Naramdaman ko nalang ang sakit ng katawan ko at maging ang liwanag na tumatama sa mukha ko.
Gusto kong takpan ang mukha ko dahil sa liwanag pero hindi ko maigalaw ng ayos ang katawan ko.
Hindi malinaw sa akin ang lahat ngunit ang alam ko lang ay nahulog ako sa hagdanan at hindi ko makakalimutan ang sakit na naramdaman ko sa mga oras na iyon.
Nasaan sina Papa? Ang mga kapatid ko? Ano na bang nangyayari dahil talagang nagguguluhan na ako. Unti-unti ay nararamdaman kong bumabalik ang wisyo ko at naramdaman ko na ang paligid ko.
Ramdam kong hindi ako nag-iisa sa lugar na kinalalagyan ko at may kasama ako hanggang sa naririnig ko na din ang pinag uusapan nila at maging ang malamig na atmospera ng lugar na ito.
“ I knew it, they're just gonna cause a problem. ” Kuya Adlai? Sinong they?
“ It would be better if we just send them afar. ” Saad naman ni Kuya Aarav, sino bang sinasabi nila?
“ Far far away from Lesha. ” Saad naman ni Kuya Abram ngunit nakarinig ako ng pagbuntong hininga sa aking tabi.
“ I can’t… Lesha might need them, she’ll need her. ” Saad ni Papa, who?
Sino bang pinag-uusapan nila? Sinong kakailanganin ko kung meron na akong gaya nila? Masaya naman kami at kumpleto pero may kulang pa ba? At sino sila para maging kaayawan sila ng mga kapatid ko ng sobra sobra?
Sa sobrang pagtataka ko ay ginawa ko na ang lahat upang maimulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang pamilyar na kisame at ito ay ang kisame ng kwarto ko.
Sa pagmulat ng mata ko ay nakuha ko na ang atensyon nila na ikinagulat nila ngunit maya-maya lang ay madaming mga Doctor na pumasok at kung ano ano ang pinaggagagawa nila sa akin hanggang sa matapos na sila.
Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko at ang masasakit na parte dito. Maging ang ulo ko ay sumasakit.
Maya maya pa ay nilapitan ako nina Papa at ng mga kapatid ko saka dahan dahang hinawakan ang kamay ko.
Tinitigan nila ako ng may buong pagmamahal at pag-aalala sa mga mata nila at hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil doon.
Nang makita naman nilang nakangiti ako at kita ko din ang pag-usbong ng ngiti sa mga labi nila at halatang halata na pagod sila at wala pang pahinga, kung ganon ay binantayan ba nila ako?
Gaano katagal ba akong tulog para magmukha silang tumanda ng ilang taon? Ngunit ang unfair naman ata dahil ang gwapo gwapo pa din nila.
“ How are you feeling, my daughter? ” Tanong ni Papa ngunit sa sobrang panghihina ko ay tinanguan ko nalang siya dahil wala pa akong lakas upang magsalita.
“ Don’t worry we’ll take care of you until the rest of your life. ” Saad ni Kuya Abram.
Until the rest of my life? I’m scared that they need to bear with me forever.
“ Rest well, we’ll just be here, on your side. ” Saad ni Kuya Aarav na muli kong ikinangiti saka hinayaang tangayin ng antok ang sarili ko at tuluyang dumilim ang lahat.
Third Person’s POV
Nakahinga na ng malalim ang ama at kapatid ni Ashlesha maging ang mga taong naging malapit sa kanya dahil matapos ng isang linggo ay tuluyan na nitong iminulat ang mga mata niya ngunit hindi ibig sabihin noon ay tapos na ang lahat lahat.
Maaaring maulit pa ang ganitong bagay kaya naman kailangan nila itong solusyunan upang maging maayos na muli ang lahat.
Tatlong taon na ang nakakalipas ng biglang may dumating na babae sa tapat ng Mansion ng Annatillo na may kasa-kasamang isang batangbabae.
Hindi nila alam kung paano sila nito natunton o anumang kailangan nito ngunit nang makita nila ang mukha ng batang kasa-kasama nito ay nagdulot ito ng gulo.
Isang pamilyar na mukha ngunit hindi pamilyar na pagkatao ang bumungad sa mga Annatillo sa panahon na iyon.
“ Ako ito Yves. ” Saad ng babae at hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Yves ng makita ang babaeng iyon, ang babaeng nagbigay sa kanya ng isang napakalaking regalo na pinaka iingatan at pinakamamahal niya ngayon maging ng mga anak niya.
“ Ara ” Malamig na saad ni Yves ngunit hindi ito kinatakutan ng babaeng nasa harapan niya bagkus mahigpit nitong hinawakan ang batang kasa-kasama niya.
“ Oo, at ito si Maria, ang kakambal ng anak nating nasa pangangalaga mo. Ang anak natin. ” Saad ng babae na ikinagulat ng lahat maliban nalang sa apat na miyembro ng Annatillo.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...