JAZ'S POV
"How's school?" tanong ni Noah.
"M-maayos naman." nautal pang sagot ko.
"No lies?"
"A-anu kaba? Maayos lang ako sa school. Masakit lang ang puson ko." sagot sakanya.
"You have your period? That's bad, then."
Baliw. Ano kayang bad doon? Buti nga dinadatnan ako.
Ibinaba ko ang alcohol sa lamesa at pinaikot sa pulsuhan ni Noah ang mahabang puting tela. Pinagmamasdan kong mabuti ang sugat niya. Sa mga oras na 'yun ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan ko.
Ganitong ganito rin ako dati. Nagagawa ko ring sugatan ang sarili ko kapag hindi ko na kaya ang sitwasiyon. Nagagawa kong sugatan ang sarili ko kapag hirap na hirap na ako.
"Kung hindi nalaman ni Lola 'yung mga kalokohan ko noon.....hindi siya magkakaroon ng problema sa puso." wala sa sariling sagot ko.
"Ate."
"Kasalanan ko. Kung hindi ko nagawang sugatan ang sarili ko noon...b-baka hanggang ngayon malakas pa ang puso ni-----"
"Ate!"
Nagulat ako sa sigaw ni Noah. "B-bakit ka sumisiga----"
"Ilang beses ko na bang sasabihin sa'yo na huwag mo nang banggitin pa ang tungkol doon? It's not your fault! Kaya lang naman nagkaproblema si Lola dahil.....dahil matanda na siya."
"Noah..."
"So stop blaming yourself. Wala kang kasalanan."
Ilang beses ko na ring naririnig sakanya ang bagay na 'yan pero wala paring saysay. Alam kong kasalanan ko ang lahat at nagmula saakin ang problema. Nang dahil saakin kaya siya nagkaroon ng sakit sa puso. Nang dahil saakin kaya siya namatay.
Kasalanan kong lahat.
"Ate, kailangan ko nang magpahinga."
Bumalik sa reyalidad ang isip ko. Malungkot kong tiningnan si Noah na takpan ng kumot ang kanyang mukha. Gusto ko siyang hawakan pero hinayaan ko nalang din siya.
Paglabas ko ay nadatnan kong nakatayo doon si Mama. Nasa baba ang tingin niya. Paniguradong narinig niya ang usapan namin ni Noah.
"Hanggang ngayon ba....sinisisi mo parin ang sarili mo?"
Hindi ako sumagot. Ibinigay ko nalang sakanya ang emergency kit.
"Matutulog na po ako." mahinahon kong paalam sakanya.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...