Chapter 53

4.1K 234 10
                                    

Naibalita na maaaring magkaroon ng bagyo kaya naman nandito pa din kami sa bahay sa Isla dahil pinapalibutan kami ng dagat ay delikado kung aalis na kami ngayon kaya naman ang isang linggo na pananatili ay nadagdagan ng tatlong araw.

Sa mga araw na nakalipas hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, gusto kong maging masaya lalo na bumabawi si Mama, nakikita na din niya ako pero naaalala ko yung gabi na narinig ko silang nag uusap ni Alena.

Hinayaan ko nalang si Mama na gawin ang gusto niya at masasabi kong handa talaga siyang bumawi at siguto maniniwala ako ng sobra kung hindi ko lang narinig ang usapan nila ni Alena.

Sa mga nakalipas na araw at nananahimik din si Alena pero kung isang laser ang mga mata niya ay malamang hati hati na ang katawan ko.

Halata namang nagseselos siya pero nags-self control lang siya at hindi ko alam kung hanggang saan tatagal ang self control na iyon.

Sina Papa at mga Kuya ko naman ay napapansin kong pasimpleng nangiti o tumatango tuwing inaasikaso ako ni Mama lalo na pag nakain kami, sa gitna namin siya nakaupo ni Alena.

Halatang kuntento at masaya sila sa ginagawa ni Mama na pagbawi sa akin at natawa na nga lang ako ng marinig ang sinabi ni Kuya Abram na wag ko daw silang kakalimutan ngayon na may Mama na ako.

Ang hindi nila alam, maaaring totoo ang lahat o isang magandang palabas lamang.

Kasalukuyan akong nasa Salas at nagbabasa ng libro. Lahat ng tao ay may sari-sariling ginagawa kaya naman tahimik ang lahat.

Abala ako sa pagbabasa ng makitang paparating si Amione at si Franc na magkahawak kamay galing sa labas.

Nadatnan naman nila ako at umupo kasama ko, mula noong kinupkop din ni Papa ang dalawang ito ay pinapili sila ni Papa noong nakaka adjust na ako, kung gusto pa daw nilang bumalik sa pinanggalingan nila o dumito nalang.

Sa totoo lang akala ko ay babalik na si Amione sa pamilya niya ngunit nagdesisyon siyang manatili lang dito kasama si Franc ar dahil daw baka gumulo lang ang buhay ng pamilya niya lalo na at ang alam ng mga ito at wala na siya sa mundo.

Nasa edad 23 na si Amione habang nasa 24 na di Franc, habang isa silang tauhan at miyembro ng negosyo ng pamilya namin ay nag-aaral din sila noon at dahil sa mabilis naproseso dalawang taon na ang nakakalipas noong makapagtapos sila ng pag-aaral.

Para sa akin ay isa silang perpektong mag boyfriend girlfriend dahil hindi ko nakita o narinig man lang na nag away ang dalawang ito, masyadong smooth ang pagsasama nila na nakakapag alala din dahil masyado itong perpekto.

Pero sana walang magyaring hindi maganda at maging magkasama sila hanggang dulo, kahit iba na ang naging takbo ng buhay nila kesa sa libro basta sa huli happy ending pa din sila.

" What is the date of the wedding? " Tanong ko bigla na ikinagulat nila at bigla silang namula ng sabay.

Kita ko namang napahawak si Amione sa tyan niya na ikinailing iling ko, pansin ko din ang pagtakaw sa pagkain ni Amione.

Naririnig ko din minsan na may naghahalungkat sa kusina at si Franc iyon, ang weird lang dahil suka, toyo at ketchup ang pinaghalo halo niya sa bowl habang may apple at banana doon.

Pansin ko din na nag iiba ang hubog ng katawan ni Amione, lumalaki ang bewang niya at bumibilog siya, wag nalang natin sabihin.

" How many weeks? " Tanong ko at inayos ang tingin sa kanilang dalawa.

Kita ko naman ang paglunok ni Franc lalo na at siya ang pinagtutuunan ko ng pansin.

Hindi ba sila marunong gumamit ng proteksyon at may nabuo agad ng hindi pa sila kasal? Ganon na ba sila natukso at hindi nag iisip bago magpasakop sa tawag at init ng laman?

" Ahm.. a-apat na linggo. " Saad ni Franc sabay yuko habang si Anione naman ay tila maiiyak na habang nakayuko din na ikinabuntong hininga ko nalang.

Sa lagay namin na ito ay tila ako yung matanda habang sila naman ang bata, well mas matanda naman talaga ako sa kanila dahil kung isasali ko ang edad ko noong unang buhay ko ay nasa edad 37 na ako.

" You need to married first before it's born, give the child a complete at legal family. " Saad ko sa kanilang dalawa na agad naming ikinatango ni Franc habang tila nabuhayan si Amione dahil sa nagniningning niyang mga mata na nakatingin sa akin.

" Yes yes yes, nagpaplano na kaming magpakasal. " Saad ni Franc na tila ipinagmamalaki pa ito.

" When? Kung kailan mukhang nakalunok na ng watermelon ang bride mo? Have a civil wedding first before the church wedding. " Saad ko sa kanila na tila ay nalamang mahalagang bagay at sabay na tumango.

" T-thang you Lesha… " Saad ni Amione na ikinatango naman ni Franc.

" Tsk. You're already a parent, be mature and stand with each other. Be responsible for that child or else. " Saad ko sa kanila na agad naman nilang ikinatango, ansarap panoorin na para silang mga puppy na pinapagalitan ng amo nila.

Feeling ko magiging spoiler ako ng batang yon in the future. Hays, let's just look for it's future gifts. I believe magiging magandang bata iyon lalo na kung magagandang tao ang mga magulang.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon