JAZ'S POV
Nakakarinig ako ng mga yabag ng paa na papalapit kung nasaan ako. Iginalaw galaw ko ang kamay ko at sinubukang kumawala.
'Nasaan ako?'
Ang alam ko lang, nakatali ako sa isang upuan. Hearing a loud noise coming from outside. Palapit ito ng palapit at puro mahihinang bungisngis ang naririnig ko.
Hindi rin nagtagal ay naramdaman kong may lumapit saakin. Nanatili akong walang kibo at hinintay ang gagawin nito.
Kalaunan ay napansin kong tinatanggal na niya ang piring sa aking mata.
Pagkatapos niyang magtagal ay bumungad saakin ang maliwanag na ilaw na bumabalot sa kwarto.
Nang lumiwanag ang paligid ko ay doon sila sabay-sabay na sumigaw.
"MERRY CHRISTMAS!!" sigaw nila.
Taka kong tiningnan kung sino ang taong nasa harapan ko. Gaya ko ay nagtataka rin siya. Pareho kaming nakatali sa upuan at parehong nakatape ang aming mga bibig.
'Anong....nangyayari..?'
"Wala ba kayong sasabihin?"
sabi ni Owen."Malamang wala. Nakatape pa ang mga bibig nila."
"Ang bobo naten minsan, Owen."
"Ikaw lang yun."
Tinanggal nila ang tape sa bibig namin. Pagkatanggal nila ng tape ni Jared ay sakto namang malakas niyang tinanggal ang nakatali sakanya.
Samantalang nanatili lang akong nakatali sa upuan habang pinapanood siyang matalim na tingnan ang mga kaklase namin.
"What's the meaning of this shit?" tanong niya sa mga ito.
"This is the best gift I can give, Jared. Si Jazlyn Cooper." sagot ni Elle.
Naguluhan ako doon. Parang sinasabi niyang ako ang regalo na ibibigay niya kay Jared.
"At si Jared ang best gift na maibibigay ko sayo Jaz." ani Kerwin na nakangiting nilapitan ako.
"WOOOOOOHHHH!!"
"MERRY CHRISTMAS JazRed!!"
"JAZRED!! JAZRED!! JAZRED!!"
Sigaw nilang lahat.
Sa oras na yun ay saktong may malakas na tunog ang nangyari sa labas ng bintana. Naganap na ang fireworks display.
Nagsipagtinginan sila sa labas ng classroom.
Kinalagan naman ako ni Prian.
"I'm sorry for helping them to capture both of you." sabi niya.
"Hindi ko maintindihan. Bakit si Jared ang regalo ko?" taka kong tanong.
"Ayaw mo ba siyang makuha bilang regalo? He is the best gift you can ever have." sabi ni Catherine.
Nagsalubong lang ang kilay ko. Inaasahan ko pagkain ang ireregalo saakin o di kaya cellphone. Bakit si Jared? Ang sungit sungit kaya niyan.
"Kunwari pa kayo. Gusto niyo naman makuha ang isa't-isa." sabi ni Kerwin.
"H-hindi ko gustong makuha si Jared."
Nagbaba ako ng tingin.
"Let's go watch the fireworks." biglang aya ni Prian.
Tumango nalang ako sakanya.
Akmang hahakbang na ako nang may humigit saaking kamay at bigla nalang akong pinasan. Laking gulat ko nang bigla akong buhatin ni Jared at maglakad sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...