Mataas na ang sikat ng araw ngunit nakahilata pa din ako sa kama dito sa bagong kwarto na kinalalagyan ko.
Mas malaki at mas maaliwalas ang bagong kwarto na tinutuluyan ko, kahapon lang din ako pinalipat ni Light dito at nalaman ko din na sa katapat lamang ang kwarto niya.
Sa totoo lang ay interesado ako sa taong iyon, bukod sa biniyayaan ng kagandahang itsura at may kakaibang awra ay pakiramdam ko ang tulad niya ay para lang din sa akin.
Hindi sa nag-aassume ako o kung ano pero kita ko ang emosyon na iyon na dumaan sa mata niya, emosyon na tila pagsamba.
Idagdag mo pa na kakaiba ang reaksyon ng mga tauhan nito noong bumaba ako kahapon.
Gusto ko siyang maging akin pero ang labas naman ay masyado akong nagmamadali, mas maganda kung alamin ko muna ang mga bagay na kailangan kong malaman.
I also needed to contact my family.
Nag ayos na ako ng sarili ay isinuot ang isang puting bistida.
Puro puting bistida lang din naman ang nasa cabinet ko at sa totoo lang mesyo nagsasawa na din ako sa puti, may prefer ko ang itim kung maitatanong niyo.
Bumaba na ako at gaya ng inaasahan ko walang taong nakakalat sa paligid, sigurado akong isang kilalang tao si Light at maaaring parehas sila ni Papa at mga Kuya na may Organization na inaatupag.
Nagpatuloy lang ako sa pagbaba hanggang sa napadpad ako sa isang kwarto sa ibaba, walang pag-aalinlangan naman akong pumasok doon at dilim ang unang sumalubong sa akin.
Pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa may nakapa ako sa ding ding na switch at lumiwanag ang lahat ng pindutin ko ito.
Unti unti ay inilibot ko ang paningin ko at isa isang pinagmasdan ang mga litrato sa loob ng buong kwarto.
Madaming iba't ibang hugis at kung paano ito naka display, ang iba ay nasa ding ding, ang iba ay mga nakalagay sa frame, may mga nakasabit din at kung ano ano pa.
Isa isa ko itong pinagmasdan at karamihan sa kanila ay larawan ng isang pamilya, isang mag-asawa at isang batang lalaki na sa tingin ko ay si Light pero may mali.
Nagpatuloy ako sa pagtingin tingin hanggang sa marating ko ang pinakadulo saka muling pinagmasdan ang sampung unang litrato na nadaanan ko bago ang pinakadulo na litrato.
Napatagilid ang ulo ko saka napaisip hanggang sa napalingon ako sa pintuan kasabay ang pagbukas nito. Sumalubong sa akin ang itim na mata na talaga namang nakapagpakabog ng kalmado kong puso.
Nagtitigan pa kami ng ilang segundo hanggang sa nauna akong nagbawi ng tingin at iwinagayway ang litratong hawak ko, ang pinakanaiiba sa lahat.
Kita ko naman ang pagdaan ng isang emosyon sa mga mata niya bago buksan ng malaki ang pintuan at inanyayahan akong lumabas.
Napataas naman ang kilay ko sa naging proseso ng lahat, hindi ko aakalain na hahayaan niya akong pasukin ng basta basta ang nakaraan at buhay niya.
Ngayon ay nakaupo na kami sa sofa at nasa opisina niya kami ngayon.
" You don't have to force yourself you know. " Saad ko sa kaniya ngunit umiling lang siya saka ako binigyan ng maliit na ngiti.
Bigla na lamang lumiwanag ang paligid at nabingi na ata ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Pero…
That smile was too fake.
" Family Silveraz was a big family, they're a family who has power and connection everywhere. They're one of those families who hold a strong and powerful organization. Sunshine Silveraz and her husband Clarence Silveraz have one child, Lighton Xander Silveraz. " Saad niya na nakapagpataas lalo ng kilay ko.
But he's not that 'Lighton Xander Silveraz'.
" Who are you then? " Tanong ko sa kanya.
" Devlin Moon Silveraz. " Saad niya at tila may anghel na dumaan dahil sa katahimikan hanggang sa magsalita ako.
" You're his twin. " Saad ko at pinagmasdan ang litratong dala dala ko mula sa kwartong pinanggalingan ko.
Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagtango niya na ikinatingin ko din naman sa kanya.
Kanina sa kwartong pinaggalingan ko ay napansin kong nagbago ang tatlong tao sa larawan sa sampung litrato.
Wala na ang ngiti sa mga mata at labi ng mag-asawang Silveraz at wala na din ang kislap ng pagiging malayang bata ni Lighton, marahil ay wala na si Lighton at ipinalit nila sa pwesto nito si Devlin.
He's Devlin Moon but known as Lighton Xander.
" When we were born, our oarents didn't expect twins and it is against in their family because having a twins means that one of them must die for the other one to take over that family. I was the second child. " Saad niya at hindi ko mabasa ang emosyon na meron siya.
" I wasn't favor and for my safety my parents hide me well. I thought they already forgot me but then when I was 9 years old something happen. " Pagpapatuloy niya.
" Your twin got in an accident and lose his life that's why you became Lighton. Right? " Saad ko na nakapagpaseryoso sa akin at ikinatango niya naman ito habang may maliit na ngiti sa labi.
" You're smart. " Saad niya.
" Why didn't you escaped? You're forced. " Saad ko na ikinailing niya.
" I don't have any reason to run. " Saad niya habang iiling iling at may maliit pa ding ngiti na nakapaskil sa labi niya na siya ding ikinailing ko ngunit hindi na ako nagsalita pa.
He has the right to run, living in someone's place is not a good thing. He's forced to do it. He's not Lighton, he is Devlin. They'are unfair, very unfair.
Napatingin naman ako sa kanya at nakitang nakatingin din siya sa akin na tila kinakalkula ang magiging reaksyon ko. I just look at him then sigh…
" Yeah, yeah Devlin. " Saad ko at kita ko ang pagkurba ng mas malaking ngiti sa labi niya.
Sa oras na ito tila may anghel na talaga sa harapan ko, isang anghel na nakatago sa katauhan ng iba kahit na ang tunay na ngalan ay medyo kakaiba.
I can be his angel from hell, I can be also his light from the darkness.
I can be his, so he will become mine.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...