JAZ'S POV
Bumaba na kami para pumunta sa gym. Nagtataka pa rin ako kung bakit kami lang ni Jared ang walang regalo kanina. Sabi lang saakin ni Kerwin mamaya nalang daw yung regalo ko. Hindi pa raw kasi dumadating yung nagdeliver.
Napapatanong tuloy ako kung ano ba inorder niya na ireregalo saakin. Hindi naman ako naghahangad ng mamahaling regalo mula sakanya. Baka mamahalin iregalo niya. Nakakahiya naman.
Alas syete ng gabi kami nakapasok sa gym. Inantay pa ang ibang estudyante na hindi pa tapos sa kani-kanilang event sa classroom.
Habang nag-aantay naman ay napalinga-linga kami sa ganda ng decorations sa loob. Ngayon lang ako nakapasok sa gym dahil sa field ginagawa ang P.E period.
Ang ganda at ang daming pagkain na nakahilera sa magkabilang side. Mayroon din pati na sa harapan. May dalawang malaking chocolate fountain sa magkabilang side ng lamesa.
May upuan pero hindi ganun karami. Pero maganda rin naman dahil may Christal Ball pa sa gitna. Pang dance floor ang hitsura.
"Ang ganda," kumento rin ni Mavis na nasa likuran ko pala.
"Pangalawang beses ko palang na nakapasok dito." sabi ni Christy.
"Kailan yung una?" tanong ko.
"Una kong pasok dito nung may sinuntok ako." sagot niya na ikinatawa naming lahat.
"Huwag niyo 'kong pagtawanan. Totoo sinasabi ko." dagdag niya.
Mas lalo siyang pinagtawanan ng iba kaya nainis siya. Inalisan niya kami at sumama sa grupo nina Elle na katabi na ng mga pagkain.
Natatakam na rin ako sa mga pagkain,
Kaso bawal pang kumain,
"Nakakagutom!"
"Matagal pa ba? Gutom na kame!" sigaw ni Cedi.
"Oo nga! Gutom na kame!" sigaw rin ni Logan.
Dahil sa ginawa nila ay malakas na batok ang natanggap nila kay Catherine.
Pero sa totoo lang ay nakakagutom nga naman ang maghintay. Alas syete na rin kasi nung makumpleto ang mga estudyante.
Ilang minuto pa ang lumipas bago umugong isang mikropono at lumabas sa pulang kurtina ang isang babaeng may hawak nun.
"Good evening to all Riverdale Highschool students. We're glad to have you here tonight. Tonight there will be a Christmas Fest. You know what the events of Christmas Fest are so I won't explain it anymore. We will begin the program with prayer and choosing the song that you students will sing. You can now place a circle."
Pagka-anunsiyo nun ng teacher ay nagsikilos ang lahat.
Mabilis na pumormang bilog ang lahat. Naghawak-hawak silang lahat kaya ganun rin ang ginawa ko sa katabi ko. Humiwalay saakin si Noah dahil required magsama-sama ang mga estudyante by sections.
"Tabi tayo!" patakbong lapit saakin ni Kenny.
Pumwesto siya sa gitna namin ni Christy kaya inis siya nitong tiningnan. Sa kabila ko ay isang babaeng hindi ko naman kilala. Pero mukha naman siyang mabait kaya naging komportable akong hawakan ang kamay niya. Ganun rin siya saakin kaya pareho kaming naging komportable sa isa't-isa.
"Maaari po tayong pumikit para sa Opening prayer," anunsiyo ng teacher.
Sinunod namin ang sinabi niya,
Sinimulan ang Opening prayer sa mahabang pagdarasal. Para ngang dalawang page ng libro ang opening prayer na yun bago pa matapos. Pero hindi naman masama dahil kahit naman sa ibang school ay mahaba talaga ang opening prayer.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...