Alena's POV
Lumaki ako sa hirap, kasama ang Mama ko. Naghirap kami para may makain sa araw araw, para may maipangtustos sa araw araw.
Lumaki akong mag isa at walang ama, tanging si Mama lang ang kasama. Sobrang paghihirap ang dinanas namin hanggang sa malaman ko nalang na may kakambal ako at maganda ang pamumuhay na meron siya.
Nagalit ako, nainggit ako, bakit hindi patas ang mundo? Bakit kailangan kong maghirap habang siya ay nasa maayos at masaganang buhay?
Tinanggap kami nina Daddy at mga Kuya pero mali ang akala ko, binigyan lang nila kami ng bahay, pagkain at pera pero hindi nila kami tanggap bilang kapamilya.
Sa loob ng tatlong taon na pananatili ko, hindi ko man lang nakita ang kakambal ko at tuwing aalis sina Daddy at babalik lagi nalang bukang bibig nila ang kakambal ko lalo na tuwing nakain sila.
Kita ko ang tuwa at saya nila tuwing nababanggit nila ang kakambal ko. Lalo akong nagalit at nainggit, bakit hindi nila magawang pansinin man lang ako kahit kaunti?
Anak at kapatid din naman nila ako ah, naiinggit ako sobra sobra.
Pero ngayon hindi na….
Mabilis akong tumatakbo pauwi kahit na nababalot na ng luha ang mukha ko.
Natatakot ako but at the same time kinakabahan, nagpaiwan ang kakambal ko doon.
Naiwan siya doon kasama ang masasamang tao, ayaw ko sana siyang iwan pero tama siya. Kung hindi ako aalis at isasama siya ay masusundan kami agad ng masasamang tao na iyon.
Ilang beses na akong nadapa ngunit patuloy pa din ako sa pagtakbo, hindi ko na alam pa ang nangyari basta nadatnan ko nalang ang sarili kong nagtatatakbo papasok sa bahay.
Agad akong umakyat sa ikalawang palapag at walang babalang binuksan ang pintuan ng opisina ni Daddy.
Nadatnan ko sila Kuya at Daddy na nag uusap na tila ba hindi nila ako narinig kaya naman lumapit ako sa kanila at matagumpay na nakuha ang atensyon nila.
Kita ko namang nangunot ang noo nila ng makita akong umiiyak at lalo pa iyong nangunot noong ipatong ko sa mesa ang baril na ibinigay ni Ashlesha.
Mukha namang alam nila kung kanino yon dahil agad silang naalarma at napatayo.
" Where is Lesha?! " Saad ni Daddy habang nagsikilos naman ang mga Kuya ko.
" M-may mga l-lalaki doon sa b-burol. G-gusto nila k-kaming p-patayin! Sabi ni A-ash sabihin ko daw sa i-inyo! " Saad ko kahit na nahihirapan na dahil sa pag iyak.
Agad agad ay wala na sila sa harapan ko at naiwan akong umiiyak na nakalupagi sa sahig.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Ash, please be safe.
Third Person's POV
Ang kaninang tahimik na Isla ay parang sinalakay ng delubyo, madaming mga bagay ang sira at ilan sa mga tauhan ng mga Annatillo ay nakahiga sa sqhig at duguan.
Hindi ito kagagawan ng mga kalaban kundi ang apat na lalaking Annatillo ang may sala dito.
Punong puno ng galit ang puso nila at halos hindi na makapag isip ng tama. Sa isip nila ay isang dalaga lang ang tumatakbo, ang mga ngiti nito ngunit ngaon ay hindi na nila malaman kung nasaan ito.
They lost her, again.
Ilang oras na ang nakakalipas mula nang malaman nila na may mga umatake sa kanila lalo na sa pinakaiingatan nilang Prinsesa.
Sa mga nakalipas na oras ay walang tigil sila sa paghahanap dito ngunit wala silang nakuhang magandang resulta.
Nahalungkat na nila ang buong Isla at hinala nilang nahulog ito sa bangin sa ma burol na hindi nila matanggap ngunit gusto man nilang siyasatin ang dagat ay nahihirapan sila dahil sa malalakas na hampas nito.
Mahihirapan din sila dahil sa lakas ng mga alon ay maaaring naanod na ang hinahanap nila saibang parte.
Kaya wala silang magawa kundi ibunton ang galit nila sa mga galit maging sa mga lalaking nasa sahig at duguan dahil sila ang mga traydor na nasa pangangalaga nila.
Habang nagwawala ang apat na kalalakihan ay nasa isang kwarto naman ang mag ina. Abala si Ara sa pagpapatahan sa anak nitong walang tigil sa pag-iyak at patuloy na sinisisi ang sarili sa pagkawala ng kakambal na ito.
Mabigat naman ang loob ni Alena, naaalala pa niya kung paano siya tawaging 'Ate' ng kakambal niya at ang init ng yakap nito ngunit ngayon ay hindi na niya alam kung saan ito naroroon.
Sinisisi niya ang sarili niya, kung siya ba ang nagpaiwan siguro siya ang nasa kalagayan nito at mas gugustuhin pa niya iyon.
Kinakain siya ng konsensya niya at patuloy na tumatakbo sa isipan niya ang kakambal na ngayon ay hindi pa din makita.
Maging si Ara ay nakakaramdam ng bigat ng loob, anak niya din si Ashlesha at ngayon ay nawawala ito.
Maaaring hindi sila magkalapit gaya ng isang Ina at Anak ay nag-aalala pa rin siya dito at hinihiling na makita na ang anak.
Sa kabilang banda naman ay may palutang lutang na katawan sa gitna ng dagat. Kasing kulay na nito ang puting damit na suot nito at tangay tangay ng mga alon.
Ano na kaya ang kahihihinatnan niya?
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...