Chapter 71

4K 209 9
                                    

I feel lucky.

Sa unang buhay ko ay mag isa lang ako at hindi ko kailan man naranasan ang init ng pagmamahal ng isang pamilya.

Wala din akong kaibigan, kung baga dinaig ko pa ang isang invicible na tao.

Tahimik ang buhay ko at hindi magulo pero napakalungkot naman kahit hindi ko aminin.

Parati kong sinasabi na maganda na tahimik yung buhay ko, na maganda na walang gulong nangyayari sa buhay ko, na kuntento ako pero hindi.

Pilit ko mang ideny, ang lungkot lungkot ng ganon.

Wala akong kahit na sinong malalapitan tueing may mga kwento akong gustong ikwento.

Wala akong magiging kadaldalan o kaya katawanan tuwing may libreng oras ako.

Wala akong iiyakan o kaya walang mag aalaga sa akin kung sakaling dapuan ako ng sakit.

Kasi mag-isa lang naman ako.

Tuwing may mga makikita akong isang pamilya ay hindi ko na sila iniintindi pa pero sa kaloob loban ko ay naiinggit ako.

Para kasing ang unfair dahil yung iba may pamilya tapos ako wala pero ano bang magagawa ko?

Iyon ang nakatadhana sa akin at tanggapin ko man o hindi ay walang mangyayari.

Pero naawa ata ang taas sa akin dahil kinuha nila ang buhay ko at binigyan ng bago.

Noong una alerto ako sa pamilyang ibinigay sa akin pero sa huli, walang hanggan na pag-ibig ang inalay nila sa akin.

Naranasan ko ang pag-ibig mula sa isang pamilya, naranasan kong tumawa, umiyak, dumaldal para sa isang pamilya.

Pero may mga tao talagang sisirain iyon.

Nang magising ako kinabukasan ay hindi na ako nagulat ng makitang nasa tabi ko pa si Papa at pinagmamasdan niya ako.

Hindi ko siya masisisi sa inakto niya dahil bilang isang Ama na nawalay sa anak niya ay may karapatan siya.

Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako bago siya bumangon at nagpaalam na para lumabas.

Hindi man niya sabihin ay halata kong takot siya at ayaw niyang umalis para bantayan ako.

Napailing nalang ako at inayos ang sarili ko, gaya ng nakasanayan ay isinuot ko ang isang puting bistida sa damitan ko na hindi ko kailan man nagamit.

Matapos mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto saka bumaba.

Pagkababa ko ay nadatnan ko sina Papa, ang mga Kuya ko at si Devlin na nakaupo sa Sala at binabalot ng katahimikan ang paligid.

Mukha namang naramdaman nila ang presensya ko at lahat sila ay nagsiangatan ng tingin na siya namang ikinangiti ko.

Ngunit agad din iyong nawala ng makitang seryoso lang silang lahat na ipinagtaka ko.

Anong meron?

Nagpatuloy ako sa pag-baba at umupo sa tabi nila ngunit nananatili pa ding tahimik ang lahat hanggang sa bigla na lamang dumating si David na may hawak na mga envelop.

Lumapit siya kay Papa at inabot yon ngunit hindi siya umalis at gaya ng iba ay may seryoso rin siyang ekpresyon sa mukha.

Kunot noo akong napatingin kay Kuya Adlai na katabi ko ngunit hindi niya ako binigyan ng tingin ganon din ang iba kong Kuya habang nginitian lang ako ni Devlin.

Pinanood ko si Papa na buksan ang envelop at kinuha niya ang laman noon saka binasa ang mga papel.

Habang tumatagal ay lalong sumasama ang itsura niya at mukhang hindi niya gusto ang nababasa niya hanggang sa nawalan na ng emosyon ang mukha niya at tumango.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon