Chapter 55

4K 218 6
                                    

" Bakit ikaw yung nandito at hindi ako? " Saad niya kasabay ng mga luhang nagsituluan mula sa mga malulungkot at berde niyang mata.

" Kasi anduga duga naman eh, kambal tayo at dapat kung anong nararanasan ng isa ay nararanasan din ng isa pero hindi eh. Tapos noong dumating kami sa pamilyang iyo, wala ka. Walang kakambal ko na sumalubong sa amin, nandoon ka sa England nagpapakasaya. Tapos hindi mo pa alam na may kakambal ka, sina Papa at mga kapatid pa nating iba ay alam kong hindi ako tanggap. Hindi nila kami tanggap ni Mama kaya mula noon nagalit na ako sayo, naisip ko na makasarili ka para angkinin kung ano din ang akin. Noong bumalik ka nagkita tayo pero kunot ng noo ang ibinigat mo sa akin, para bang isa akong insekto na bigla na lamang lumitaw tapos niyakap ka ni Mama pero naiinis ako kasi gulong gulo ka kaya tinulak kita. " Saad niya at nagpunas ng mga luha sa mukha niya.

" Hindi ko pinagsisihan yon, dahil para sa akin iyon na ang pambawi ko sayo. Ayos na dapat lahat matapos noon pero nung magising ka pinaiyak mo ulit si Mama at lalong lumamig ang pakikitungo nina Papa sa amin lalo na sa akin. Na para bang hindi nila ako anak at kapatid, na para bang wala lang ako para sa kanila eh kambal nga kita eh. Sabihin mo nga bakit ganon? Tapos lalo ng lumayo yung loob nila kaya galit na galit ako sayo, gusto ko nalalagpasan kita. Kahit noong birthday natin pumili ako ng pinakamaganda sa paningin ko at suportado ni Mama pero hindi pa din pala. Ikaw pa din pala yung naging bida at that time, ikaw pa rin Ashlesha. " Saad niya at tumingin muli sa dagat.

Hindi ko akalain na ganito din pala kabigat ang nararamdaman niya, sa tingin ko hindi mo talaga maiintindihan ang isang tao kung hindi mo aalamin yung saloobin nila.

" When I was 1 year old, I was kidnapped kagaya ni Amione. Both of us was like a prisoner and Franc was a little boy there. Tumakas daw kami at muntikan ng makuha ulit pero dumating si Daddy Vis at niligtas kami. Sa loob ng limang taon, nanatili ako sa puder niya pero hindi gaya ng ibang bata. Masyado akong tahimik at seryoso hanggang sa nakita ako nina Papa at inuwi. Inampon din niya sina Franc at Amione dahil mahihirapan daw akong tanggapin sila. "

" Mula noon pinadala nila ako sa England, hindi para magsaya o kung ano, kundi para itago sa mga kalaban nina Papa. Alam mo naman siguro kung ano ang pinakamain business ng pamilya natin, ang Mafia Organization kaya madaming kalaban na dapat taguan. For 7 years nandoon ako, hindi makalabas at nasa loob lang. Hindi ko din ganoon nakakasama ng matagal sina Papa at sina Kuya. " Saad ko na ikinatingin niya pero sa langit ako nakatingin.

" There's a big difference pag lumaki ka sa pangangalaga ng Mama at Papa mo. Maaaring naghirap kayo pero walang nakabantang panganib sa buhay niyo pero ako laging nasa panganib ang buhay kahit na may magandang buhay. Wag mong ikukumpara ang pinagdaanan mo sa pinagdaanan ko dahil parehas lang tayong nahirapan. Wala akong pake kung galit ka sa akin o kung ano, wala akong balak agawin sayo ni Mama dahil matagal ko nang tanggap sa mga mata ni Mama ay ikaw lang ang anak niya. " Saad ko at tinitigan siya sa mga mata, kita ko dun sang lungkot, pait at sakit.

" Noong isang gabi, umiiyak ka inaalo ka ni Mama at sinabing ikaw lang ang anak niya. Alam mo bang ang dahilan niya kung bakit hindi niya ako makitang anak ay dahil sayo? Bumabawi daw siya dahil naghirap ka sa pangangalaga niya, ang galing nga eh. Imbis na sa akin bumawi ay sayo daw siya bumabawi dahil may Papa at mga Kuya naman daw ako at magandang buhay. " Saad ko at nanlaki ang mga mata niya na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko at pinagpag ang damit bago tumingin sa dagat at sa pakigid namin saka nagsalita.

" Ngayong may buhay ka na din na gaya ko, mas mabuti kung lasapin mo nalang lahat at wag mo na akong idamay sa galit mo dahil hinding hindi ko magiging kasalanan na ako yung ibinigay kay Papa. Hindi ko kasalanan kung naging maayos ang buhay ko at naghirap kayo. Hindi kita sinisisi kaya wag mo din akong sisihin. Mas maganda kung mabuhay tayo ng hindi ginugulo ang isa't isa. "

" Wag kang magpalamon sa galit at inggit mo dahil lalo ka lang din mapapasama. Mabibigyan mo lang din ng problema ang pamilya natin, ang pamilya ko kaya ayus-ayusin mo mga desisyon mo sa buhay bago ka magsisi sa huli dahil sa oras na magdala ka ng malaking problema, pasensyahan tayo pero walang kambal kambal dito. " Saad ko sa kanya at tumitig sa isang direksyon bago hinila bigla patayo si Alena na nagulat naman.

Maya maya pa ay may putok ng baril na narinig sa buong paligid. Kaya pala masyadong tahimik kasabay ng mga ibon, hindi ko din akalain na titira ito bigla.

Mukhang kami ang habol ng lalaking ito, ang lakas naman ng loob nila para gawin ito. Nang mahila ko si Alena ay nagtago kami sa isang puno, kita ko namang madaming lumabas na lalaki at paniguradong kalaban sila.

Mukhang may traydor kaming kasama para makapasok ang mga ito sa striktong seguridad ng Isla.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon