CHAPTER 202

280 7 1
                                    

HALEY'S POV

"It's not that easy, you know. Kilala mo naman siguro 'yang kapatid mo." aniya ko.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na para bang niloloko ko lang ang sarili ko.

"And I know you well, b*tch. Ikaw pa ba?"

Ang lakas talaga ng topak nitong matandang 'to. Parehong pareho sila ng kapatid niya. Ang kaibahan nga lang ay talagang mas masama ang ugali ni Jared.

"Do whatever you can just to convince Jared na pumunta sa US. I'll take care of the girl myself."

Tinaasan ko siya ng kilay, "What are you planning to do with her?"

"Nothing. I just wanna play."

"Hindi magugustuhan ni Jared ang binabalak mo. You better stay away from that girl. She's out of the line."

Hindi ko siya maintindihan. Si Jared lang naman ang pakay namin kaya kami umuwi ng Pilipinas pero mukhang may iba pang binabalak ang ate niya na gawin habang nandirito.

But I hope she doesn't include that girl in here. Tiyak na malalagot na naman kami kay Jared. Mas lalong mahihirapan kami na kumbinsihin siya.

"The talking here is done, would there be anything else to say? I need to go. I have class to attend." Sabi ko sakanya.

"As if you are really studying well. Anyway, I have to go na din pala. I have something to take care of."

Taka ko siyang tiningnan 'San na naman siya pupunta?'

"At saan naman 'yun?"

"You mean, Sino?"

Mas lalong nagtaka ako sa sinabi niya. Kahit minsan talaga hindi ko mahulaan kung ano ang nasa isip ng babaeng 'to.

Well, whatever. It's her life.

"Fine. I'm leaving. See you around." Ang paalam ko bago ako umalis sa lugar na 'yun.

Paglabas ko ng building, kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan na tao.

I need to talk to him about this.

[Voice on the other line: "I told you not to call me at this hour. What do you want? And please make it quick dahil may trabaho pa ako." ]

"Nasaan ka? I need to talk to you about Jared."

[Voice on the other line: " San tayo magmimeet?" ]

'Tss! Basta pagdating kay Jared ang usapan mabilis pa siya sa alas kwatro.'

"Sa place mo nalang."

[Voice on the other line: "Alright! Uminom ka ah? No worries, drinks are on me." ]

Siraulo talaga siya.

What can I expect? He owned a bar.

"One drink will do. May pasok pa ako."

[Voice on the other line: "Fine, fine! Bilisan mo na. I don't want to wait." ]

Pagkarinig ko nun ay hindi na ako nagsalita. Ibinaba ko nalang ang linya at sumakay na sa kotse.

LAURENT'S POV

Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng magkaroon ng away ang Section namin. At ngayong alam na ni Jaz na ako ang puno't dulo ng pagkamatay ng Lola niya ay mas mahihirapan akong sabihin sa kanya ang lahat.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon