Nagulat ako sa sinabi niya at natatakot na baka malaglag niya ako pero agad kong naalala kung gaano ako kakomportable ng hawakan niya ako kahapon.
Kaya naman ng ibigay ako ni David sa Ama ko ay humanap ako ng kumportableng posisyon sa mga kamay niya at nang makahanap ako ay saka ko iginala ang mga mata ko.
Mukhang isa ding garden ang kinalalagyan namin ngunit pinalilibutan ito ng mga salamin at maging ang bubong ay salamin din.
May puting malaking chandelier sa gitna. May iba’t ibang halaman na nakalagay sa magagandang disenyo ng paso.
Sa kanan ay may malaking fireplace at may mga sofa, sa kaliwa naman ay parang dining table.
Napakaprekso dito at kitang kita ang mga halamang kanina lamang sa loob ng mansion ay tinititigan ko.
Bukod sa mga halamang nakahilera sa dingding ang may mga nakasabit ding halaman sa taas at lahat sila ay may iba’t ibang kulay na bulaklak.
Napatingin muli ako sa mga taong nandito, wala na si David at malamang ay pinaalis na ito ng Ama ko kaya naman kaming lima na lanag ang natira dito.
Bukod sa Ama kong nakasuot ng pormal na damit ang tatlo namang batang lalaki na sa tingin ko ay kapatid ko ay nakasuot na ng casual na damit pambahay ngunit nagmumukha silang munting model.
Ang mga mata nilang asul ay nakatitig sa akin at tanging si Abram lamang ang nakangiti habang nakasimangot at salubong ang kilay ni Adlai, tahimik naman at seryosong nakatingin sa akin si Aarav.
Napalingon naman ako sa Ama ko ng magsalita siya at saka ko lang napansin na kalong-kalong na pala niya ako dahil kanina ay nakatayo siya.
“ This is your sister, Ashlesha Yvonne Annatillo. ” Saad niya na siya namang ikinamangha ko.
Ashlesha? Ang ganda!
Mukha namang napansin nito ang tuwa ko kaya naman tinitigan niya ako at pasimpleng kinurot sa pisngi na siya namang ikinasimangot ko.
Napalingon naman ako sa iba pang nandidito at mukha namang napansin iyon ng Ama ko.
“ They’re your brothers. The eldest one was Aarov Yvan Annatillo. The middle was Adlai Yvet Annatillo and the last one was Abram Yvor Annatillo. ” Pakilala niya at hindi naman ako nahirapan lalo na at kilala ko na sila.
Ang galing lang dahil parehas kaming apat na A ang first name at Y ang second name.
Nakakamangha din na ang last name namin ay Annatillo na ang lambing pakinggan ngunit kabaligtaran noon ang mga taong nagdadala ng pangalan na iyon.
“ She’s really our sister? ” Tanong ni Adlai.
Bakit feeling ko may issue sa akin ang batang ito, kanina pa ito sa kwarto ah.
“ Enough Adlai! Can’t you see? She resembles our father. ” Saad naman ni Abram habang kumakaway sa akin.
Resembles? Kamukha ko ba talaga ang Ama namin?
Bakit ba naman kasi wala akong nakikitang salamin para malaman ko kung ano nga ba ang itsura ko.
“ Tsk. Just asking. ” Saad naman ni Adlai at tinignan na naman ako ng masama.
Ano bang ginawa ko sa batang ito at parang may malaki akong kasalanan sa kanya.
Napalingon naman ako kay Aarov dahil kanina pa siya tahimik at sakto namang nakatitig din siya sa akin.
Ngunit sa huli ay siya din ang nag-iwas ng tingin sa pagtitigan namin.
Napatingin din ako sa Ama kong maingat na inaalalayan ako sa kandungan niya pero abala siya sa pag-inom ng tsaa, nang mapansin niyang nakatingin ako ay tinaasan niya ako ng kilay na palihim ko nalang inirapan bago magbuntong hininga.
Maging maayos kaya ng buhay ko dito?
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantastikShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...