Akalain mo nga naman na may tinataglay din palang mabuting ugali yung lalaking yun kahit hindi halata sa mukha niyang napakalamig.
Nang sabihin ni David, oo nalaman ko ang pangalan niya nung tawagin siya nung tinatawag niyang ‘Master’.
Nang malaman ng lalaking iyon na may sakit ako agad din naan silang nagpatawag ng Doctor at kita ko naman ang ngiting tagumpay noong babaeng may dala-dala sa akin.
Kasalukuyan akong tinitignan ng Doctor habang hawak hawak ako ng isang nurse.
Pinunasan niya ako ng tuwalya at pagkatapos ay may ipinunas siya sa katawan ko na nagbigay ginahawa sa akin.
Matapos noon ay biglang may pumasok na lalaking may dala-dala ng oxygen tank, teka? Hindi ba medyo OA ang mga ito?
“ The baby has a summer cold at mukha din siyang nagbabad sa ilalim ng araw at mabagal din ang paghinga ni Baby kay mas mabuting gumamit siya ng Oxygen tank incase na mahirapan siyang huminga. ”
Kung ganoon ay mahina pala ang katawan na kinalalagyan ko at idagdag mo pa ang pinaggagawa ng babaeng iyon sa akin kanina.
Hindi pala sila OA, tama lang ang desisyon nila dahil ayaw kong mamatay ulit sa ikalawang pagkakataon.
Umalis na ang Doctor at naiwan kaming apat sa kwarto na kinalalagyan ko. Isa lang siyang simpleng kwarto at mukhang walang gumagamit ngunit malinis pa din ito.
Napatingin naman ako sa lalaking tinatawag na ‘Master’ ni David saka siya kaya yung ‘Yves’ na Ama ko daw?
Nakatingin din siya sa akin habang nakaupo sa upuang katabi lang ng kama. Nakipagtitigan ako sa kanya.
Kung siya man ang Ama ko ay napakagwapo niya at hindi halatang isa na siyang Ama dahil parang nasa 23 palang siya.
Sa gitna ng pagtitigan namin ay biglang nagsalita yung babae na kaibigan daw ng Ina kong si ‘Ara’.
“ Ara gave her to me the day when she was born and the day when Ara lost her life. ” Saad ng babae, mukha siyang tuod na gustong umiyak.
“ It’s been 5 months after she was born and nahirapan akong hanapin ka, kailangan ko ding magtrabaho ng todo para may ipanggastos sa anak niyo. ” Saad niya at talagang idiniin pa yung salitang ipanggastos.
Mukha siyang kwarta, ampangit niya naman.
Akmang magsasalita pa siya ng naunang nagsalita yung lalaking kanina ko pa katitigan.
“ How sure are you that this thing was my daughter? ” Saad nito na ikinakunot ng noo ko.
Anong sabi niya? This ‘thing’?! Tao ako!
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nakatingin siya sa babaeng mukhang palaka, mukha namang naramdaman nito ang titig ko at lumingon na siyang ikinaiwas ko ng tingin.
“ I’m sure she’s your daughter! Ikaw lang naman ang nakarelasyon ni Ara! ” Saad ng babae at para bang siguradong-sigurado siya na ang lalaking ito nga ang Ama ko.
“ Conduct a DNA test. ” Saad ng lalaki na agad din namang ikinakilos ni David.
Tinignan ko muli ang lalaking ngayon ay malamig ng nakikipagtitigan sa akin. Anong akala niya matatakot ako?
Titingin tingin ka pa! Batuhin kita dyan eh!
Bahagyang nangunot ang noo nito at bahagya naman akong napatawa, instinct ata toh ng pagiging sanggol.
Kita ko namang natigilan ito ngunit sandali lamang at bumalik na sa malamig nitong ekspresyon.
May dumating na mga tao at kinuhaan kami ng dugo, Ama ko kaya talaga siya?
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...