CHRISTY'S POV
"Let's hurry! I have a bad feeling about this!" sigaw ko sakanila habang tumatakbo.
"You always have a bad feeling!"
"May feeling ka pala."
"Sana saakin meroon din!"
"SHUT UP!" sigaw ko.
Kanina pa sila ganyan ng ganyan. Wala naman silang naitutulong. Aksaya silang lahat sa oras.
"I can't believe na nauna sila doon!"
Yun nga ang nakakairita. Kami ang naunang maghanap pero sila ang nauna doon sa lugar kung nasaan ngayon si Jaz.
Nakakainis kasi! Ang kukupad kumilos ng mga 'to!
"Malapit na tayo!"
"Tanaw ko na sila!"
"Si Jaz!"
"Thankgoodness she's------"
Napahinto kaming lahat. Hindi pa kami nakakalapit sakanila nang malakas na suntok ang pinakawalan ni Jaz kay Laurent.
*PAK!*
"O, my gosh! Laurent!"
"What the-----Hoy!"
Nabigla kami sa nangyari kaya lahat kami nagsiiwasan.
"Gago! Awatin niyo!"
"Bakit kayo lumayo? Awatin niyo!"
"Jaz! Ano ba?!"
"Jaz! Stop it!"
"Laurent!"
Nilapitan ko si Jaz at niyakap siya sa likod. Pilit ko siyang inilalayo sa ibabaw ni Laurent pero malakas siya kaya nadadala lang ako.
"Tabi! Ako na!" paghawi saakin ni Kerwin.
Silang dalawa ni Kenny ang humawak kay Jaz. Galit na galit siyang nakatingin ngayon kay Laurent na tinulungan ni Xia na makatayo.
"What were you thinki-----"
"Ano? Makikipagsabunutan ka saakin?"
Natigil si Xia nang balakin niyang sugurin si Jaz. Lahat kami nabigla sa kinilos niya.
Hindi. Lahat kami nabigla dahil iba siya ngayon.
She's acting like someone else again!
"Jaz, ano bang problema mo?" nag-aalalang tanong ko.
"Yan! Yang lalaking yan ang problema ko! Dahil sakanya!....."
Nagsimulang tumulo ang luha niya kaya nalungkot ako. Nagkatinginan kaming lahat at tiningnan si Laurent.
"....you....killed my.....grandmother! YOU KILLED HER, LAURENT! IKAW ANG PUMATAY SA LOLA KO!"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan naming lahat nung mga sandaling yun. Nanlalaki ang mata ko sa gulat dahil hindi makapaniwala sa narinig.
Dahan-dahan naming nilingon lahat si Laurent. Lahat ng mga mata namin ay galit na nakatingin sakanya. Punong puno ng panghuhusga. Punong puno ng galit ang mata ng bawat isa.
Hindi nagtagal ay malakas na suntok ang ginawa ni Kenny kay Laurent.
Nagsimula silang magkagulo.
Samantalang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa narinig ko.
Habang nakatingin kay Jaz ay napansin ko ang tahimik na si Xia.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Novela JuvenilSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
