Tila isang bomba ang mga salitang binitawan ng dalawang lalaking ito at sigurado naman ako na mag ama sila. Nawalan ako ng gana at pinili na lang matulala.
Hanggang ngayon ay nakatulala lang ako kung saan habang ang mga kasama ko naman sa lamesa y nag-uusap usap.
Sobrang shock na yung nararanasan ko this days, wala ba silang balak na patahimikin ang araw ko kahit isang araw lang?
" Why? " Tanong ni Amione na nakapag pabalik sa akin sa sarili at kita ko na malapit na siyang umiyak ngunit hinahagod naman ni Franc ang likod niya.
" Because your parents thinks that you're dead and appearing in front of them will just bring them in danger. " Saad naman ng lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa din kilala.
Tama siya, lalo na kung may malaking kapit ang mga taong nagbalak na kumidnap sa kanya, well nadamay ako pero mas malaki ang papel niya sa istoryang ito kaya dapat siya ang bida at sentro.
" B-but- "
" No buts, young lady. From now on you'll live here with me, us. Especially this baby. " Putol ng lalaki sa sasabihin ni Amione at pinisil pisil pa ang pisngi ko.
Napatingin naman ako sa kanan kong paa ng maramdaman ang malalamig na kamay doon at natagpuan ko ang batang lalaki na kamukha ng lalaking may hawak sa akin.
" You'll be my sister. " Saad niya at medyo kinilabutan ako sa pagkakasabi niya lalo na at para bang gusto niya akong ilock kung saan.
" Yes, she'll be your sister. " Saad naman ng ama niya.
Tinignan ko naman siya ng masama, desisyon sila?
May pamilya na ako, may kapatid at ama kaya mas mabuti siguro kung ibabalik nila ako sa kanila di ba?
At imposibleng hindi dumating yung araw na makikita nila ako, iyon ay kung hahanapin talaga nila ako pero sana naman oo.
" How rude of me, I'm Viscasio Leondre and this is my son Joaquin Vlad Leondre. " Saad niya bigla at agad na tumingin sa akin.
" From now on, you will be Johanna Vhaira Leondre. " Saad niya at ngumiti ng pagkasilaw silaw.
Hayst, may bago na naman akong pangalan.
Napatingin nalang ako kina Amione at Franc na nagdadamayan sa kabilang parte. Dahil sa pagdating ni Vis, lalong gumulo ang storya.
Malabong mangyari ang dapat mangyari sa libro kaya naman mas maganda kung maging handa ako sa mga mangyayari sa hinaharap.
Hindi ko alam kung paano ako napunta dito pero ramdam ko ang init ng katawan niya habang nakapalibot sa buong katawan ko ang braso niya.
Wala siyang damit kaya blessing sa mata, I mean, wala siyang damit kaya ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.
Feeling ko sisikat ata ako bilang artista dahil kinaya kong magkunwari kanina na tulog kahit ang totoo ay gising na gising ang diwa ko lalo na at katabi ko siyang matutulog.
I don't know kung anong tumatakbo sa isip niyo pero yes, I'm sleeping beside Viscasio because he insisted and I can't reject that.
Noong una ay ayaw pa akong pakawalan ni Vlad noong pahawakan ako ni Vis sa kanya, hindi ko alam kung anong sinabi ni Vis pero binitawan ako ni Vlad at hinalikan nalang sa noo.
Kung ikukumpara ko ang tatlo kong kapatid sa kanya ay mas lamang siya dahil mas mainit ang naging salubong siya sa akin pero mas pipiliin ko ang tunay kong kapatid kesa sa kanya.
1 years old na ako at sa kasamaang palad ganito ang kinaratnan ng birthday ko. Hindi ko alam pero natatakot ako, natatakot ako na baka hindi nila ako mahanap o kaya, baka hindi nila ako hanapin, nakakatakot at ayaw kong mangyari yun.
Tinitigan ko nalang ang lalaking natutulog sa tabi ko at muling napabuntong hininga saka napaisip hanggang sa hindi ko na namalayan na tuluyan na palang nagsara ang talukap ng mga mata ko.
Mula sa libo libong kilometrong layo, hindi ko alam na ang mga taong iniisip ko bago ako tangayin ng antok ay nakakaramdam din ng pangungulila sa akin at ang dating tahimik ngunit madugong Mansion ay umingay at lalong naging madugo.
Sa loob ng Mansion na iyon ay may apat na lalaking walang maayos na pahinga dahil kahit anong balita ay wala silang makuha para malaman kung nasaan ako.
Sa isang kisapmata, ang maliit na paang walang ibang ginawa kundi ang magpapadyak ay tuluyan ko nang naiituntong sa lupa, ang buhol na dila ay naplantsa ko na kaya tuwid na. Ang batang isang taon palang ay anim na taong gulang na.
It's been 5 years yet they're still not here.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasiShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...