Lumaki ako sa hirap at sinasabi kong ang mganapagdaanan ko sa sampung taon ay ang mga pangyayaring hindi ko nanaisin pang mangyari.
Mula sa kinakatayuan ko ay masaya kong pinapanood ang kakambal ko na naglalakad sa isle ng simabahan patungo sa lalaking makakasama niya sa pang habang buhay.
Kita ko ang pagluha niya maging si Daddy ay namunula ang mga mata at ng ibaling ko naman ang tingin ko sa mapapangasawa niya ay napakurap kurap nalang ako ng nakaluhod ito sa unahan habang humahagulhol.
Hindi ko nalang ito pinansin at binalik ang tingin sa kapatid kong naglalakad patungo sa harap ng altar.
Hindi ko akalain na ikakasal na agad siya pagsapit ng ika-labing walong kaarawan niya ngunit hindi naman iyon ganoon nakakagulat dahil sa apat na taong paghihintay ni Devlin sa kaniya ay kita ko kung paano siya nito itrato bilang isang reyna.
Ako kaya? Kailan ko kaya mararanasan ang bagay na iyon?
Sa apat na taon na nakalipas mula noong mabunyag ang pagiging impostora ni Anabelle bilang aming Ina ay naging maayos ang takbo ng buhay namin.
Natahimik ang pamilya namin at hindi na muling nagkaroon pa ng kahit anong gulo na ikinabuti ng pagsasama namin.
At ako na ate niya ay natuto ng makuntento sa kung anong meron ako, hindi man ako itrato ng Ama at mga Kuya ko gaya ng pagtrato nila sa kakambal ko ay masaya na ako na hindi nila ako pinapabayaan.
Masaya na ako na kahit papaano ay kinakausap nila ako at inaalala, hindi na nila ako tinuturing na hangin o kaaway dahil kahit papaano ay alam kong nakapasok na din ako sa buhay nila, hindi nga lang gaya sa kakambal ko.
Masaya na ako sa ganoong set up at kuntento na ako doon at least stable ang buhay na meron ako.
Napabalik naman ako sa reyalidad ng makitang lahat ay nakaupo na, na siya namang ikinaupo ko din agad upang hindi ako makaagaw atensyon sa pagiging tulala ko.
Tumingin ako sa harapan at ponanood ang nagaganap napag-iisang dibdib nilang dalawa.
Habang pinapanood na magpatuloy ang seremonya ng dalawa ay may kung sino ang umagaw ng atensyon ko.
Isang lalaki at may edad na diya pero mas bata siya kay Daddy pero hindi ko masabi.
Siguro mga early 30's siya?
Gaya ko ay nakaupo din ito ngunit nasa kabilang bahagi siya kung saan nakaupo ang mga lalaki na imbitado sa kasalan.
Nakasuot siya ng normal na suit at mukhang normal lang din naman siya pero hindi ko alam kung anong meron sa kaniya at naagaw niya ang atensyon ko.
Habang patuloy ang seremonya ay pabalik balik din ang mga tingin ko sa kanya, may kakaiba talaga eh.
Maya maya pa ay napansin kong yumuko ito at ng silipin ko ay may pinunasan ito sa may paa niya at laking gulat ko ng ipunas din niya iyon sa mukha niya.
Saka ko napansin na humahagulhol din siya na tila namatayan habang may pagsinga pa sa telang hawak hawak niya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi pero kusa nalang kumurba ang ngiti sa aking labi ngunit agad ding napaiwas ng makitang pumaling siya sa direksyon ko.
Dahil doon ay hindi na ako muli pang lumingon sa direksyon niya pero kita ko naman siya sa gilid ng mga mata ko kaya naman napapatawa nalang ako tuwing may papikit pikit pa siya habang umiiyak.
Parang siya yung ikinakasal ah.
Napailing iling nalang ako at mahinang napatanong.
Siya na kaya ang "the one" ko?.
Jake's POV
Hindi ko akalain na darating kami sa puntong ito.
Hindi ko akalain na may posibilidad na mangyari ito sa buong buhay ko.
Si Boss ikinasal na!
Hindi man ako yung tatay niya o yung ikakasal eh hindi ko naman mapigilan ang pag iyak.
Para sa akin nananatili sa tabi ni Boss ng maraming taon ay hindi ko akalain na masasaksihan ko ang pangyayaring ito kung saan mangangako sila sa harap ng altar para magsama habang buhay.
I really really can't believe it.
Kanina pa ako naiyak hanggang sa matapos ang kasal at makarating na kami sa reception area kung saan hindi ko pa din mapigil ang pag iyak ko.
Pinagtitinginan na nga ako ng tao, maging si Boss ay masama na din ang tingin ngunit hindi naman ako kinakabahan sa mga tinginan niyang iyon dahil kanina pa tumatawa ang asawa ni Boss.
Malakas ang loob ko pero hindi magtatagal iyon kaya naman kailangan ko ng kumalma at tumigil sa pag iyak dahil baka maging pagkain ako ng mga alaga ni Boss o kaya baka bisitahin ko mga magulang ni Boss sa ilalim ng lupa.
Naglakad ako palabas ng reception at pinipigil umiyak hanggang sa mapahinto ako sa gilid ng isang puno.
Pinapakalma ko ang hininga ko ngunit hindi ata sang-ayon ang tadhana sa akin dahil bigla na lamang may humawak sa balikat ko.
Jusko Multo!
Napapikit nalang ako sa sobra habang nakapormang cross ang dalawa kong braso laban sa multo na nasa likuran ko.
" Are you okay? "
Pero tila anghel ang multong kasama ko pero baka niloloko lang ako nito!
Baka multo in disguise lang ito!
" Ahm, Tito? " Saad pa nito na agad nagpamulat ng mata ko.
Hindi naman ako ganoon katanda!
Handa na sana akong magsalita ng masilayan ko ang pinakamagandang babae sa mundo.
Pero agad ding nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ito!
Asawa ito ni Boss!
Pero parang may mali.
" Silly, I'm Alena, Ashlesha's twin sister. " Pakilala nito saka inilahad ang kamay niya.
" I'm….. Jake, Jake Visastre. " Wala sa sariling saad ko at tinanggap ang kamay niya.
Hindi ko alam na sa loob ng 31 years ko sa mundo bilang mag-isa ay may ipapadala palang 18 years old na dalaga para sa akin.
------🌟
Akala niyo ba natapos na sa unang Special Chap?
Eto ang Second and Last Special Chapter ng kwentong ito!
Iiwan ko na sa inyong imahinasyon ang magiging kwento nilang dalawa maging ang katapusan.
At dito na tuluyang nagtatapos ang kwentong ito.
Salamat My stars!🌟
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
Viễn tưởngShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...