Ang alam ko ay nakatulog ako dahil sa mabangong amoy ng Ama ko, nakakahiya mang sabihin ngunit talagang mabango siya kaya naman tinamaan ako ng antok at nakatulog sa balikat niya.
Kaya naman paano ako napunta sa kwartong ito at parang isang endangered specie na pinagmamasdan ng tatlong batang lalaking ito?
Bukod sa mata at magkakaiba din sila ng ugali, si Aarav ay seryoso at tipid magsalita, si Adlai naman ay akala mo ay dala-dala lahat ng galit sa mundo at mainitin ang ulo, lagi pang nakasigaw at ang panghuli ay si Abram, halata namang maingay siya, mukhang madaldal at masayahin ngunit kung silang tatlo ay may isang ekspresyon ay siguradong hindi mo malalaman kung sino sila.
Naramdaman ko nalang na may sumusundot sa mga pisngi ko at nakita kong si Abram yon at ngiting tagumpay naman ang nakapaskil sa labi niya.
“ Are you sure that she’s our sister? ” Masungit na tanong ni Adlai.
“ I heard that she’s our sister based on the DNA. ” Sagot ni Aarav na siya namang ikinatahimik na ni Adlai.
“ She’s so small! Like a kitten! ” Saad ni Abram.
‘Excuse me?! Anong kitten? Hindi naman ako ganon kaliit!’
“ No. She’s a dog. ” Saad naman bigla ni Adlai.
‘Aba! Kung hindi lang ako isang sanggol nabatukan na kitang bata ka!’
“ Stop it you two. ” Saway naman ni Aarav, buti nalang at matino ang batang ito.
“ She’s a rat. ” Dagdag nito na nagpakulo ng dugo ko!
‘Anong rat?! Hindi ako daga!’
Gusto ko silang kalmutin! Sayang at wala akong mahabang kuko, tinaliman ko naman sila ng tingin ngunit parang baliwala lang sa kanila yon at patuloy pa din akong tinignan.
Maya-maya pa ay muling bumukas ang pintuan at pakiramdam ko ay nagningning ang mata ko ng makita si David.
Teka? Sabi ni Aarav, anak daw ako ng Ama ko base sa DNA test, ibig ang sabihin ay dito na ako titira kasama sila?
Pero nasaan yung babae kanina? Pero bakit ko ba siya iniisip eh halata namang gahaman siya at dinaig pa ang isinubsob sa pintura.
“ Young masters, pinapatawag po kayo ng Master. ” Saad nito at bahagya pang yumuko sa tatlo.
So kapatid ko nga sila pero magiging tahimik ba ang buhay ko kasama sila? Sana naman oo.
Lumabas na ang tatlo ngunit hindi nila nakalimutang panggigilan ako.
Miski si Adlai na maldito ay pasimpleng pinisil ang hita ko habang pinisil naman ni Aarav ang leeg ko akala ko nga sasakalin niya ako eh tapos sa pisngi ko naman pumisil si Abram at buti napigilan ng mga kapatid niya dahil kung hindi iiyak na ako dahil sa sobrang pagkakapisil niya sa mukha ko.
Nang makalabas ang tatlo ay saka lumapit sa akin si David at nagulat ako ng makitang may emosyon sa mukha niya at kita ko ang galak at saya sa mga mata niya.
Lumapit siya sa akin at binuhat ako.
“ You’re so cute Young Mistress at hindi na ako nagtaka ng maging ang mga Young Masters ay tinablan ng charm mo. ” Sabi niya at hindi ko alam kung totoo ba o hindi.
“ Sana lumaki kang isang magandang bulaklak Young Mistress even if it is impossible. ” Saad niya na ikinataka ko.
Imposibleng lumaki ako ng simple? Bakit?
Ano bang klaseng pamilya itong napasukan ko?
Anong klaseng mga tao ang nakatira sa Mansion na ito?
“ Let’s clean you now Young Mistress and change your diaper especially that your asleep for almost a day. ” Saad niya at nagsimula nang kumilos at kahit nakakahiya ay nakioperate ako.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...