Chapter 69

3.8K 240 13
                                    

Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, masyadong halo halo ang emosyon na meron ako sa ngayon at wala ng oras pa para isaayos ang lahat ng iyon.

Nang makita ko ang mukha ni David ay nakaramdam ako ng pangungulila at awa lalo na at para bang matagal na siyang walang tulog at kain sa sobrang payat niya.

Ngunit nang makita ko ang mukha ng isa sa mga traydor ay muling umusbong ang galit at puot sa puso ko, mas lalo pang nakakagalit na hindi man lang ito nagpanggap ng mabuti dahil nasa magandang kondisyon pa siya.

Ligaya

Pero sa ngayon ay kailangan ko munang itago lahat ng galit na nararamdaman ko.

Hindi pa ngayon ang tamang oras para kumilos, kailangan ko munang kumalma.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Devlin sa likod ko na ikinatingin ko sa kaniya at binigyan niya ako ng tingin na tila sinasabing kumalma ako.

Sinusubukan ko naman, pero hindi ko mapigil.

Maya maya pa ay muli akong napatingin kay Devlin ng magsalita siya.

" Calm down Yvonne, I'm here okay? Everything will be fine. " Saad niya at hinaplos ang mukha ko na ikinatango ko nalang.

Binuksan niya ang pintuan saka lumabas at umikot sa may tapat ko.

Kita ko ang batian nila nina David hanggang sa tumingin siya sa direksyon ko at alam kong hinihintay na nila akong lumabas.

Napahinga muna ako ng malalim saka binuksan ang pintuan at lumabas kasabay ng mga pagsinghap na umingay sa paligid.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang naluluhang itsura ni David habang kasing putla naman ng papel si Ligaya habang nakatingin sa akin.

Surprise Bitch.

Lumapit ako sa kanila at sinalubong naman ako ng mahigpit na yakap ni David kasabay ang paghagulgol niya.

Pamilya na rin namin si David kaya alam kong gaya nina Papa at ng iba pa ay labis labis na pag-aalala ang naramdaman niya noong nawala ako.

" Y-young Mistress… Lesha… God. " Saad nito sa pagitan ng pag-iyak at tinapik tapik ko naman ito sa balikat niya.

" Yes, I'm already here David.  " Saad ko at akmang magsasalita pa ako ng bigla na lamang nawala yung kayakap ko.

Napakurap kurap ako at nakitang si Devlin ang may kagagawan non na masama na ang timpla ng mukha ngayon.

Too much vinegar Devlin.

" Now, can we get in? " Tanong ni Devlin habang binabalewala ang tingin ko sa kaniya.

" Yes. Right. " Saad ni David at mukhang may naalala saka dali daling pumasok sa loob na tila nakalimutan kami.

Nagkibit balikat nalang ako at napatingin sa babaeng kanina pa naninigas sa kinalalagyan niya.

" Ligaya… how are you? " Tanong ko sa kaniya ng may ngiti na ikinaiwas nito ng tingin.

" I-I'm glad n-nakabalik ka na Y-young Mistress… " Saad nito at may pekeng ngiti na sa labing kanina pa nito kagat kagat.

" Really Ligaya? You're glad? " Tanong ko dito ngunit bago pa man ito makasagot ay may umagae ng atensyon naming lahat.

At iyon ay ang mga nagdadagasang tunog sa loob ng Mansion, mga nagmamadaling paa pababa at kilalang kilala ko kung sino ang mga ito.

" Lesha… "

That's all that I heard then warm embraced me.

The warm that I really really miss.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon