Chapter 52

4.4K 268 32
                                    

Matapos ng umagahan ay napagpasyahan namin na mag ikot ikot dito sa Isla. Sama sama kaming lahat dahil hindi pa din naman ito nalilibot nina Papa at mga kapatid ko dahil bagong bili palang daw talaga ito.

Sa kasamaang palad ay kailangan ng umalis nina Daddy Vis at Kuya Vlad kaya kaming mag anak nalang ang naiwan dito dahil may importanteng bagay na kailangang asikasuhin.

Hindi pa nga sana sila aalis pero pinaalis ko na dahil hindi naman pwedeng ako nalang lagi ang mauuna para sa kanila at nagtagumpay naman akong itaboy sila papaalis.

Malawak ang buong isla at mapuno kaya naman kailangan pa din naming mag ingat dahil hindi namin alam kung may mga mababangis bang hayop o kung ano dito.

Medyo malakas din ang hangin at hampas ng alon sa dagat kaya hindi din kami makakapagdagat pa, tamang ikot nalang kami dito.

Matapos ng pag-iikot ay bumalik na kami sa bahay at namahinga, kasalukuyan naman akong nakahiga sa kwarto ko ng makarinig ng katok mula sa labas kaya naman pinapasok ko ito at bumungad sa akin si Mama na may alanganing ngiti sa mukha.

" Pwede ka bang makausap ni Mama? " Tanong niya na ikinatango ko at umayos ng upo sa kama.

Ngumiti naman siya at isinarado ang pintuan saka lumapit sa akin para tumabi sa kama. Nabalot kami ng katahimikan at napatingin nalang ako sa kanya ng haplusin niya ang ulo ko.

Aminin ko man o hindi ay nakadama ako ng init sa puso ko, ngayon ko lang naranasan ang ganito mula sa isang Ina.

Siguro naman kahit kuntento na ako kina Papa ay iba pa din pag galing sa Ina ang init hindi ba?

Lalo na kung siya ang nagluwal sayo sa mundong ito, pagbalik-baliktarin man ang mundo siya pa rin ang Ina ko at hindi iyon magbabago ano man ang mangyari.

" I'm sorry anak. " Saad ni Mama habang lumuluha, habang tahimik at seryoso lang akong nakatingin sa kaniya.

Patuloy lang siya sa paghaplos sa ulo ko at kita ko ang pagsisisi at pangungulila sa mukha niya.

Sa pagkakataon bang ito, totoo na ba?

Totoo na ba na tanggap na niya ako bilang anak niya at hindi na isasantabi pa?

O isa lang din itong palabas para mapatahimik niya ang konsensya siya dahil sa pang aabandona sa akin bilang isa pa niyang anak?

Hindi ko na alam…

" Pagpasensyahan mo na si Mama kung laging nasa kakambal mo ang atensyon ko. Gusto lang sana ni Mama na bumawi sa kanya sa lahat ng paghihirap na naranasan niya sa ilalim ng pangangalaga ko. Akala ko kasi okay lang ikaw dahil nasa mabuting kalagayan ka namin ni Papa at mga kapatid mo pero nakalimutan kong isa ka din palang bata at kailangan mo ng isang Ina. Pasensya na anak. Patawarin mo sana si Mama. " Saad niya habang hinahaplos ang buhok ko at lalo pa siyang umiyak.

Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko o gagawin ko, hindi ko na din alam kung marunong ba siyang mag isip o karapat dapat ba siyang maging isang mabuting Ina.

Bakit hindi siya gaya ng ibang Nanay na pagtutuunan ng pansin ang anak niyang hindi nakapiling kesa sa anak niyang nakasama na niya ng mahabang panahon?

Hindi ko nama sinasaing abandunahin niya ang kakambal ko, ang akin lang kahit kaunti, kahit katiting lang, iparamdam naman niya na anak niya din ako, iparamdam man lang sana niya na may Ina ako.

" Babawi si Mama sayo, babawi ako. Pangako yan anak ko. " Saad niya at niyakap ako ng mahigpit.

Wala akong naging tugon o ginawa na kahit ano, para lang akong isang mannequin doon na pinakikinggan siya kahit andami ng sama ng loob na naipon sa loob loob ko.

Papasaan pa ba kung babawi siya?

Sabihin na nating babawi nga siya pero may magbabago pa ba? May mababago pa ba ang pagbawi niyang iyon?

At bakit ngayon lang siya babawi kung kailan unti unti na akong nawawalan ng pag asa na kilalanin at ituring niya din akong anak niya?

Pero may natitira pa din naman akong pag asa para sa kanya. Umaasa pa din ako kahit maliit na porsyento nalang na kilalanin at ituring niya din akong anak.

" Okay. " Saad ko at niyakap din sa pabalik na ikinalakas ng iyak niya.

Sana sa pagkakataong ito ibigay mo ang hiling ko Mama, tuparin mo ang pangako mo, iparamdam mo sa akin na sa mundong ito meron akong isang Ina.

Sana may isang salita ka Ma, tuparin mo siya.

Matapos ng pangyayari kanina sa kwartonay hindi ko na muli pang nakakausap o nakikita si Mama.

Ayos lang naman sa akin at hindi umaasang babawi siya agad agad, medyo gabi na din at kasalukuyan akong naglalakad palabas para uminom ng gatas.

Naglalakad lang ako ng napadaan ako sa kwarto ni Alena at nakarinig ng pag iyak at isang mahinahong boses.

Dahan dahan akong lumapit doon at nakitang may siwang ng kaunti ang pinto kaya naman mas narinig ko ang usapan sa loob.

" Ma… ako lang dapat! Ako lang ang anak mo! Sabi mo ako lang! " Saad ng umiiyak na si Alena habang nasa bisig ni Mama na kasalukuyang inaalo siya.

" Shhh.. wag ka ng umiyak, ikaw lang ang anak ko. Tahan na. " Saad ni Mama at kita ko ang sobrang lambing na ekspresyon sa mukha niya habang pinapatahan ang umiiyak na si Alena.

Bigla na lamang akong nawalan ng gana para sa gatas kaya naman bumalik nalang ako sa kwarto. Base sa mga narinig ko kanina, siguro mas maganda kung wag nalang akong umasa.

Wag nalang…

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon