Chapter 4

7K 328 54
                                    

Sinabi ng Doctor na aabutin lang daw ng dalawang oras yung process ng DNA test, ganon ba talaga kabilis yon? Eh ang alam ko nga mahigit isang linggo yun eh.

Sobrang yaman ba talaga ng Ama ko kaya mabilis lang yung proseso?

Nagtataka ako dahil sa bilis ng test nang maalala ko ang mukha nung Doctor kanina habang nagpapaliwanag sa gagawing test.

Hindi siya makatayo ng tuwid, laging nakayuko at hindi mo malaman kung sino ba ang kausap niya. Idagdag mo pa ang pagiging utal niya.

Ganon nalang ba talaga ang takot niya sa Ama ko? O talagang dapat katakutan ang lalaking iyon?

Awra palang niya nakakapanginig na agad eh idagdag mo pa yung malalamig niyang tingin saka yung malamig niyang boses na walang bahid na kahit anong emosyon.

Pero ibahin niya ko, wala akong kinakatakutan kaya nga pati ang mga lalaki sa school o sa trabaho ay ilag sakin, lalo na at ilang taon din akong nasa field ng martial arts at mahilig sa mga matutulis na bagay.

Hindi lang naman lalaki ang ilag sakin eh, maging mga babae din saka wala naman silang mapapala sa akin lalo na at ang paborito nilang usapan ay mga damit, make up maging mga lalaking gusto nila.

Nang makaalis ang Doctor ay uamlis din si David para samahan ang Doctor, nagpunta naman sa Cr yung babaeng nagdala sa akin dito. Naiwan kaming dalawa ng Ama ko daw at nanatiling tahimik ang kinalalagyan namin.

Dalawang oras pa bago malaman ang resulta at wag nilang sabihin na mananatiling ganito katahimik ang kwartong to dahil pakiramdam ko nakakabaliw masyado lalo na at wala akong magawa, idagdag mo pang mukhang walang dila ang lalaking kasama ko.

“ What are you doing? ” Biglang tanong ng Ama ko kaya naman napatigil ako sa paglalaro ng host ng oxygen mask.

Tinitigan ko siya at tumitig din naman siya pabalik sa akin hanggang sa muli akong nainip at pinaglaruan ang host ng oxygen mask nang muli ulit siyang nagsalita.

“ Stop it. ”

“ I said stop it. ”

“ Let it go. Don’t touch it. ”

Tuloy lang siya sa pagsasalita ngunit hindi ko siya pinapansin dahil unti nalang kakainin na ako ng boredom.

‘Argh. Wala bang kutsilyo dito?’

Patuloy pa rin ako sa paglalaro ng host ng bigla itong mawala sa pagkakahawak ko kaya naman nangunot ang noo ko at tinignan kung sino ang may sala.

Sumalubong sa akin ang isang berdeng mata, nasabi ko pang berde ang mga mata ng Ama ko?

Kung hindi, oo berde ang mata niya pero dark siya kaya naman bumabagay sa kanya dahil na din sa suplado siya.

Tinignan ko siya na waring nagtatanong kung bakit niya ako ginugulo at kita ko ang pagkunot ng noo niya na para bang may ginawa akong hindi maganda.

“ Don’t touch this. ” Saad niya ngunit hindi ko siya pinansin at sinubukang abutin ang host pero inilalayo niya hanggang sa mapansin kong wala na pala akong suot na oxygen mask kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

“ You’re glaring at me huh, interesting. ” Saad niya at bigla akong binuhat.

Hinawakan niya ako sa kili-kili at siya ang umupo sa kama habang hawak hawak ako. Ikinakaba ko naman na baka mamaya ay bigla niya akong mabitawan kaya naman mahigpit akong humawak sa kwelyo niya ng makakita ako ng pagkakataon.

Titig na titig naman siya sa akin pero hindi ko siya pinansin at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo niya at bigla ko nalang nalanghap ay isang fresh wood na amoy kaya naman dumikit ako sa kanya lalo dahil sa amoy.

Dahil sa amoy, hindi ko namalayan na nakapatong na pala ang ulo ko sa balikat niya at tuluyang nagpahila sa antok.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon