Chapter 5

6.9K 307 10
                                    

Masarap at komportable ang kinalalagyan ko ng makaramdam ako ng kakaibang kiliti na nanggagaling sa leeg ko kaya naman inangat ko ang kamay ko upang alisin ang kumikiliting iyon sa akin ngunit maya-maya ay mayroon na naman kaya busangot akong nagmulat ng mga mata.

Una kong nakita ang asul na kisame hanggang sa mapunta ang paningin ko sa kamay na humahaplos sa leeg ko at sinundan ko ang pinanggagalingan ng kamay na iyon.

Laking gulat ko ng makita ko ang isang batang lalaki na nasa edad anim na taon na nakatingin sa akin ngunit ang nakapagpamangha sa akin ay ang asul nitong mata.

‘Ang ganda’

Napabalik ako sa sarili ng bumukas ang pintuan at sa lakas ng impact noon ay tumama ito sa pader.

Parehas naman kaming napatingin sa isa pang batang lalaki at laking gulat ko ng parehas sila ng mukha pero napansin kong mas maitim ang shade ng blue nitong mata kaysa sa batang katabi ko.

Akmang magsasalita na ito ng biglang may tumalon na isang bata at sinakyan ang batang lalaking nagbukas ng pinto na siya namang ikinagulat nito.

“ Argh! Let me go! ” Sigaw ng batang lalaki.

“ No! It’s your punishment for leaving me there! ” Saad ng batang lalaki at napakurap kurap nalang ako ng makitang kamukha din ito ng katabi ko pero mas light ang asul nitong mata sa kanilang tatlo.

Pinanood ko lang silang magbangayan at hindi ko maiwasang maghintay pa dahil baka mamaya ay may sumulpot ulit na batang lalaki na kamukha nilang tatlo ngunit malipas ang ilang minuto ay wala na.

Bigla namang tumikhim ang batang katabi ko kaya napatingin kami sa kanya at nakita ko namnag nakatingin siya sa akin at may napansin ako sa kanya.

Kamukha niya ang Ama ko! Hindi kaya ay magkapatid kami?

Parehas din na seryoso ang mukha nila pero walang lamig sa ekspresyon ng batang kaharap ko.

“ Oh? A baby? ” Napalingon naman ako sa batang light ang mata, mukhang ngayon lang nila kami napansin.

“ Who is she, Aarav? ” Tanong ng batang lalaking may dark blue habang matamang nakatingin sa akin.

“ Sister. ” Tipid na sagot ni Aarav daw at kita ko naman ang paglaki ng mata ng batang may light blue na mata.

“ Sister? Babae?! ” Saad nito.

“ Shut up Abram! ” Saad ng batang lalaking may dark blue na mata na akala mo ay may galit sa mundo.

“Bakit ka ba sigaw ng sigaw ha? Adlai?! ” Sigaw pabalik ni Abram daw.

“ Both of you, shut up. ” Saad ni Aarav at bigla namang tumahimik ang dalawa.

Muling tumingin sa akin si Aarav at nakipagtitigan ako sa kanya.

Bakit kaya blue yung mata nila? Eh green naman yung sa Ama nila.

Hindi kaya amerikana yung nanay nila? Pero siguradong napakagandang babae ng nanay nila dahil napakaganda nilang mga batang lalaki idagdag mo pa yung genes ng Ama ko na dumadaloy sa kanila.

Hindi ko napansin na nakalapit na rin pala ang dalawa pang bata sa kinalalagyan namin at pinagmamasdan akong mabuti na para bang isang alien.

Kung ganon ay Triplets sila?

Halata naman dahil magkakamukha silang tatlo kahit saan mang parte ng mukha ay magkakaparehas ngunit tanging shade lang ng mata nila ang naiiba kaya naman madali sa akin para malaman kung sino sila.

Pero teka bakit nga ba ako naririto at kasama ang tatlong batang ito?

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon