CHAPTER 131

511 23 4
                                    

JAZ'S POV

Hindi ko na naman alam ang sinasabi niya.

"Ano ba kasing kailangan mo saakin? Magulo na nga ang buhay ko tapos guguluhin mo pa." Inis na sabi ko.

"You knew Vince, right?" tanong niya.

"Vince? Sino na naman 'yun?"

"You don't know him?"

"Bakit ba hindi ka makaintindi?"

"Right. So, you don't know him. How sad. Ipapakilala ko siya sa'yo. Pero sana 'wag kang magugulat kung sino siya."

"Pwede na akong magulat ngayon para hindi na ako magulat mamaya."

"You're so stupid, Ms. Cooper. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa'yo."

"Ang dami mong alam. Sabihin mo na kasi!"

Pa-thrill pa kasi ang lalaking 'to. Kapag talaga walang kabuluhan yang sasabihin niya masasapok ko talaga siya. Kailangan ko na ring matulog dahil may pasok pa ako bukas.

"Siya si Jax Vincent Sullivan. 19 years old at nagsuicide siya 2 years ago. I don't know what's the reason why he died pero alam kong dahil iyun sa isang tao..." Kwento niya. "Magkaibigan sina Vince, Jared, at Prian. Kasama na rin ako doon sa pinagkakatiwalaan niya. Pero may isa pang tao siyang pinapahanap saakin nung siya ay nabubuhay pa....at ikaw 'yon, Ms. Cooper."

Nakatulala ako habang pinapakinggan ang kwento niya. Habang tumatagal parang gusto kong matawa sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang kwentong ito pero wala akong nalalaman sa sinasabi niya. Ni hindi ko alam kung sino ang tinutuko-----pamilyar ang Vince na sinasabi niya pero hindi ko masabi kung kilala ko nga ang taong tinutukoy niya.

"Wala akong kilalang Vince. Narinig ko na ang pangalan na 'yan before pero hindi ko masasabi kung kilala ko siya dahil wala naman akong kilalang Vince ang pangalan." giit ko.

"It's possible that you know him. Alam mo ba ang kwintas na ito?"

Tinanggal niya ang kwintas niya at inilaylay para makita ko. Nakakapagtakang pareho kami ng style ng kwintas na 'yun. Pero mas nakakapagtaka kung bakit meroon ako ng kwintas na katulad ng sakanya.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon