Chapter 64

4.3K 253 27
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula ng tuluyan na akong nagising at lagpas isang buwan na mula noong mapunta ako dito.

Sa mga nakalipas na araw ay mas marami pang side ni Devlin ang nakita ko gaya nalang kung paano niyang butasin gamit ng baril ang mata ng isang lalaki.

Nakita ko din kung paano niya paglaruan ang mga ngipin ng mga nahuli nila na tinatawag na vampire tooth, medyo nakakadiri pero hindi ko naman siya hinahadlangan sa gusto niyang gawin.

Sa loob ng isang linggo ay mas lalo din kaming napalapit at noong isang araw nga lag ay abot sa langit ang hiya ko lalo na noong bigla nalang akong buhatin ni Devlin at inuupo sa kandungan niya noong may meeting sila.

Sa oras na iyon ay hindi lang ako ang nagulat at nahiya dahil maging mga tauhan niya ay nagulat sa akto niyang iyon saka nag-iwasan ng tingin, sa huli ay maayos na natapos ang meeting nila.

Kung tatanungin niyo ako kung ano ang label namin ni Devlin, sinasabi ko sa inyo ay wala pa lalo na at hindi pa siya kilala ng pamilya ko.

I mean, conservative po akong tao.

Siguro parehas nga kami ng nararamdaman but before the boyfriend girlfriend thingy, gusto ko muna siyang ipakilala sa pamilya ko for their support.

After makuha ang blessing dapat ligawan muna niya ako gaya ng mga dalaga noong kapanahunan ni Maria Clara at alam kong payag si Devlin saganoong set-up.

At hindi porket walang nakabantay sa amin ay gagawa na kami ng kung ano ano ha. We both know our limits hanggang hugs, cuddlings, holding hands saka kiss sa cheeks or forehead lang.

Gumaya kayo sakin, medyo pabebe na nasa tamang landas.

Nakakatukso man minsan ay lagi ko pa ding naaalala na nasa loob ako ng isang 14 years old nabdalagita kung saan sheltered ng pamilya.

Dapat huwag padalos dalos at huwang matukso sa mga bagay bagay na hindi pa pwede at mga bawal.

Maayos naman ang lahat lahat pero kahapon lang ay nalaman kong uuwi ang parents ni Devlin at sa totoo lang ay kinakabahan ako ng slight.

Meet with the parents na ba ito?

But I remember, dito nga pala sa bahay nila ako nags-stay but then again I hope maging maayos ang lahat mamaya.

Matapos isuot ang puting dress at stilettos na binigay ni Devlin saka tumingin sa salamin ay agad din akong lumabas at naglakad papuntang opisina ni Devlin

I somehow imagine na gaya ito sa ilang libro na nabasa ko like bibigyan ng 10 million yung babae para hiwalayan yung anak nila.

Or iaarrange sa ibang babae yung anak nila tapos pilit silang paghihiwalayin with some kidnap effect pa.

Kung ganon ang mangyayari, magkalimutan nalang tayo na magulang sila ni Devlin dahil hinding hind ko ibababa ang sarili ko para lamang sa mga taong gaya nila.

Pagkarating sa tapat ng opisina ay kumatok ako saka pumasok ng marinig ang pagpayag ni Devlin mula sa loob.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko si Devlin na nakasuot ng suit na talaga namang bumagay sa kaniya ngunit hindi naman iyon tugma sa malamig na ekspresyon na meron siya.

Dahan dahan akong lumapit at mula sa mga papel sa harapan niya ay inangat niya ang mukha niya saka sumilay ang isang napakainit na ngiti.

Ibinuka naman niya ang mga kamay niya na ikinalapit ko sa kaniya at saka hinayaan siyang hilahin ako paupo sa mga kandungan niya bago isiksik ang mukha sa leeg ko.

Hinaplos ko naman ang likod niya at sinuklay ang buhok niya, alam kong nakakaramdam siya ng napakaraming emosyon lalo na at sa loob ng labing isang taon ay uuwi lamang ang mga magulang niya sa araw ng kaarawan nila ni Lighton upang magpicture at idagdag sa koleksyon.

Hindi nila kaarawan ngayon at ibig sabihin ay may kung anong bagay ang nagpauwi sa mag-asawang Silveraz dito sa Pilipinas at mukhang napakahalaga noon para sila pa mismo ang magpunta dito ng personal.

Hindi ko alam kung ano iyon pero sa oras na maramdaman kong may hindi tama ay walang makakapigil sa akin para magsalita kahit na si Devlin pa iyon.

" Everything's gonna be okay, yeah? " Saad ko kay Devlin at naramdaman ko ang pagtango niya na ikinatango ko din.

I know that even if natanggap na ni Devlin na replacement lang siya ng kakambal niya ay umaasa siya na dumating yung araw na ituring siya ng magulang niya bilang anak din nila.

Kahit na malamig at medyo psycho si Devlin ay nangungulila din siya sa init ng pagmamahal at kalingan mula sa mga magulang niya na naranasan ko na din kahit papaano.

I know his desires…

At bilang isang tao na nagmamahal sa kaniya ay gusto ko ring matamo niya ang ninanais niyang iyon ngunit naririto lamang ako lagi para maging suporta niya at handa akong ibigay ang buong pagmamahal ko sa kaniya.

I'll protect him, I'll protect my Devlin.

Matapos ang yakapan ay niyaya ko na si Devlin sa baba upang salubungin ang mga magulang niya at nakahanda na ang napakaganda kong ngiti para doon.

Nakita ko namang nagsipasukan na ang mga sasakyan at isa-isa ng nagsibabaan ang mga tauhan ng mga ito hanggang sa nakita ako ang pagbaba ng isang pamilyar na lalaki,  ang ama ni Devlin.

Umikot ito at binuksan ang pinto, doon naman ay lumabas ang Ina ni Devlin na halatang hindi natutuwa na narito siya.

Akala ba niya natutuwa kami na nandito siya?

Napairap nalag ako sa naisip ko at ng akala ko ay lalapit na sila ay nagbukas ang pintuan ng likiran ng sasakyan at una kong nasulyapan ang mahahaba at mapuputing paa.

Mukhang mapapalaban ako dito.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon