaw ang iba pa naming kaklase. Natanaw ko ring nakadungaw si Jared kaya napangiti ako.
Nandito sila. Nandito silang lahat para saakin.
"Let's get you out of here." ani Kerwin.
"Carry her."
Natigilan kami sa sinabi ni Ace. Kaagad akong napatingin sakanya ng nagtataka.
"Christy told me you have your period."
Nagulat ako. Ganun din ang iba naming kaklase.
"You do?"
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"You should tell us sooner."
"Tingnan ko nga kung may tagos ka."
"G*go!" malakas na binatukan ni Mavis si Owen.
"O-okay lang naman ak----"
"Let's go. I'll carry you." Sambit ni Kerwin.
Umatras ako. "H-hindi na talag----"
"Jaz!"
Napalingon kami sa tumawag. Natanaw namin ang mga tumatakbong sina Nine kasama si Elle at ang iba pa.
"Are you alright?" unang tanong ni Xia.
Tumango ako.
Niyakap naman ako ni Nine na ikinataka ako. Pagkalayo niya ay agad siyang binatukan ni Elle. Nakangiti namang nakatingin saakin si Logan.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...