Mag-isa lang ako sa kwarto ngayon at nakatingin sa bintana kung saan kanina pa sumikat ang haring araw.
Kanina pa din ako gising ngunit ramdam kong wala akong lakas upang bumangon ngayon lalo na kung paulit-ulit pumpasok sa isipan ko ang mga nalaman ko kahapon.
Kung hindi pa sinabi at pinaalam ni Devlin kahapon ay mukhang hindi ko iyon malalaman hanggang sa traydurin nalang talaga kami ng harap-harapan.
Kahit pala gaano ka kagaling o katalino talagang darating yung oras kung saan mamalayan mo nalang na naisahan ka pala, na sumablay ka pala.
And that's how I feel right now.
Like a fool.
Gustuhin ko mang ipaalam kina Papa na ligtas ako at buhay ay magiging komplikado ang lahat dahil once na malaman nila na ayos lang ako ay siguradong kahit papaano ay kakalma sila na ikakataka naman nila.
Delikado, kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang hayaan silang mag-alala.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Napatakip nalang ako ng mukha saka napabuntong hininga hanggang sa narinig ko nalang ang mga yapak na papalapit sa kwarto ko.
Pinakinggan ko ito at tama nga ako na papunta ito sa kwarto ko dahil kasabay noon ang pagbukas ng pintuan na hindi ko naman ikinaalarma lalo na at kilala ko naman kung sino ang salarin.
" Do you know that you're trespassing? " Tanong ko saka tinignan ang lalaking nakasuot ng simpleng khaki shot at gray shirt na bagay na bagay sa kaniya.
" Are you going to sue me? " Saad niya habang may mapaglarong ngiti sa mga labi niya na ikinapikit pikit ko nalang.
Napakagwapo talaga.
" No but I'll sue you for being an pedophile. " Saad ko at pinagkrus ang nga braso sa dibdib ko.
Kita ko naman kung paano bumaba ang tingin niya sa mga iyon na ikinapula ko at agad siyang binato ng unan ko ngunit nasalo din naman niya.
" Yeah? But I'll sue you for being seductive. " Saad niya at nginisian ako na lalo ko lamang ikinapula at dahil wala akong panalo ay dali dali nalang akong nagpunta sa C.r at inilock iyon.
Nakita ko naman agad ang sarili ko sa malaking salamin, gulo gulo ang buhok, nakasuot ng nighties, nakaawang ang mapupulang labi at may mamasa-masang mata.
Seductive nga.
Napailing iling nalang ako sa iniisip ko saka nagsimulang mag-ayos ng sarili at habang ginagawa iyon ay napapansin kong dumadaldal na ako pag siya ang kasama kahit na apat na araw palang kaming magkakilala.
Pero nagreklamo ba ako na label nalang ang kulang sa amin after 4 days naming magkakilala?
Sabi ko nga shut up nalang ako.
Matapos mag-ayos ay lumabas na ako at hindi na nakita si Devlin doon, marahil ay bumaba na ang gwapo.
Nagbihis ako ng puting bistida at naalala ang sagot ni Devlin kahapon sa tanong ko kung bakit puro puti ang bistida na meron ako sa damitan.
" Don't you know you're an angel? And you're my light so wear white. "
Medyo demanding pero I don't have any problem with it naman and somehow I find it cute.
It's my pleasure to wear white especially on our wedding.
Napahagikhik nalang ako saka tuluyang lumabas ng kwarto, pagkababa ko naman ay nakita kong may mga lalaking sunod sunod na pumapasok sa isang pintuan.
Napataas naman ang kilay ko at agad na sinundan ang mga ito at siniguradong hindi nila ako pansin.
Dumaan kami sa likod ng Mansion na ngayon ko lang nakita at may pinasukang isang pintuan, pagkapasok doon ay dilim ang unang sumalubong sa akin.
Pinakiramdaman ko ang paligid at nagdere-deretso ang lakad hanggang sa may maaninawan ako at napangisi nalang ng makita kung ano iyon.
Mga kulungan, mga rehas at sa loob noon ay may mgataong nakakadena idagdag mo pa na duguan ito at wari ay matagal ng walang kain.
Pinagmasdan ko ang mga ito habang naglalakad pa din, pagdating ko sa dulo ay may nakita akong pintuan kung saan may nakasulat na Warden.
Pumasok ako doon at hindi ko akalain na nagmahal pala ako ng isang psychopath.
Kahit saan ako tumingin ay maraming dugo, maraming mga ngipin lalo na ang mga mata at daliri ng tao.
Kita ko din ang ilang mga parte ng katawan ng tao na nakahiwalay sa katawan nito.
Sa gitna ng lahat ay naroroon ang dalawang duguang tigre na abala sa pagkain ng katawan ng tao at si Devlin na malawak ang ngiting pinapanood ang dalawang tigre at may hawak pa siyang binti ng tao.
Maya maya pa ay nakita ko nalang na nagtama ang mga mata namin ni Devlin at kita ko ang malaking gulat sa mga matang iyon.
Dali dali niyang itinapon ang binti na hawak niya at pinunasan ang duguan niyang kamay gamit ang damit na suot suot niya ngunit kita ko ang inis niya ng hindi iyon naging malinis.
Habang abala siya doon ay nagsimula na akong maglakad papalapit sa kaniya na ikinatngin naman ng dalawang tigre na hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin.
Napatigil ako sa paglapit ng makitang alertong nakatingin sa akin ang mga ito at tila susugod anumang oras sa akin.
Sinamaan ko ito ng tingin at napangiti ng matamis ng makitang umatras ang mga ito at nagpatuloy lamang sa pagkain saka ako tuluyang nakalapit kay Devlin na gulat muling napatingin sa akin.
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang talsik ng dugo sa pisngi niya saka iyon tinapik tapik saka malambing na nagsalita habang nakatingin sa mga mata niya.
" You don't have to worry, I love the way you are. " Saad ko sa kaniya na ikinanigas niya ngunit maya maya ay hinawakan din ng mahigpit ang kamay ko.
" You said you love me. " Saad niya at kita ko ang pagningning ng mga mata niya na para bang isang bata na binigyan ng maganda at hinahangad nitong laruan.
" Yeah. " Saad ko na lamang at niyakap siya ng mahigpit saka nagsalita.
" Show me Devlin. Show me the real you, show me who you are. Let me meet him, the monster inside of you. " Saad ko sa kanya saka inihilig ang ulo sa dibdib niya at narinig ko naman ang malalakas at mabibilis na tibok ng puso niya.
Maya maya pa ay niyakap niya ang mahigpit at binuhat pa ng kaunti na ikinagulat ko saka inikot na ikinakapit ko pa sa kaniya ng mahigpit.
" You'll meet him especially in our wedding night. " Pilyo niyang saad na ikinamula ko ngunit inirapan pa din siya saka kumawala sa kanya at umalis.
Bago naman ako makalayo ay narinig ko pa ang malalangit niyang tawa na ikinangiti ko din.
What a love.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasíaShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...