Third Person's POV
Mula sa taas sa kalangitan ay makikita mo ang isang maliwanag na Isla sa Norte at makikita mo din na madaming nga sasakyang pandagat ang nasa daungan ng Isla.
Mula naman sa ibaba, mahigpit at maayos na ginawa ng mga top guard ang trabaho nila upang siguraduhing wala sa mga bisita ang may dala ng mga baril o ano pa man.
Maayos nila silang kinakapkapan at pinadadaan sa isang Scanning at Metal Detector para sa mas maigi at maayos ang pagkakapkap nila.
Mataas din ang seguridad sa buong Isla at makikita mo na sa di kalayuan ay may mga barko na nakabantay.
Maraming mga bisita ang naimbita at karamihan ay may mga matataaas din na posisyon sa mundong meron sila.
Lahat ay nagdala ng mga magagara at mamahaling mga regalo, ang iba pa ay nagdala ng mga batang nasa edad laning lima o mas bata pa at alam naman ng lahat ng dahilan nito.
Ang mapalapit sa Prinsesa ng Annatillo.
Sa kasamaan nga lang, karamihan sa kanila ay bulas ay di marunong magkalkula na dahilan ng ikakabagsak nila sa hinaharap.
Matapos ng masugid na pagkakapkap ay bumungad sa kanila ang isang malaking pintuan at bigla nalang itong bumukas ng kanya.
Mula sa loob ay malalaman mo na agad na talaga namang pinaghandaan itong mabuti lalo na kung ang mga simpleng dekorasyon sa paligid ay libo na agad ang halaga.
Saan ka man tumingin ay makikita mo kung gaano kalaki ang nagasyos para sa araw na ito at ang iba pa sa kanila y nakaramdam ng inis dahil aminin man nila o hindi, mahihirapan silang makuha ang halaga ng pera na nagastos para lamang sa gabing ito.
May mga waiter naman na naghatid sa kanila sa mga mesa nila at hindi na napigilan ng ilan na tikman ang pagkaing nakahanda na sa mesa.
Unti unting napuno ang buong pagilid at sa dami ng tao ay kakailanganin mong mag-ingat kung ayaw mong maligaw ng wala sa oras.
Sa kabilang banda naman sa isang bahay ay marami ding abala ngunit iba ang pinagkakaabalahan nila sa mgapinagkakaabalahan sa labas.
Dala dala ang mga damit alahas at kung ano ano pa, mahigit na dalawamoung katao ang umaasikaso sa dalawang Prinsesa.
Magkahiwalay ang kwartong pinag aayusan ng mga ito at lahat ay abala sa pag aayos.
Sa kwarto ni Alena ay masama ang tingin nito sa babaeng nasa paa niya dahil kasakuluyan siya nitong pinipedicure ngunit hindi maayos ang kilos nuto habang ang iba naman ay inaayos ang buhok niya at mukha.
Sa kwarto naman ng pinag-aayusan kay Ashlesha ay tahimik ang lahat ngunit walang tensyon sa ere.
Kalmado pang kumikilos ang lahat kaya naman lalong napapadali ang trabaho ng mga ito. Magkakaiba ang lahat ng pinanggalingan ng nag aayos sa kambal maging ang mga gagamitin ng dalawa sa gabing ito.
Hindi naman halata na ang nag ayos ng lahat para kay Alena ay ang kanyang Ina habang ang kay Ashlesha naman ay ang Ama at mga Kapatid niya. Ang mga damit nila ay magkaiba din, maganda naman ang kalidad ng kay Alena ngunit dahil walang alam si Ara sa mga disenyo o mga bagay bagay sa fashion ay pinili lang niya ang maganda ngunit hindi ito ganoon bumabagay kay Alena.
Habang kay Ashlesha naman ay siya ang namahala ng isusuot niya dahil iyon ay hiniling niya sa mga kapatid niyang nakatoka dito.
Siya na ang namili dahil sigurado siyang hindi lang basta basta ang pipiliin ng mga ito kaya naman mas magandang siya na ang umasikaso.
Mahaba ang proseso nito kaya naman sa loob ng isang kwarto ay hindi mapakali si Ara at ang mag-aama lalo na at naaalala na naman nila ang panahon kung saan nawala si Ashlesha sa mismong araw din ng kaarawan nito kaya naman hindi siya mapakali ngunit hindi lang ganoon kahalata.
Hindi naman nag uusap usap ang mga ito kaya naman tahimik at hindi gugustuhin ni Yves na kausapin ang babae lalo na ang tatlo na ayaw na ayaw kausapin si Ara kahit na Ina pa ito ng Prinsesa nila.
Oo nga at tinanggap nila ito dahil nagbabakasali sila na ibibigay nito ang pagmamahal para kay Lesha ngunit hindi ganoon ang nangyari at lumalabas pa na kaya sila nandito ay upang magbuhay Reyna at Prinsesa sa kastilyo na para lamang kay Lesha.
Lalo namang malayo ang loob nila sa isa pa nilang kapatid, hindi nila alam pero aminin man nito o hindi ay alam nilang may galit ito kay Lesha kaya naman mas lalong ayaw nila dito kahit na kaoatid din nila ito.
Hahanap lang sila ng tyempo at tamang panahon upang alisin na sa landas ng kapatid nila ang mag-ina dahil kayang kaya na nilang ibigay ang kailangan ni Lesha.
Lumipas ang isang oras at inimporma na sila na tapos na ang pag aayos, hindi na sila nagulat ng halos liparin na ni Ara palabas ang pinto upang puntahan ang anak.
Iiling iling nalag silang lumabas ng pintuan at hinintay ang pagbaba ng Prinsesa nila mula sa taas, gaya nila ay naghihintay din si Ara.
Ano kaya ang kinalabasan?
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasiaShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...