Chapter 47

4.2K 214 29
                                    

Third Person's POV

Nagsibabaan na ang mga nag-ayos at tanging ang kambal na lamang ang nasa itaas.

Pagkalabas ng kani-kanilang pintuan ay nagkaharap ang kambal at ang kaninang aroganteng mukha ni Alena ay napalitan ng gulat, disgusto at galit saka dali daling nilagpasan si Ashlesha na medyo napapaisip pa kung bakit ganoon nalang ang dahit na suot ni Alena.

Isang white see through na mermaid dress ang suot nito habang may mataas na high heels, dark shade din ang make up nito at lalo pang hindi bumagay ang mga naglalakihang perlas sa leeg nito. Hindi niya na alam kung anong kahihinatnan ng gabing ito.

Sa baba naman ay unang nakita ng lahat si Alena na taas noong bumababa ng hagdanan. Elegante itong bumababa, tila isang kilos Prinsesa ngunit hindi iyon ang napapansin at pinagtutuunan ng pansin ng karamihan.

Mas agaw pansin at itsura nito, hindi dahil sa nakakabulag na ganda kund dahil mukha isa itong donya na naligaw ng landas.

Isang see through na mermaid style at kulay puti pa kaya naman kitang kita ang balat nito magimg ang sa ilalalim ng dibdib, masyado ding mataas ang heels nito at hindi na sila magugulat kung madadapa ito.

Ang make up nito na tila inimbento ng naglolokong make up artist at ang mga alahas nito sa katawan na hindi tugma sa kahit na anong suot niya ngayong gabi.

Tila isang dalagang naligaw ng panahon ang batang babae na nasa harapan nika at sa kanilang lahat ay tanging si Ara lamang ay may masayang ngiti sa labi at todo palakpak pa.

Siguro ay bulag ang babaeng ito.

Napahaplos nalang din si Yves sa sintido nito at huminga ng malalim, sa ngayon ay palalagpasin na muna niya ito at sa susunod ay pangangaralan ang mag ina. Kailangan ailang turuan ng mabuti dahil maaaring makaapekto ito sa hinaharap lalo na sa hinaharap ni Ashlesha.

Ngayong gabi at hahayaan niya na muna ito dahil wala na din naman siyang magagawa at wala na ding oras para magpalit.

Hindi pa man tuluyang nakakababa si Alena ay natuon na agad ang atensyon ng lahat maging si Ara sa itaas ng hagdanan na ikinalingon din ni Alena at nagngitngit ang ngipin nito ng makita si Ashlesha na kaswal na bumababa ng hagdanan na tila nasa bahay lang ito.

Hindi mo malalaman kung anong tumatakbo sa isip nito lalo na at seryoso lang ang mukha nito.

Nakasuot ito ng cocktail dress na itim at may suot lamang ng 2 inches na heels, sakto at simple lang ang make up nito sa mukha ngunit lahat ng makakakita sa kaya ay handa siyang titigan buong magdamag, ang mga alahas na suot lamang niya ay ang regalo na bigay sa kanyang Ama at kapatid kaninang pagsapit ng kaarawan niya.

Isang kwintas mula kay Yves, hikaw mula kay Aarav, porselas mula kay Abram at anklet mula kay Adlai. Walang kulay ang mga ito ngunit kumikinang tuwing matatapatan ng liwanag.

Simple lang ang ayos ni Ashlesha kung sa deskripsiyon lang ngunit kung sarili mong mata ang titingin baka nanaisin mong iuwi na lang siya at titigan ng walang hanggan.

Habang ang lahat ay pinagmamasdan at namamangha kay Ashlesha, si Alena naman ay nakakaramdam ng sobrang galit at inggit.

Ano pa bang kulang sa kanya? Lahat ng meron ang kambal niya ay meron na siya pero bakit tila isa lang siyang insekto sa kakambal niya?

Nakababa na si Ashlesha at nilagpasan lang ang kambal niyang masama ang tingin sa kanya, wala naman siyang problema doon at nagpatuloy nalang papunta sa Ama at mga kapatid niya.

Hindi na siya nag-abala na lapitan pa ang kanyang Ina dahil baka sumabog na ang isa doon kaya mas maganda kung hindi na susubukan.

Saka para saan pa ba? Sa mga nagdaang araw naman ay halatang halata na, na wala ang loob ng Mama niya sa kaya at nasa kakambal lang niya iyon.

Napatingin naman siya sa Papa niya ang halikan siya nito sa noo at may matamis na ngiti sa labi nito.

Maging ang mga kapatid niya ay may mga ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya saka siya hinalikan sa noo isa isa.

Hindi man siya binabati ng mga ito ngayon ay hindi na iyon mahalaga pa dahil pagpatak na pagpatak ng alas dose kaninang umaga ay binati siya ng mga ito.

Ngayong gabi ay ieenjoy niya nalang ang party ngunit makakapagrelax lang siya kung walang kaguluhan na magaganap. Kasabay ng 14th birthday niya ang pagsulpot ng isa pang mukha na gaya ng sa kanya at ipapakilala na ito sa buong mundo.

Umayos na sila ng tayo ng Papa niya, sila na muna ang lalabas dahil ang paglabas ng kakambal niya ay magaganap pa mamaya maya. Bukod sa hindi alam ng lahat na may kakambal siya ay hindi din alam ng lahat na nandito din ang taong nagluwal sa kaniya.

Malalaking pasabog ang magaganap ngayong gabi kaya mukhang magiging maganda din naman ang magiging palabas. Humawak na siya sa braso ng kanyang Ama habang nasa likuran naman nila ang tatlo niyang mga Kuya.

Nginitian muna siya ng Ama niya bago tumango at kasabay noon ang unti-unting pagbukas ng pintuan, sumalubong sa kanila ang palakpakan ng lahat at mga nakakasilaw na ilaw.

The Play has started.

------🌟

Hi! Good evening, nag update na ako ngayon dahil I'm not sure if makakapag update ako sa July. Currently nasa province ako ngayon and napakahirap humanap ng data so iyon enjoy!

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon