Chapter 25

5.8K 294 16
                                    

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto at nanonood sa tv at dahil mag isa ako ay nanonood ako ng mga action movie lalo na kung ang bida ay si Jackie Chan, gusto kong gayahin yung mga galawan niya na para bang isang martial artist. Tatlong araw na ang nakalipas ng makabalik ako dito kasama sina Franc at Amione.

Nakita ko naman ang pagbabago sa loob ng tatlong araw na iyon, kung dadamdamin mong mabuti mas naging buhay ang awra ng paligid at nakita ko na din na may mga katulong na sa paligid lalo na ang mga tauhan ni Papa, weird man pero okay lang sa akin basta wag lang nila akong kausapin ng kausapin at wala pa namang nangyayaring ganon.

Abala ako sa panonood ng makita kong may mga anino sa pintuan kaya naman agad kong inilipat ang Tv sa isang channel kung saan mga isda ang feature.

Nagbukas ang pintuan at pumasok ang tatlong tao na may isang mukha. Nandito ulit sila, ang mga kapatid ko.

Mga mukhang galing lang sa red room na iyon, nakita ko iyon nung isang araw at ang sabi ni Papa kailangan daw nila laging magpunta doon dahil kailangan daw nila mag-aral.

Pero hula ko, training room nila iyon at may something pa sa loob noon dahil kahapon lumabas silang amoy dugo kahit wala silang sugat o ano kaya naman sabi nila ay maliligo muna sila bago sila magpunta sa akin. At ngayong nandito na sila fresh na fresh.

Sari-sariling lapit naman sa akin ang tatlo na may magkakaibang emosyon na nakapaskil sa mukha. Si Aarav ay seryoso pa din, si Adlai ay nakangisi habang nakangiti naman si Abram.

Lumapit sila sa akin at hinalikan ako sa noo na hindi ko pa masyadong nakakakumportable pero siguro masasanay din ako.

Matapos noon ay tinignan nila ang pinapanood ko saka nagsalita.

“ You like fish? ” Tanong ni Adlai na tinanguan ko nalang.

Hindi pa din ako palasalita lalo na at nagpapanggap akong hindi ko sila kilala at dahil ayokong magsalita ng magsalita.

Kinalong naman ako ni Aarav habang nasa gilid namin si Abram na ginagalaw ang buhok ko habang si Adlai naman ay mag kinakalikot sa cellphone niya hanggang sa iharap niya sa akin iyon o mas sabihin na nating iharap iyon sa dalawang lalaki.

Pagkatingin ko ay picture iyon ng isda at masasabi kong magandang klase siya ng mga isda saka nagsalita si Adlai.

“ We should buy her an aquarium and buy this fish. ” Saad niya na ikinagulat ko pero alam ko naman na hindi sa-sang ayon ang dalawa, baka masyado akong maging spoiled nito.

“ Yeah let me order David. ” Saad ni Abram at lumabas ng kwarto at naiwan akong nakanganga.

Napatingin naman ako kay Aarav ng halikan niya ang ulo ko.

“ You like fish? ” Tanong niya at wala akong nagawa kundi ang tumango.

Magiging spoiled ata ako ah.

Matapos noon ay bumalik na si Adlai at kinuha niya ang libro sa bookshelf at tungkol iyon sa mga isda.

Nagsimula siyang magsalita ng magsalita at nakinig nalang ako dahil masarap din naman pakinggan ang boses nila. Nasabi ko na ba sa inyo na malaki na ang pinagbago nila?

Mga 11 years old na sila pero matatangkad na at lumalalim na din ang boses nila, nagma mature na din ang mukha nila pero may mga baby fats pa din naman.

Masaya ako kahit papaano dahil alam ko naman na iba ang pinapakita nila sa akin sa pinapakita nila sa ibang tao.

Masaya ako na kahit limang taon na ang nakakalipas, pakiramdam ko mas naging maayos ang pagsasama naming magkakapatid and I think magiging maganda ang pagsasama namin.

Sino bang mag-aakala na mas maganda pa sa gorgeous ang magiging pagsasama namin in the future?

Lumipas ang maghapon at hindi sila umalis sa kwarto ko, wala din kasi si Papa kaya naman kami-kami lang ang nandito sa Mansion pero bago umalis si Papa kanina ay ang dami niyang ipinagbilin at mas dumami ang nagbabantay sa Mansion.

Kinabukasan may mga sasakyan na dumating sa Mansion at nagulat nalang ako na nagkaroon ng isang aquarium sa kwarto ko at mukhang hinuli na ata nila lahat ng isda pero hanga ako dahil napakaganda ng mga ito lalo na ang lionfish.

Ang cute nilang tignan lalo na pag pinapakain, nagkukumpulan sila sa iisang lugar.

Cute.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon