Chapter 49

4.2K 239 13
                                    

Mula sa kinauupuan ko ay walang gana kong pinapanood ang nagaganap sa harap ko.

Hindi ko lang akalain na manhid siya para hindi makita ang masamang uri ng tingin sa kanya o talagang bobo lang siya para malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon?

Hinayaan ko nalang sila at inilibot ang paningin sa buong paligid, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para pagmasdan ang buong paligid mula ng lumabas ako.

Masasabi kong pinaghandaan ito ng mabuti lalo na ang mga disenyo sa buong paligid.

Madami ding mga bisita at may iba sa kanila na may mga kasama pang mga bata. Sa isang gilid naman ay kita ko ang mga nagtataasang regalo ngunit sa kasamaang palad ay wala akong interes sa mga iyan.

Mukhang kay Alena din naman mapupunta ang mga iyan kaya hindi na dapat pang bigyan ng pansin at kuntento na ako sa mga regalong bigay ng mga taong malalapit sa akin.

Napatingin naman ako sa kinalalagyan ng mga Kuya ko at nakitang hindi sila nakatingin dito sa sa stage kundi sa isang sulok kaya sinundan ko iyon ng tingin at nakita ang isang waiter na babae.

Walang iba sa itsura niya, napakasimple lang pero base sa titig ng tatlo kong kapatid mukhang interesado sila para sa babaeng iyon. Nanliit naman ang mga mata ko at napahalungbaba habang ang mga mata ay nasa babaeng iyon.

Who are you?

Napabalik naman ako mula sa pag-iisip ng magsalita si Papa.

" She's my daughter Ashlesha twin, the second young mistress of our family. " Saad ni Papa at napakaseryoso ng mukha niya na umabot sa puntong tumahimik lahat ng mga nagbubulungan kanina.

Mula doon ay nagsimula ang tugtugan at kainan habang ako ay pinapanood silang lahat, si Alena naman ay nandoon sa isang tabi at may mga kausap na babae na paniguradong gusto lang siyang gamitin.

Maging si Mama ay madaming kausap at mukhang bulag siya dahil hindi niya makita kita ang di magandang ekspresyon sa mga kausap niya.

Si Papa naman ay literal na may mga kausao na talaga at normal lang iyon, ngayong gabi ang kakaiba lang ay ang tatlo kong kapatid na sinundan ang babaeng waiter kanina.

May posibilidad na magkakaroon na sila ng magiging kasama nila sa buhay habang ako, maiiwan ako pagdating ng araw kung wala din akong mahahanap na para sa akin.

Nagdaan ang ilang mga minuto at kita kong lumabas sa pinasukan nilang pinto ang tatlong kong kapatid at tuluyang naging seryoso ang mukha ko ng makita sila.

Bumaba ako ng stage at lumapit sa kanila na agad din nilang napansin at ngumiti sa akin ngunit nananatili lang akong seryosong nakatingin sa kanila.

Maya maya pa ay itinaas ni Kuya Abram ang mga kamay niya na tila sumusuko at hinala ako papunta sa labas ng venue, sa may sea-side.

" She's a spy, we need to kill her. " Saad niya na ikinatingin ko sa kanilang tatlo, kaya pala ganon nalang ang tingin nila sa babaeng iyon pero ganoon ba kahirap ang babaeng iyon at natalsikan pa sila ng dugo sa mukha?

" We're sorry. " Saad ni Kuya Aarav at niyakap ako na ikinabuntong hininga ko nalang.

Nag-aalala din naman ako at medyo nalulungkot din sa pag-aakalang natagpuan na nila yung magiging sister-in-law ko kaso mukhang hindi pa.

" It's okay, just don't do it again. " Saad ko at tinapik tapik pa ang likuran niya.

If nagtataka kayo kung bakit ako nagagalit, iyon ay dahil nangako sila sa akin na walang gulo na mangyayari ngayon.

Alam ko naman na hindi iyon maiiwasan but kapatid ko sila kaya naman normal lang kung mag-aalala ako sa kanila kahit na sila dapat ang katakutan ng mga kalaban.

Nang mawala na ang inis na mayroon ako ay bumalik na din naman agad kami sa venue at nakitang mag isa nang nakaupo sa unahan si Alena kaya naman umupo na din ako sa upuan ko at kita ko ang pagtalim ng mata niya kaya bahagyang napataas ang kilay ko saka tinignan kung saan siya pumaling ng tingin.

Nagkibit balikat nalang ako ng makitang isang lalaki na nasa edad namin ang tinitignan niya at kasalukuyan itong nakatingin sa akin.

Hindi ko nalang ito muling pinansin ngunit pakiramdam ko ay may mali pero hindi ko masabi sabi kung ano iyon.

Nagkaroon muli ng mga activities gaya ng mga palaro sa mga bata at may mga kumanta at sumayaw din kaso hindi naman nito nakukuha ng buo ang atensyon ko. Para sa akin ay normal na araw lang ito, hindi naman mahalaga kung kaarawan ko ngayon.

Kung ako nga ang tatanungin ay pipiliin ko nalang na manatili sa bahay pero syempre hinding hindi yon mangyayari sa buong buhay ko lalo na kung may mga kuya at ama ako na pala desisyon.

Walang gana akong nakatingin sa baba at nagsasawang pinapakinggan ang mga tawa at boses na pasasalamat ni Alena sa mga regalo na ibinibigay sa kanya habang ako ay natango lang sa kanila.

Hindi naman din sila nagtatagal sa harap ko lalo na kung apat na pares ng mata ang titig sa kanila.

Napahalumbaba nalang ako at pinagmasdan ang regalo na ibinibigay nila, hindi man iyon kasing halaga ng mga regalong natatanggap ko mula sa pamilya ko eh masasabi ko namang malaki din ang halaga ng bawat isa. Napapikit nalang ako ngunit muling napamulat ng may magsalita.

“ Vhai… ”

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon