PRIAN'S POV
Kasalukuyan kaming nasa labas kausap ang mama ni Jaz. But out of curiousity, imbes na ikwento sakanila ang mga pangyayari kanina sa rooftop, mas gusto ko pang humingi ng kasagutan sa mga nangyayari ngayon.
lalo na't kaharap rin namin ang pinaka mataas na tao sa eskwelahan namin.
nandito ang School Principal...pero....bakit naman siya nandito? bakit wala siya sa school?
Tiningnan ko naman si Jared na nakakrus lang mga kamay habang kausap sila. Na parang normal nalang sakanya ang lahat. Ni hindi ko man lang mapansin ang pagtataka niya na nandito rin ang School Principal.
" Kayo na muna ang bahala sa Anak ko, may mahalaga rin kaming aasikasuhin---tungkol naman sa p-pagkamatay ng anak ko....magpahinga na muna siguro tayong lahat, alam kong pagod rin kayo. " nalulungkot na sabi ng mama ni Jaz.
Tumango ako bilang sagot at tsaka sila nagpaalam sa'ming dalawa ni Jared. Inantay namin silang makalabas ng Hospital bago ko pa siya magawang makausap.
" Let's go, we're going to----"
" Jared, " pagpigil ko sakanya maglakad. "--bakit nandito ang School Principal? Isn't he supposed to be at---- "
" What's the deal? mga anak naman niya ang pinunta niya rito. " sagot niya na nagpatahimik sa'kin.
huh? tama ba ang dinig ko? mga anak? sino?
" Don't act as if you're fvcking surprised. Isn't it obvious that they're related to each other in the first place? "
" I--I don't have any idea. "
" Tss! Well, at first---I thought I'm just paranoid or something. But then, I investigate about him. Simula nung pumasok siya sa section natin, never siyang nabigyan ng violations. At first, I thought he was just fvcking airhead but turns out, it's more than that. "
Pinapanood ko lang siyang magpaliwanag sa mga bagay na nalaman niya. At hanggang ngayon ay hindi rin ako makapaniwala.
" ---that bastard is her fvcking dad. " dugtong pa niya saka umalis ng tuluyan at pumasok sa silid kung nasaan si Jaz ngayon.
I can't believe it! seryoso ba 'to?! all this time?! bakit ngayon lang namin nalaman?!
wait....
how does Jared know all this?!
fvcking sh1t! so---ako lang pala ang hindi nakakaalam?!
and all this time---Jared knows about his real identity and yet, he didn't care to tell me?!
what the fvck?!
Sinundan ko si Jared na pumasok sa isang kwarto. Our classmates are all there, waiting for Jaz to wake up.
Nandito nga kami, naghihintay...pero kasunod nito, hindi namin alam kung anong mangyayari pagkatapos ng pagkawala ni Noah.
we didn't expect this to happen!
Buong akala ko rin ay may magagawa pa ako. Buong akala ko, mapipigilan ko pa sila, pero hindi na...huli na ang lahat!
" Kamusta naman ang pakikipag-usap niyo sa mama niya? "
Lumapit sa'kin si Elle kasama si Cassius.
" Maayos naman. Masakit pero---wala na rin namang magagawa. Life is life. "
Ngumisi siya bigla ng nakakaloko. Pare-pareho namin siyang tiningnan. Naagaw din niya ang atensiyon ng mga kaklase namin dahil sa pagngisi niya.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
