Napatingin naman sila sa akin at gusto kong magtaas ng kilay kung paano nagtago si Alena sa likuran ni Mama na tila ba natatakot siya sa akin.
Tama lang na magtago siya dahil unang una, naiinis na ako sa kanya pangalawa hindi bagay sa kaniyang maging isang mahinhin na maldita at pangatlo, pumasok siya sa kwarto ko ng walang paalam.
Anong karapatan niya na basta basta nalang pumasok doon? Kung sina Papa nga at mga Kuya ko ay nagpapaalam muna sa akin bago pumasok sa kwarto ko tapos siya basta basta papasok.
Mas mabuting palagyan na ng lock ang kwarto ko.
Privacy ko yon!
“ You must not enter my room without my permission. ” Saad ko at tumayo na saka nglakad papalapit sa kanila, kita ko namang nakangisi si Papa, Proud ka ata masyado sa anak mo Pa!
“ Anak ano bang sinasabi mo? Kwarto lang naman yon. ” Saad ni Mama habang nakangiti ngunit inilingan ko lang ito.
“ No, it’s not just a room. That’s my room, that’s my privacy and no one can enter it without my consent. ” Saad ko at tumayo sa harapan nila saka tinignan sa mata ang kakambal ko.
“ Kung pumasok ba ako sa kwarto mo without your consent at halikwatin ang mga gamit mo, hindi ka ba magagalit? ” Tanong ko sa kanya at kita ko ng napahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Mama saka ako sinagot.
“ H-hindi… ” Saad niya na ikinatingin sa akin ni Mama na para bang sinasabi niya na ‘See, ayos lang sa kakambal mo kaya dapat ayos lang din sayo.’
“ Alright, I’ll try it one day, be ready. ” Saad ko at saka lumapit papalapit kay Papa para humalik at magpaalam na lalabas na hanggang sa makarating ako sa pintuan ay tumigil ako at nagsalita ng hindi sila nililingon.
“ You’re an Annatillo and as a Annatillo must know how to respect everyone’s privacy. Better else study etiquette for you to know. ” Saad ko saka lumabas ng opisina ni Papa at nagtungo sa Garden.
Base sa mga araw na nakakasama ko sina Mama at Alena ay masasabi kong hindi ko sila magiging pamilya lalo na kung si Mama ay sa una lang mabait, may paiyak iyak pa pero sa mga mata niya ay si Alena lang ang anak niya habang si
Alena naman ay isang gahaman na bata. Marunong na agad siyang magtanim ng sama ng loob at umarte kung hindi nasusunod ang gusto niya.
Kung ako nga na pitong taon na sa pangangalaga nila ay walang hinihinging kung ano habang siya naman ay all in ang peg, yung tipong kahit meron na siya ay gusto niya pa ng marami.
Masyadong gahaman.
Napailing iling nalang ako pababa papuntang garden ng makita ko si Kuya Aarav na bagong dating lang. Mag isa pa siya at nakasuot pa ng suit na pantrabaho niya.
Nang makita niya ako at nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya saka nagmadaling lumapit sa akin.
Namalayan ko nalang na buhat buhat niya ako habang binigyan ng halik sa noo. Napatingin naman ako sa kanya matapos noon at umakyat muli pataas.
Napunta kami sa kwarto ko at pinagbihis niya ako at sinabihang iintayin nalang sa kwarto nila ng mga kapatid ko.
Naguguluhan man ay sumunod ako at nagtungo sa kwarto nila matapos pumili ng maayos ayos na suot which is isang jumper short na may sinamahan ng white t-shirt at rubber shoes.
Nakarating ako sa tapat ng kwarto nila at kumatok, narinig ko naman ang boses ni Kuya kaya pumasok na ako. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at may hawak hawak na papeles.
“ Where are we going, Kuya? ” Tanong ko at kinandong naman niya ako bago suklayin ang buhok ko gamit ang kamay.
“ We’re going to tour you in our office baby…… ” Saad niya na ikinataka ko ngunit ikinasaya ko din para naman hindi ako masyadong maboring dito sa bahay.
Matapos niyang sabihin iyon ay buhat buhat niya akong dinala sa office ni Papa para makapag paalam.
Walang katok katok na pumasok si Kuya kaya naman gulat na napatingin sa amin sina Mama at Alena na hanggang ngayon ay hindi pa din nakakalabas mula kanina.
Tahimik namang tumingin sa amin si Papa at nang makita ang suot ko ay kunot noo siyang tumingin kay Kuya Aarav.
“ Are you planning to take her? ” Tanong ni Papa na ikinatango ni Kuya Aarav at binigyan ko naman ng maliit na ngiti si Papa upang pumayag siya at kita ko naman na lumambot kahit papaano ang gusot niyang mukha ng magsalita si Mama.
“ Bakit hindi mo rin dalahin si Alena? Para makapagbonding kayong magkakapatid lalo na ang kambal ko? ” Saad niya na ikinatango naman agad ni Alena ngunit ikinatahimik naming tatlo nina Papa at Kuya.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...