Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ni Kuya Aarav at nakatanaw sa labas ng bintana habang nababalot naman ng matinding katahimikan ang buong sasakyan.
Siguro kung kami lang ang nandito ay mapupuno ng ingay ang sasakyan ni Kuya ngunit hindi lalo na at may plus one kaming kasama.
Kung iniisip niyo na kasama namin si Alena, tama kayo dahil isinama namin siya.
Hindi naman sa ayaw namin pero halata namang ayaw talaga namin di ba? Biro lang, isinama talaga namin siya dahil ayaw ko namang isipin ni Mama na kinakawawa or inaaway namin yung anak niya.
Hindi nga dapat papayag si Kuya Aarav eh pero sure naman ako na gaya sa Drama na napapanood ko dati ay susumbatan ni Mama si Kuya Aarav na kapatod din naman namin si Alena kaya umoo nalang ako kahit labag sa loob ko.
Magkatabi kami ni Kuya dito sa kaliwang parte ng sasakyan habang siya naman ay nandun sa kaliwa at kanina pa tahimik pero alam kong gusto niyang kausapin ang Kuya ko at hindi ako.
Alam ko namang ayaw niya sa akin pero bakit naman masyado niyang pinapahalata? Buti nalang at hindi lumilingon sa kanya si Kuya at ako lang ang pinapansin.
Masama na ba ako kung ipagdadamot ko ang mga Kuya ko sa kanya?
“ Do you want food? ” Biglang tanong ni Kuya kaya napatingin ako sa kanya at tumango, agad naman siyang nagpipindot sa cellphone niya.
Hindi na naman niya ako kailangang tanungin dahil sila na talaga ang kumokontrol ng mga kakainin ko, hindi din naman ako mapili kaya wala ng kaso sa akin kahit ano ang pagkain.
Napatingin naman kami pareho ni Kuya kay Alena ng bigla siyang umubo, oo nga pala kasama pa namin siya.
Tumingin naman ako kay Kuya at kita kong nangungunot ang noo niya na ikinailing iling ko.
Tingin ko magkakapatid nga talaga kami dahil pare-parehas naming ayaw sa kakambal ko.
Hindi naman kami masama pero syempre hindi namin basta-bastang tatanggapin ang isang tao na lumitaw nalang bigla.
Maya maya pa matapos ang ang mahaba habang serye ay tuluyan ng huminto ang sasakyan sa parking lot.
Unang bumaba si Kuya Aarava at inakay ako pababa nagsimula na kaming maglakad ngunit agad din akong napahinto ng maramdamang walang sumusunod sa amin.
Lumingon ako sa likuran at nakitang nasa sasakyan pa din ang kakambal ko habang nakatingin sa amin.
Masama ang tingin niya kanina ngunit ng makita ko din ang paglingon ni Kuya ay nagbago ang emosyon sa mukha niya at tila ba isang batang inapi.
Napailing iling nalang ako at hinayaan na si Kuya ang umasikaso sa kanya.
“ What are you looking at? ” Tanong ni Kuya sa kanya pero nagbaba lang ito ng mata at tila ba hindi naintindihan ang sinasabi ni Kuya na ikinabuntong hininga ko saka nagsalita na rin.
“ Why are you still there? Balak mo bang bantayan nalang ang sasakyan hanggang sa bumalik kami? ” Saad ko at agad siyang napatingin sa akin, paniguradong minumurder na ako nyan sa isip niya pero wala akong pake.
Wala siyang kakampi dito at hindi tatalab ang pagpapaawa niya, yan ang napapala ng mga taong pilit sinisiksik ang sarili sa lugar na hindi naman dapat.
Bumaba na siya mag-isa at walang tulong mula sa kahit na sino at naglakad na papalapit, hinila na din ako ni Kuya papasok sa Elevator.
Ngayon pa lang ako makakapasok dito kaya nakaka excite kahit na may extra akong kasama ay okay lang basta wag siyang gagawa ng problema lalo na at kompanya ito nina Kuya.
Unti unti nang tumaas ang elevator at papunta kami sa 87th floor na mukhang iyon ang pinakatuktok ng building na ito, saka ko lang din napansin ang kakaibang disenyo ng elevator na sinasakyan namin.
Mukha namang napansin ni Kuya ang pagtingin tingin ko at nagsalita siya.
“ This elevator was exclusively for us so when you come here, use this elevator alright? ” Saad niya na ikinatango ko naman agad, pag walang magawa sa bahay dito nalang ako pupunta lalo na at ito ang pinaka main company ng mga Kuya ko.
“ A-ako din… ” Parehas kaming napatingin ni Kuya sa likod at nakita ang kakambal ko na nakayuko at pasimpleng nasilip sa amin.
Nagkibit balikat nalang ako at muling humarap sa harapan ng magsalita si Kuya.
“ You can’t come here if it isn't an emergency. ” Saad ni Kuya na bahagyang ikinataas ng sulok ng labi ko ngunit napataas naman ang kilay ko ng makita ang repleksyon ng kakambal ko sa elevator, mukhang hindi iyon kita ni Kuya ngunit kitang kita ko ang galit niyang mukha.
Hindi magtatagal lalabas ang tunay niyang ugali pero sa ngayon na nakakapagtiis pa siya, bakit hindi muna siya inisin?
Hindi ko na kailangang kumilos para gawin iyon lalo na at lahat ng nakapaligid sa akin ay ginagawa na iyon.
Tignan lang natin kung hanggang saan niya kakayanin na magpanggap.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasíaShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...