Nang pababa na ako, kita ko mula sa second floor na mga akaupo pa din sila sa sala gaya ng pinag iwanan ko kanina ngunit ngayon ay kita ko ang awkwardness ni Ms. Suzy at alam kong hindi siya komportable idagdag mo pa na ang mga kaharap niya ay tila mga tigre na sasakmalin ka anumang oras pero ano ba talaga ang sadya niya dito?
Malalim ang iniisip ko ng maramdaman kong may nakatingin sa akin kaya naman inilibot ko ang paningin ko ng magtama ang mga mata namin ng isang babae.
Mukhang nasa edad ko lang din siya pero ang nakakagulat ay kamukha ko siya, hindi sa ang mukha ko ay mukha din niya pero kahawig ko siya maging ang buhok niya ay gaya din sa akin ang kulay ngunit kung titignang mabuti ay malaki din ang kaibahan ko sa kanya.
Pansin ko din na halos parehas din kaming manamit at parehas seryoso ang mukha namin ngunit hindi naman nakatakas sa akin ang kaunting pagyayabang sa itsura niya.
Maputi ako habang siya ay morena, maliit ang ilong ko ngunit sa kaniya ay malaki at matangos, malalaki at tubig tubig man ang mata ko na para bang nagpapacute, sa kanya ay madilim at malalim ang mga mata niya pero ang nakapagpakunot sa noo ko ay ang berde din niyang mata.
Who is she?
Sino siya at ano ang ginagawa niya dito? Isang katulong? Hindi, lalo na at magaganda ang klase ng damit na suot suot niya at makinis ang balat niya na para bang hindi hiyang sa mga gawain.
Hindi naman siya asawa ni Papa, bata pa siya at lalong hindi siya babae ng mga kapatid ko dahil alam kong walang may kakayahang makapagpaamo sa kanila maliban sa akin na kapatid nila pero sino nga ba talaga siya?
“ Alena. ” Tawag ng kung sino at parehas kaming napalingon sa pinanggalingan ng tawag na iyon at nakita ko ang isang hindi pamilyar na mukha ng isang babae.
Kita ko naman na nakatingin siya sa batang iyon na may malambot na ekpresyon sa mukha niya at para bang mahal na mahal niya ang batang babaeng iyon.
Napatingin naman ako sa batang ‘Alena’ ang pangalan na nakatingin din sa akin. Nakatingin siya sa akin na para banag may hinihintay siyang emosyon na lumabas sa akin.
Npatingin ako sa kabilang banda ng makarinig ng pagsinghap doon at nakita ang babae kanina na nanlalaking nakatingin sa akin at para bang mawawalan siya ng lakas at matutumba ano mang oras.
Ano ba talagang nangyayari?
“ A-anak ko… ” Saad ng babaeng iyon at lumapit sa akin habang umiiyak na siya ngunit ng hahawakan niya ako ay lumayo ako sa kaniya, hindi ko siya kilala kaya nararapat lang naman na hindi ako magpahawak sa kanya di ba?
Lumapit muli siya at akmang hahawakan ako ng hatawin ko ang kamay niya ngunit kasabay noon ang pagtulak sa akin ng kung sino, sa kasamaang palad ay nasa may hagdanan ako.
Nawalan ng balanse ang katawan ko at nahulog sa hagdanan na naglikha ng malakas na ingay.
Sinubukan kong kumapit sa railings ng hagdanan para na din mabawasan ang impact ng pagkakahulog ko ngunit hindi ata sumasang-ayon sa akin ang tadhana at tuluyan akong nagpagulong gulong pababa ng hagdanan.
Nakarinig ako ng madaming pagtawag sa pangalan ko ngunit wala doon ang atensyon ko kundi sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko na ngayon ko lang naranasan matapos kong mapunta sa mundong ito.
Alam kong mararamdamaan ko din ito pero hindi ko akalaing ngayon agad at sa teritoryo pa ng pamilya ko at ang may sala noon ay ang batang kamukha ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero hinayaan ko nalang na tangayin ako ng kung ano at tuluyang naglapat ang mga mata ko saka nawalan ng malay.
Third Person’s POV
Nakita nila kung paano gumulong pababa ang katawan ng pinakmamahal nilang babae, si Ashlesha.
Halos mawalan ng kulay si Yves habang nakatingin sa babaeng anak na walang malay na nakahiga sa kama nito at may mga gasgas ang porselana nitong katawan habang tinitignan ito ng private nilang Doctor.
Habang ang tatlong magkakapatid naman ay nasa iba’t ibang lokasyon sa loob ng kwarto ng kapatid ngunit ang mga mata nila ay nakatitig sa babaeng nasa kama at walang malay.
Wala silang emosyon sa mukha at masyadong kalmado ngunit iyon ang mas masama dahil sa loob loob nila ay paulit ulit na nilang pinapatay ang may sala sa nangyari sa kapatid nila kahit pa kapatid rin nila ito.
Para sa kanila si Ashlesha lang ang kapatid nila, siya lang ang tatanggapin nila at pagsisilbihan at mamahalin ng buong puso, hindi ang batang bigla bigla nalang sumusulpot matapos ang sampung taon.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...