Bigla nalang napaatras si Alena ng magsalita ng sabay sabay ang mga Kuya ko maging si Kuya Vlad at makikita mong pinalilibutan silang apat na maitim na awra.
Kita ko namang natakot ng husto si Alena hanggang sa yumakap siya kay Mama ng lumapit ito sa amin suot suot ang simple ngunit maganda nitong ngiti pero iba naman ang sinasabi ng mga mata nito.
Lumapit ito sa amin habang nakayakap din siya kay Alena na nakayap sa mga bewang niya at nakatingin sa baba.
Nang tuluyan na itong huminto sa mismong tapat namin ay kita ko ang bahagyang paglayo ni Daddy Vis lalo na at siya ang malapit kay Mama.
“ Hello, I’m Lesha and Alena’s mother. ” Saad ni Mama at inabot ang kamay kay Daddy Vis na alangan naman nitong hinawakan at mabilis din na binitawan matapos.
“ Yeah ” Saad ni Daddy Vis at hindi na hinayaan na makapagsalita pa si Mama dahil humarap na ito sa akin at hinawakan ang balikat ko at tinitigan akong mabuti.
Matgal iyon hanggang sa simpleng umubo si Mama na ikinatingin ulit namin.
Nakita naman namin siyang hawak hawak sa balikat si Alena na tila ipinapakilala habang may malaking ngiti sa labi ngunit bigla iyong naging malungkot ng magsalita muli siya.
“ This is Alena, Lesha’s lost twin. Naghirap kami sa loob ng sampung taon at buti nalang ngayon at tuluyan na kaming nagsama-sama. ” Saad ni Mama at kita kong patulo na ang luha niya na ikinatango tango lang si Daddy Vis saka walang ganang nagsalita.
“ Yeah, congrats. ” Simpleng saad ni Daddy Vis na ikinatingin naman sa kaniya ni Mama na tila ba hindi niya inaasahan na iyon ang magiging reaksyon ni Daddy Vis at alanganin niyang inayos ang sarili saka nagpaalam kasa-kasama si Alena na nagmamadali ding umalis.
“ Your child’s mother huh. ” Saad ni Daddy Vis kay Papa na ikinasama naman ng tingin nito lalo na at may iba pang ipinapahiwatig ang mga salita at tingin ni Daddy Vis na miski ako ay nakuha ang kahulugan.
“ I will never marry her. ” Saad ni Papa at masaya at kuntento namang ikinatango tango ni Daddy Vis na tila may nakuha siyang napakagandang sagot.
“ Good cause I’m gonna kill you. ” Saad ni Daddy Vis kay Papa habang may ngisi siya sa kaniyang labi.
Sa totoo lang, kung hindi ko sila kilala iisipin kong may gusto si Daddy Vis kay Papa dahil para siyang nagseselos na kung ano lalo na kung usapang kasal ni Papa ang usapan.
Pero alam ko naman ang concern ni Daddy Vis at hindi na ako magugulat kung alam niya ang pakikitungo ni Mama sa akin.
Once na nagpakasal sila ni Papa, literal na magkakaroon ng authority si Mama sa lahat ng bagay, at hindi naman sa sinasabi naming aabusuhin niya iyon.
Pero once na makasal sila at may authority na si Mama, batay sa pakikitungo niya between me and my twin halata namang aabusuhin iyong ng kakambal ko at maaaring gumawa ng malaking gulo.
At kung usapang kasal ni Papa ang usapan, gusto ko namang ikasal siya doon sa taong mamahalin siya ng totoo para magkasama sila hanggang sa huli nilang mga hininga.
Pero syempre medyo selfish din ako dahil may part sa akin na ayaw siyang mag-asawa at magkaroon ng anak sa babaeng iyon dahil gusto ko akin lang ang atensyon niya pero mahalaga pa ba yon?
Basta masaya si Papa ay ayos na sa akin. Nagkausap usap kami nina Daddy Vis at nagkakwentuhan, ayon sa kanya ay noong makuha ako nina Papa at ginawa niya lahat ng paraan para macontact ako pero masyado daw protective si Papa at ayaw akong ipakita sa kaniya hanggang sa nakabuo sila ng usapan.
Nag deal sila na sa edad kong labing apat ay hahayaan na ni Papa silang kausapin at lapitan ako kapalit ng negosasyon nila at pagtutulungan ng organization nila.
Sa totoo lang natutuwa ako kay Papa dahil marunong din pala siyang tumanaw ng magandang loob dahil hindi naman kailangan ni Papa ng dagdag na pwersa gaya ng organisasyon nina Daddy Vis ngunit iyon hinayaan niya nalang at nakabuo sila ng magandang pagsasamahan.
Natapos ang gabi ng pagdiriwang at nagsi uwian na ang mga bisita habang kami naman ay naiwan maging sina Daddy Vis ay naiwan din at ayon sa kaniya sinuhulan daw niya ng lupa si Papa para pumayag at gumawa naman daw ito kaya nandito sila ngayon.
Dahil may sarili naman kaming bahay dito, ay dito muna kami mananatili sa loob ng tatlong araw bilang bakasyon na din at kahit naman tahimik ako ay mukhang naramdaman nila na gusto kong libutin ang buong paligid.
Binigyan kami ng sari sariling kwarto ng pahingahan at mabilis din akong nakatulog sa ilalim ng bilog na buwang nakasilip sa langit dahil na din sa pagod sa lahat ng nangyari sa araw na ito.
Kinabukasan ay maaga kaming mga nagising at kumain ng umagahan na ang kinalabasan naman ay medyo awkward lalo na at imik ng imik si Mama.
Ang target niya ay si Daddy Vis at kinukwento niya yung mga napagdaanan nila ni Alena noong naghihirap palang sila, kwento siya ng kwento lalo na noong lagi daw inaaway si Alena ng mga bata na ikinakasakit daw ng puso niya pero naputol iyon ng magsalita si Daddy Vis.
" Did you ever know that Lesha was kidnap when she's just a 1 year old? " Tanong ni Daddy Vis na ikinatahimik at ikinagulat ni Mama na hindi ko na ipinagtaka pa.
Ano bang alam niya sa akin?
Ano bang alam niya sa mga pinagdaanan ko para ipamukha niyang hindi ako naghirap dahil nasa puder ako nina Papa?
Hindi naman porket kasama ko sila ay nasa ligtas na lugar na ako lalo na at madami silang mga kalaban na umaaligid ligid lang at humahanap ng tyempo para manuklaw.
At dahil nga dumating sila, idagdag mo pa ang ugali nila na hindi marunong kumilatis ng tao darating ang panahon kung saan mamomroblema kami sa kanila.
She never knew anything, they will never know it.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
Viễn tưởngShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...