Matapos namin kumain ay dito agad kami dumeretso, sa office niya at nandito kaming lahat. Si Papa, ako, ang mga kapatid ko, Franc, Amione, David at Ligaya na kanina pa pasimpleng binabati ako pero dahil nga wala akong naaalala ay hindi ko sila ganoon pinapansin dahil baka magtaka pa sila.
Kahit na gabi na ay nandito pa din kami dahil may iaannounce daw si Papa kaya naman nandito kaming lahat.
Nakaupo ako sa Carpet habang nilalaro ang mga manikang nandidito dahil dala dala ito nina Ligaya kanina at binigay sa akin, bilang bata ay siguradong hindi dapat ako tumanggi kaya nilaro ko.
Sinamahan naman ako ng mga kapatid ko pero ako ata ang nilalaro nila dahil nakaupo ako sa kandungan ni Aarav habang nakadapa naman si Abram sa Carpet habang nakangiting nanonood sa akin habang si Adlai naman ay hawak hawak ang isang kamay ko kaya naman isang kamay lang ang ginagamit ko sa paglalaro.
Sina Franc at Amione naman ay nasa isang tabi lang habang pakiramdam ko naman na ang ibang taong nasa kwarto ay nakatutok ang mata sa akin na para bang mawawala ako anytime.
Napatingin naman kami kay Papa ng tumikhim siya bago tuluyang nagsalita.
" She's Ashlesha, my one and only daughter. You must respect her like you respect me. Anyways they are Franc and Amione they will also live here. " Maikling saad ni Papa na ikinatango naman ng lahat, napatingin naman sa akin si Papa at binigyan ako ng ngiti at narinig ko ang singhapan sa paligid.
Mukhang nag-ala robot na naman ata ang ama ko.
Matapos ng announcement ni Papa ay pinabalik na niya sila maging ang mga kapatid kong ayaw humiwalay ngunit umalis din matapos akong biglang ng tig tatatlong halik, sa noo, pisngi at ilong.
Medyo awkward iyon pero sigurado namang makakasanayan ko din dahil hindi ko din naman sila masasaway.
Masaya din ako dahil magiging ligtas ng panigurado sina Franc at Amione, sila pa din kaya ang bida ng mundong ito. Naiwan kami ni Papa at dahan dahan niya akong binuhat patungo sa isang kwarto, sa dati kong kwarto.
Walang pinagbago at naaamoy ko pa din ang gatas sa paligid. Parang kahapon lang noong una ko itong makita at namangha pa ako dahil kulay pink ito at naiiba sa theme color ng bahay na itim.
Pumasok kami sa Dressing Room at lahat ng gamit dito ay bago na kasyang kasya sa akin na para bang natural lang na nandito ang mga ito, lahat ng gamit ay malinis at bago, halatang walang gumagamit. Ibig bang sabihin ay hinihintay nila ang pagbabalik ko?
Matapos akong bihisan ni Papa, hindi naman ako nahiya dahil damit at pajama lang naman ang pinalitan saka Papa ko siya, matapos mabihisan ay tinulungan akong mag toothbrush ni Papa este siya pala ang nagto-toothbrush sa akin habang pinapanood ko lang siya sa harap ng salamin.
Himala nga eh at may salamin na sa Cr na dati naman ay wala.
Matapos noon ay pumunta na kami sa kama at ala ng harang sa gilid nito, kaya naman madali at maayos akong naibaba ni Papa bago tumabi sa akin at tinapik tapik ang hita ko habang magkaharap kami.
Papa, even though matagal ka bago dumating, even though napakasungit at malamig mong tao nung naging anak mo ako namiss kita ng sobra sobra.
Mag-ama kami.
Mag-ama. Anak at Ama. Ama at Anak. Magkadugo bilang Ama at anak.
Ang sarap ulit-ulitin ang mga salitang iyon dahil hindi na ako nag-iisa gaya noong nabubuhay pa ako sa tunay kong mundo.
Kahit naman sabihin kong kuntento na ako noon ay hindi ko maipagkakailang nangungulila pa din ako sa kalinga ng mgamagulang ko pero wala eh pero ngayon meron na, tapos saksakan pa ng yaman, kapangyarihan at kagwapuhan idagdag mo pa ang tatlong Kuya ko.
Mag-isa lang ako sa buhay at ito ang unang beses na nakaramdam ako ng init mula sa isang ama.
Isang pagmamahal na hindi makasarili at walang bahid ng kung anong malisya. Isang puro at tunay napagmamahal at kay Papa Yves ko lang iyon naramdaman.
" Why are you crying? " Biglang tanong ni Papa kaya naman napabalik ako sa sarili.
Umiiyak na pala ako.
Hindi ko na siya sinagot at lumapit sa kanya saka ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya.
Ramdam ko naman ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko at tinapik tapik pa ang likod ko. Sa una at huling pagkakataon, hinding hindi ko bibitawan ang init na ito.
Kahit pa anong mangyari.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasiaShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...