Nandito ako sa tapat ng isang malaking gusali sa gitna ng kagubatan at hindi malayo sa syudad. Napakatahimik dito at ang gusali ay napakadumi na tila matagal ng abandonado.
Sa taas ng gusali ay may nakasulat na Crimage Hospital kahit kulang kulang na ang mga letra ngunit ayon sa impormasyon ay Crimage Hospital ito.
Isang kilalang Hospital noong labing limang taon ang nakakaraan, kahit pa man nasa gitna ng gubat ay talagang kilala ito at tanyag sa larangan ng panggagamot ngunit nasunog ito labing dalawang taon ang nakakalipas.
Bakit ako narito?
Dahil narito ang bagay na hindi ko hinanap buong buhay ko ngunit ibinigay sa akin.
Kasa-kasama ko si Devlin at inaalalayan niya ako papasok ngunit gaya ko ay tahimik din siya, mas lalo tuloy umuusbong ang kakaibang emosyon sa puso ko.
Matapos ang mahaba habang paglalakad ay narating namin ang pinakalikurang bahagi nito kung saan may isang malaking patay na puno dahil nadin sa sunog.
Sa paligid nito ay mga tauhan ni Devlin na nakasuot ng mga gloves at ang ilan sa kanila ay maingat na nagbubungkal ng lupa habang ang iba ay may nililinis sa isang tabi.
Pinagmasdan namin ang mga ito hanggang sa natapos na sila at iniwan kaming dalawa ni Devlin.
Sumimoy ang isang malakas at napakalamig na hangin kasabay ang pagbigat ng puso ko habang nakatingin sa mga bagay na nahukay nila mula sa ilalim ng puno.
Habang nakatingin doon ay hindi ko naramdaman ang mga luhang nagsilaglagan mula sa mga mata king tila wala ng buhay.
" I'll leave you for now, Yvonne. " Saad ni Devlin at hinalikan ako sa noo ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin.
Noong nakaraang buhay ko, hindi ko naranasan ang magkaroon ng isang ama, isang ina, isang pamilya kaya naman hindi ko akalain na noong oras na kinuha na ako sa lupa ay binigyan naman ako ng isang Ama at mga kapatid sa ikalawang buhay ko.
Maayos at masaya naman ako, hindi ko hinanap ang presensya ng isang ina pero bigla nalang siyang sumulpot sa buhay ko.
Pinaasa ako ngunit binigo din.
Pero…
Hindi ko akalain na ang Ina na minsan ko ng inasam ay matagal na palang wala sa mundo.
Hindi ko hiniling na magkaroon ng isang Ina at tanggap ko na hindi niya ako makikita bilang anak niya pero sa oras na ito at umiiyak ako.
Umiiyak ako at hinahanap ang yakap ng isang Ina.
Hind ko kailangan ng Ina pero sa oras na ito kailangan ko.
Pero paano ko makakamit kung matagal na palang pinagkait sa akin? Sa amin?
Bilang isang sanggol na dinala ng isang babae sa loob ng tiyan niya for 9 months, bilang isang sanggol na ligtas na naisilang sa mundo, bilang isang anak ng isang Ina…
Iparamdam niyo sa akin ang pagmamahal ni Ara, ang aking Ina.
Ang aking Ina na ibinaon nila sa lupa matapos mawalan ng buhay.
Matapos isilang ang kambal na sina Ashlesha at Alena, si Ara na walang awang ibinaon sa ilalim ng puno sa likod ng isang Hospital.
Ni hindi man lang nila siya binigyan ng maayos na pahingahan.
Hindi ko siya kailangan sa buhay ko pero bilang isang anak na naiwan niya dito sa mundo, heto ako at umiiyak.
Umiiyak na matagal na pala akong walang Ina at hindung hindi na ako magkakaroon pa.
Hindi ko na siya makikita, hindi ko na maririnig ang boses niya, hindi ko na mararamdaman ang init ng mga yakap niya.
Dahil wala na siya, patay na siya.
Labing apat na taon pa ang nakakalipas.
Cause of Death?
Namatay siya dahil sa pagpili niya sa amin kesa sa sarili niya noong araw na manganganak na siya.
Pinili ng isang Ina ang dalawang supling na nasa sinapupunan niya na nagbigay sa kaniya ng labis na paghihirap mula noong piliin niya rin kami kesa sa ipaglaglag niya.
Third Person's POV
" What?! Paano nangyari yon?! "
" Anong hindi mo alam eh ikaw ang namamahala dyan?! "
" Ginagago mo ba ako?! Solve it or else! "
Tahimik ang buong paligid maliban na lanang sa babaeng nasa gitna ng isang kwarto habang kanina pa may kausap sa telepono nitong kanina pa nito pinanggigigilan.
Sa may hamba naman ng ointuan ay taas kilay nananonood ang isang dalaga at natutuwang pinagmamasdan ang unuusok na mukha ng babaeng kanina pa hawak hawak ang telepono.
Halata nitong may problema lali na kung kulang nalang ay umusok ang mukha ng babae dahil sa pamumula sa galit sa kausap nito sa kabilang linya.
Hindi niya alam kung anong pinuputok ng butsi ng babae ngunit alam niyang madadamay siya sa init ng uli nito.
At hindi nga siya nagkamali…
Bigla na lamang inihagis ng babae ang cellphone na hawak nito at buti na lanang ay nakaiwas siya dahil kung hindi ay sa kanya tatama ang cellphone na iyon.
" The hell? " Saad ng dalaga ngunit tinaliman lang siya ng tingin ng babae.
" May mga sumisira ng negosyo ko! Ang organisasyon ko napurnada! " Saad ng babae na ikinailing iling naman ng dalaga.
" May traydor? "
" No! Impossible! Ako ang kumuha sa kanilang lahat at utang nila sa akin ang buhay na meron sila ngayon kaya siguradong walang magtatraydor! May bumabangga sa akin Ligaya! " Saad ng babae.
" Oh? Then? " Saad ni Ligaya habang ponagmamasdan ang nagpupuyos na babae.
" Gumawa ka ng paraan! You have to help me! "
" Bakit ko naman gagawin yon? Sa isang bagay lang tayo nagkasundo kaya wala ka sa lugar para utusan ako. " Saad ni Ligaya na lalong ikinasama ng tingin ng babae.
" Baka nakakalimutan mo ako ang sumuporta sayo! Ang negosyo at ang organisasyon ko ang dahilan kung bakit ka nasa pwesto mo ngayon! " Saad ng babae na ikinayukom ng palad ni Ligaya.
" Tandaan mo, sa oras na bumagsak lahat ng meron ako at nadisgrasya ang pagkatao ko, idadamay kita. " Saad pa ng babae na ikinangisi naman ni Ligaya kahit na nag uumapaw na ang galit nito.
" Wag kang mag-alala Arabella, hindi. Wag kang mag-alala Annabelle hindi ako madaling makalimot. " Saad ni Ligaya at umalis na sa lugar naiyon ng nagngingitngit ang mga ngipin sa inis at galit.
Hindi pa ngayon, kailangan niya pa ang babaeng yon.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasiaShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...