Chapter 2

7.7K 318 13
                                    

Kung patay na ang Ina ko, bakit ako nasa kanya? Kaibigan ba siya ng Nanay ko daw? Pero pakiramdam ko may iba pa siyang binabalak at hindi ata yon maganda.

Ang sakit sa ulo ng mga nangyayari. Saka hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung hindi ako tanggapin nitong ‘ama’ ko daw o kung tanggapin man niya ako, anong mangyayari sa akin? Anong magiging buhay ko?

Hindi ko na alam ang nangyayari pero nakaramdam nalang ako ng matinding pananakit ng ulo at ramdam ko din ang pagbigat ng katawan ko.

Pinakiramdaman ko ito at naramdaman din ang sobrang init na temperatura.

Hindi kaya ay may sakit ako? Siguro ay kagagawan ito ng babaeng ito lalo na at nagbabad kami sa ilalim ng araw at masyado akong balot na balot.

Sinimulan kong kumilos ng kumilos.

“ Behave. ” Saad ng babae sa akin at mukhang may topka siya, sino bang sanggol ang marunong tumahimik pag sinabihan ng ‘Behave’?

Nang hindi ako tumigil ay narinig ko ang pagtawa niya at naramdaman ko ang paghigpit ng pagyakap niya sa akin.

Aba! Hindi ko naman kaano-ano ang babaeng ito ah! Halatang napakasamang tao pati bata ay pinapatulan!

Hindi ba’t umiiyak ang mga batang nakakaramdam ng sakit? Pero nakakahiya! Kahit naman nasa katawan ako ng isang sanggol ay isa akong 22 years old na dalaga!

Pero lalong nakakaramdam ako ng init at miski paghinga ko ay unti-unting lumalalim na! Ayaw kong mamatay ulit!

“ Wahhhhhh… Uwahhhhh ” Nakakahiya man ay umiyak na ako sa ngalan ng buhay ko!

Narinig kong tumahimik ang paligid at ang tanging pag-iyak ko lamang ang maririnig sa lugar na kinalalagyan natin.

Nataranta naman ay babaeng may hawak hawak sa akin at tinapik tapik ako pero mas ramdam ko pa din ang paghigpit ng yakap niya sa akin dahil doon ay lalo akong umiyak.

“ Make it stop crying. ” Saad ng malamig na boses na lalo kong ikinabwisit kaya naman lalo akong umiyak hanggang sa marinig kong may tumayo.

Maya-maya pa ay may kumuha sa akin mula sa babae at ng tignan ko ito ay isang lalaking walang emosyon sa mukha ngunit kita ko ang pagkislap ng pagkamangha sa malalamig niyang mata.

Tinanggal niya ang pagkakabalot sa akin at hinawakan ako sa ilalim ng kili-kili ko kaya naman malaya na akong naglibot-libot ng tingin.

Malaki at napakaganda ng bahay na kinalalagyan namin. Sa sobrang laki ay para bang Mansion na nakikita kong bahay na binebenta sa commercial sa youtube.

Mukha ding mamahalin ang mga gamit lalo na at madaming kumikintab na bagay.

Napadapo ang tingin ko sa lalaking may hawak hawak sa akin. Naka pormal itong damit at mukhang si Butler Sebastian na pinapanood kong anime.

Muli kong inilibot ang mga mata ko at tumigil iyon sa lalaking naka upo sa single seater na sofa.

Nakadekwatro pa siyang upo, nakasuot ng tuxedo at magulo ang tie niya, maging ang buhok ay magulo at may malamig na ekspresyon sa mukha niya.

Pero bagay na bagay ito sa kanya, para siyang isang hari kaso kung tignan niya ako ay para bang alien.

Ngayon lang ba siya nakakita ng baby?!

Kinusot kusot ko naman ang mata ko dahil sa nangangati ito dahil sa pag iyak ko kanina at ngayon ko lang naalala na masama nga pala ang pakiramdam ko kaso may makakapansin ba sa kanila?

“ Master, I think the baby is sick. ” Saad ng lalaking may hawak sa akin.

Buti naman napansin niya at napatingin naman ako sa lalaking makaupo ay daig pa ang hari.

Ano kayang gagawin niya sa akin?

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon