Hawak hawak ang isang bungkos ng mga bulaklak ay pinagmamasdan ko ang kandilang nagsisimula ng matunaw dahil sa sinindihan ko ito.
Tahimik ang buong paligid at sa lugar na ito ay walang magbabalak na mag ingay lalo na kung ayaw mong guluhin ang mga patay.
Ibinaba ko ang mga bulaklak at inilagay iyon ng ayos sa lapida kung saan hindi natatakpan ang pangalan ng nakahimlay.
Arabella Fernandez.
Ang aking Ina.
Ang aking Ina na kinakilala ko sa dugo at laman, ang Ina na hindi ko namulatan sa mundong ito, ang Ina na kailangan ng kakambal ko.
Hindi ang pekeng Ina na iyon.
Isang buwan na ang nakakalipas mula ng mabunyag lahat lahat ng bagay lalo na ang pagpapanggap ng babaeng iyon bilang Ina namin.
Sa totoo lang ay hindi ko akalaing magiging madali ang lahat lahat dahil wala ng habulang nangyari.
Ni hindi nga kami tumayo sa kinauupuan namin noong panahon na iyon at bigla na lamang nahuli ang babaeng iyon pati ang kasabwat nitong si Ligaya.
Dahil noong oras na lumabas siya sa Mansion namin ay tumambad naman sa kaniya ang maraming tauhan namin nanakatutok ang mga baril sa kaniya.
At may isip pa naman siya para hindi kumilos dahil tigok siya kung sakali.
At si Ligaya naman ay tulog noong mga oras na iyon, at kagagawan iyon ng lalaking pinakamamahal niya.
Si David.
Nilagyan lang naman ni David ng pampatulog ang inalok niyang juice kay Ligaya at dahil mahal na mahal ni Ligaya si David ay hindi nito pinairal ang isip at inubos pa ang juice na iyon.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung dapat ba akong maawa sa kaniya dahil one sided love lang siya o hindi.
Ang lahat lahat ng iyon ay planado ng aking Ama at ng lalaking mahal ko, kaya pala nakapag stay siya noon sa bahay.
Ibinunyag ni Devlin ang lahat at pinlano nila ang lahat ng hindi ko alam ngunit hindi naman ako galit kundi ay masaya pa ako dahil hindi ko na kailangang kumilos ang magsayang ng enerhiya para solusyunan ang problema.
Masaya na ako na mahuli lahat ng may sala at pagdusahan nila lahat ng mga ginawa nila which is hindi ko na din trabaho.
Ano pang silbi ng overprotective kong mga Kuya kung ako ang gagawa ng trabahong iyon hindi ba?
Bumagsak lahat ng negosyo ni Annabelle at sa huling pagkakaalala ko ay nagsisisihan sila ni Ligaya kung sino ang may kasalanan.
Sinisisi nila ang pag-ibig ng isa't isa kina Papa at David gayong sila naman ang dapat sisihin.
Hindi nila pinlano ng ayos ang lahat at nagpadalos dalos ngunit kung ako iyon ay paniguradong nagtagumpay ako.
Wag kayong mag-alala buhay pa silang dalawa, buhay pa sina Annabelle at Ligaya ngunit hindi ko lang alam kung natutuwa ba ang dalawang iyon na buhay pa sila.
Lalo na kung nasa kalagitnaan sila ng disyerto at nasa pangangalaga ng mga nakatira doong kakaiba ang ugali.
At pagsinabi kong kakaiba ang ugali, sabihin nalang natin na hindi uso ang salitang manners sa kanila lalo na ang tamang pagtrato sa mga kababaihan.
Bumalik sa ayos ang lahat lalo na ang kakambal ko na ilang araw ding nagkulong sa kwarto niya noong malaman niyang patay na ang aming Ina.
Matapos niyang maover come ang mga nangyari ay nagbago na din siya for good at kahit hindi siya ganoong pinagtutuunan ng pansin nina Papa at Kuya ay wala ng kaso sa kaniya.
Masaya ako para sa kaniya lalo na at nadagdagan ang mga taong handa akong ispoiled to the highest level.
Hindi ko akalaing sweet siyang kapatid ngunit hindi ba at mas maganda iyon kesa namang umakto siya gaya ng dating siya.
Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad papaalis, sa pagkakataong ito ay siguradong magiging ayos na ang lahat maging sa hinaharap.
Nang makarating ako sa sasakyan ay agad din kaming umuwi at habang nasa sasakyan ay naalala ko ang nangyari noong isang araw.
Tanghali na ako gumising dahil gabi na kami nakatulog ni Alena kagabi sa panonood ng mga bagong palabas na movies.
Matapos mag-ayos ng sarili ay agad din akong bumaba upang kumain ngunit sa pagbaba ko ay hindi ko inaakala na iyon ang madadatnan ko.
I just saw Devlin squatting in our living room with books in his head, shoulder and legs.
Ngunit kahit ganoon ang kalagayan niya ay may kakaibang ngiti sa labi niya habana kasama niya doon sina Papa at mga Kuya ko na hindi maipinta ang mukha.
Nang kinahapunan ay tinanong ko siya kung paanong nangyari iyon at doon na niya sinabi sa akin ang nangyari.
Ayon sa kaniya ay sinabi niya na gusto niya akong pakasalanan na siya namang ikinabunot ng mga baril ng mga Kuya ko habang si Papa ay tila aatakihin na sa puso.
Ngunit sinabi niya sa mga ito na maghihintay siya ng ilang taon bago magkaroon ng kami, bago niya ako kuhain na talaga namang mukhang ikinainit ng ulo ng mga Kuya ko.
Umangal daw ang mga ito ngunit sinabi niyang gusto ko siya at iyon na rin daw ang kapalit ng pagtulong niya sa akin, sa amin na naglagay ng hindi maipintang mukha sa mga Kuya at Papa ko.
Pero binigyan siya ng mga ito ng parusa, at iyon ang nadatnan ko.
Matapos noon ay makikita ko nalang si Devlin na may ginagawang mga bagay gaya nalang ng paglilinis ng bahay, paglalaba, miski ang paghahalaman na mukha namang hindi iniinda nitong isa.
Hindi naman ako kinausap nina Papa at mga Kuya ko doon dahil mukhang nahalata naman nila na gusto ko talaga si Devlin.
Maliban nalang siguro kina Kuya Vlad at Daddy Vis na namumula na inis at galit ng malaman ang binabalak ni Devlin sa akin ngunit wala din naman silang nagawa dahil pinakita kong gusto ko si Devlin.
Doon tinanggap ng pamilya ko si Devlin at para malaman niyo ay hindi na niya ginagamit ang pangalan ng kakambal niya dahil siya na si Devlin Moon Silveraz.
At para hindi magkagulo ay pinalabas na namatay si Lighton at dumating si Devlin upang pamunuan ang mga naiwan ni Lighton.
Nang kumalat ang balitang nawala si Lighton at pumalit si Devlin ay maraming sumubok kay Devlin ngunit hindi nila akalain na mas malala pa sa isang demonyo ang sinubukan nilang banggain.
Sa huli ay pinadala sila sa impyerno.
Maayos na ang lahat, tumatakbo na ng ayos ang lahat at siguradong mas maayos pa ang lahat sa hinaharap kaya naman let's look forward for it noh?
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...