Chapter 18

5.9K 315 65
                                    

Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon dahil puro puno lang din naman ang nadadaanan ng sasakyang kinalalagyan namin.

Ilang minuto lang kaming naglakad este ilang minuto lang silang naglakad hanggang sa nakakita na kami ng kalsada at mga sasakyang nakaparada doon.

Hindi ako binibitawan ng lalaking ito kahit na kinukuha ako nina Amione hanggang sa napagod na ata ang dalawa at tulog na sila ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang balak ng lalaking ito pero ang alam ko lang magiging malaki na ang papel niya sa kwento at sa buhay ni Amione.

Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako, nakakapagod din kaya ang mga nangyari.

Nagising nalang ako dahil sa gutom. Isa pa din naman akong sanggol at kailangan ko ding kumain o kaya ng gatas.

Sa pagmulat ng mata ko ay isang itim na kwarto ang kinalalagyan ko, kahit saan ako tumingin ay para bang isang Emo ang may ari ng kwarto dahil lahat ay itim.

Napatingin naman ako sa pintuan na sa tingin ko ay Cr ng bumukas iyon at tumambad sa akin ang anim na pandesal na basang basa ng tubig.

Naglalaway ata ako lalo na ng makita ang puting tuwalya na nakasabit sa bewang niya maging ang malapad na dibdib at mga brasong madaming muscles.

Napabalik nalang ako sa sarili ng makarinig ng pagtawa.

Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking iyon na lalo lang din nitong ikinatawa. Hindi ba ay may face paralysis ang lalaking ito, sana itinuloy nalang niya ang pag arte ng ganon.

“ Okay okay, I’ll stop. ” Saad niya at itinaas pa ang kamay na para bang sumusuko.

Pumasok ito sa isa pang pinto at siguro iyon ang closet niya at lumabas siya suot suot ang isang simpleng itim na shirt at isang pants na itim din.

Black lover ata ang lalaking ito.

Napatingin naman ako sa kanya ng lumapit siya sa akin at walang pasabing binuhat ako. Kumapit nalang din ako sa kanya at lumabas kami ng kwarto.

Tumambad sa amin ang isnag mahabang hallway na wala atang inilagay na ilaw.

Pwede na tong maging venue for horror movies.

“ You’re hungry aren’t you? ” Saad niya ngunit tinignan ko lang siya saka inalis ang tingin.

Kahit naman kulay itim ang halos lahat ng nakikita ko ay talagang di mo maipagkakaila na mayaman siya.

Mukha pa nga lang niya eh mukhang mayaman na. Naglakad lakad pa kami hanggang sa bumaba kami sa isang hagdanan at maging ito ay kulay itim.

Emo nga ata ang lalaking ito eh.

Walang tao kahit saan ako tumingin ngunit hindi naman ganoon nakakatakot hanggang sa nagpunta kami sa Kusina at doon ko nadatnan sina Amione at Franc na kumakain.

Punong puno ang bibig nila na para bang ilang araw ng kumain ngunit hindi ko naman sila masisisi lalo na at hindi naman masarap ang pinapakain sa amin doon sa kumuha sa amin.

Hindi man lang nag-angat ang dalawa ng tingin at patuloy pa din sa pagkain. Umupo na kami sa isang upuan at dahil buhat buhat niya ako ay kasama niya ako sa pag-upo.

Hindi naman siya umiimik o ano pero may lumapit nalang sa amin na katulong at may pagkain na inilapag sa harap.

Natakam naman ako ng makita iyon dahil iyon ang pinapakain sa akin ni Ligaya tuwing linggo.

Kahit naman dinurog na tinapay lang iyon ay napakasarap pa rin lalo na at nasa katawan ako ng isang sanggol.

Nagulat naman ako ng subuan niya ako ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at patuloy nalang sa pagnganga tuwing may paparating na kutsara.

“ You’ll be leaving here with me and my son. ” Saad niya na ikinahinto naming tatlo sa pagkain.

Ano daw?

Leaving here with me?

With my son?

Napatingin naman kami sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 4 at walang emosyon sa mukha niya.

“ Is she my sister? ” Deretsong tanong nito habang nakatingin sa akin.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon